Kabanata V

68 34 1
                                    

"I've always wanted to be the president of this republic. But it seems the odds are not in my favour." Lumabas ang isang mahinang tawa mula kay Topher.

Nakahiga sila ni Ellyn, magkatapat ang bunbunan, sa bubungan ng tirahan ni Cassius.

"President? You can't even protect yourself!" tukso ng dalaga, ang tsokolate nitong mata ay nakatitig sa salaming nasa kalangitan na madilim upang magmistulang gabi sa distrito. "What were you doing in the polluted zone, anyway?"

"I wanted to see your people's lifestyle. Then use it to convince them to fight for their right to vote. After all, they are citizens of Euphesius."

"Oh..."

Namayani ang katahimikan sa dalawa. Sa gitna ng kaguluhan, kuntento na sila sa mapayapang oras na kagaya nito.

"Once you're president, show me the stars," pagmumuni ni Ellyn nakasalukuyang nakapikit.

Umupo si Topher at ngumiti. Isang regalo para sa regalo ng kalawakan para sa kaniya.

Napawi ang kurba sa kaniyang labi nang may dumako sa kaniyang alaala. "It would be great if the Rasleof could come back, isn't it?"

Bumukas ang isang mata ng dalaga. "Huh?"

"If she comes back, maybe, just maybe, we could fix the system."

"The Rasleof is a legend, Topher," bulong niya na tila nahahapo. "She's not real."

"Oh, she is, hon," tugon niya, nakangisi nang tamad. "When I was a kid, I saw her with my own two eyes."

"If she is real, then..." Para itong nakuryente sa enerhiyang bumabalot sa kaniya. Tumayo siya at sinundan ni Topher. "She's our one and only hope!"

"No, Ellyn. This is our problem. If she wants to help, she would have!" kunot noong paliwanag ng binata.

"What if she's like us? Alone, hopeless!" Sa puntong ito ay nagkataasan na sila ng boses. "Just like how we're powerless with just the of us, maybe her case is the same. Shouldn't we give it a chance? Isn't it worth it?"

Bumuntong hininga si Topher habang nakapamaywang. Nakayuko at tila sumuko na. "The Cavaliere has come back right? Wouldn't you think she's working with the Cavaliere now?" katwiran nito. Umirap ang dalaga sa kaniya. "Fine. We'll find her, okay?"

"How do you propose we find her?"

"Well," pumamaywang ang binata, "The thing about the Rasleof is spectacle. When she does something, she makes sure it's explosive. I had access to confidential implants because of my dad and I know her signature.

The Cavaliere, on the other hand, is all about discretion.

How do we find her? I suppose she's not in Euphesius. 10 years is too short a time to assume she'd be safe from the government."

Sa sumunod na araw, nag-impake ang dalawa para tumungong dead zone. Lulan ng sasakyan ng dilaw na buhok na aristokrato at sa kinagisnan ni Barron, nakalampas ang apat sa mga guwardiyang nagbabantay palabas ng domo.

Pagkatapos magpasalamat kay Cassius, na humagulgol para sa kanilang kaligtasan, buo na ang desisyon nila. Tumungo sila sa liblib na parte ng polluted zone, isang lugar na tanging kagaya ni Ellyn na lumaki doon ang makahahanap.

Ito ay kilalang black market sa mga lokal na orihinal na para sa pag-aangkat ng mga armas ng Cavaliere. Ngunit sa paglipas ng panahon, lalo na't dahil walang namamahala sa lugar, naging sentro ito ng mga ilegal na gawain.

Mas malala pa ang black market sa mga tirahan sa polluted zone. Ang daan patungo rito ay hagdan pailalim ng lupa at dahil dito, puro alikabok ang paligid. Mabuti na lamang at may mga suot silang alampay.

Safrole [PUBLISHED UNDER THINKTA PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon