Kabanata VIII

74 30 0
                                    

Ang maligo sa natural na tubig, masarap na karanasan sana para sa mga gaya nilang lumaki sa mundo ng teknolohiya at polusyon kung hindi lamang sila tinututukan ng isang dambuhalang lalaki ng isa ring higanteng armas na mukhang kanyon.

Bukod pa do'n, pwinersa sila nitong maligo nang nakahubad at sabay para mapadali, at hindi ma-kontamina ang pupuntahan nilang paradiso.

Hanggang ngayon ay tikom ang misteryosong lalaki sa identidad ng kaniyang amo. Naghihinala na rin si Ellyn sa pagkatao ng bantay nila.

"Psst." Sumilip si Ellyn kay Topher nang narinig ang tawag nito.

Marahil ay ikinalugod pa niya ang biniyayaang katawan nito, ang nagtitigasang likod at puwitan, ngunit sa pagtingin niya ay nahagip din niya ang lalaking nakatulala, animo'y nakikinig. Saan? Ang hinala niya ay ang tinutukoy nitong amo.

"What is it?" pabulong na tanong niya kay Topher.

"He's odd, don't you think? He seems like..."

"A robot," pagpapatuloy ng dalaga. Pagkatapos ng isang huling tingin sa lalaki, tinapos na niya ang pagligo.

Maging ang paglalakad nito habang dinadala sila sa kung saan ay kahina-hinala. Ang binti nito ay tila hindi bumabaluktot sa tuhod. Mabigat din ang mga yapak na ginagawa nito.

"Sa'n mo kami dadalhin?" inkwira ni Ellyn mula sa tabi niya.

"Paradiso," maigsing tugon ng robot.

Hindi akalain ni Ellyn na pagdating nila sa tuktok ay wala silang makikita ngunit malinis na kapatagan. Hindi ito gaya ng inaasahan niyang salaming kastiyo, paraiso ng teknolohiya na sumasamba sa isang tao, ang Rasleof, hindi kabaliktaran at na para sa iba ay isang santo.

Sa ilalim ng buwan, sa gitna ng mga mapagmasid na puno ay silang tatlo lang ang naroon. "Pinaglalaruan mo ba kami?"

Pagkasabi't pagkasabi ay lumabas ang apat na itim na silindro mula sa lupa na nakapalibot sa kanila. May maliit na butas ang mga itong nabuksan at naglabas ng pulang usok. Muling tumutok sa kanila ang robot.

Naramdaman ni Ellyn ang panlalambot ng mga tuhod, ang pagbagal ng kaniyang paghinga. Mailap na tinalunan ni Topher sa likod ang robot, ngunit maging ang binata ay hindi nakatakas sa epekto ng usok at kusang bumitaw rito.

Bumagsak si Topher nang may kalampag sa lupa, hanggang sa maging si Ellyn ay tuluyang nawalan ng malay.

Muli niyang narinig ang lagaslas ng tubig.

Isang panaginip. Tama. Paano nga naman magkakaroon ng robot sa gitna ng kagubatan?

Tumagilid ng higa si Ellyn para ipagpatuloy ang naudlot na pagkakahimbing, siniksik ang sarili sa malambot na kutson. Kutsong hindi niya alam kung saan nanggaling.

Iyon ang nagpagising ng kaniyang diwa at nagpanikmat paupo. Mula sa makulimlim na phantom mountain, nakasisilaw na kisameng umiilaw na gaya ng kina Cassius ang kinamulatan niya.

Tila nagbalik siya sa chartered zone; malinis at karpetadong silid, isang malaking paso na may mataas na halaman, malaking aparador na gawa sa kamagong, pridyider, malambot na kamang hinigaan niya. Sa gilid nito ay may lamesang pinapatungan ng isang pitsel ng tubig, at mangkok ng berde at malapot na sabaw.

Mayroong metal na pintong nabubuksan ng passcode sa gilid ng aparador na kakaiba ang mga letra, mga titik na namukhaan niya sa mga nabasa niyang mitolohiya ng mga griyego, at mayroon ding kurtinang kristal sa tapat ng kama.

Sinundan niya ang tunog ng umaagos na tubig at lumabas sa kurtina. Isang patayong hagdan ang tumambad sa kaniya sa maliit na espasyo.

Inakyat niya ito at binati ng liwanag ng araw. Sa pagtingin sa hari ay nakita niya ang maliit na kubo sa sanga ng matandang puno.

Safrole [PUBLISHED UNDER THINKTA PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon