Kabanata IV

74 35 1
                                    

Hindi makapaniwala si Ellyn.

Unang beses niyang makakita ng mga pailaw sa kalangitan. Bago ang araw na ito ay hanggang pakikinig lamang silang mga alipin mula sa labas ng domo sa mga putukan nito.

Ngunit hindi niya magawang maging masaya.

Bagamat namamangha sa iba't ibang kulay ng mga ito na nagbibigay buhay sa kadiliman sa kalangitan, kaya naman may selebrasyon ay dahil sa pagkakahuli sa kaniyang kapatid.

"How is it safe to mess with fireworks inside the dome?" inkwira niya para maitaboy sa isip ang pag-aalala. Nasa likod siya ng sasakyan ni Topher habang nagmamaneho ito sa kalagitnaan ng Euphesius.

"You see that black plate at the top-most part of the dome? The theory is that the dome is not made of glass but rather, an electric field. Of course, no official has confirmed nor deny it yet but there's no way of knowing for sure until the death penalty to those who touch it directly or indirectly is lifted."

Walang sumagot sa binata. Sinilip niya sa salamin ang kasama at natuklasang nakatulala ito sa kaniyang mga kamay. "I hadn't noticed before, most likely because of the stench in that polluted place, but you do smell kind of nice," komento nito habang nanonood pa rin sa repleksyon ng dalaga sa salamin.

"I haven't thanked you yet, Topher," tanging tugon nito na iniiwas ang pagtatama ng kanilang mga mata, "You didn't have to bust me out of that crazy place."

"And you didn't have to come to my aid back in the polluted zone, did you?" bungisngis nitong pahayag na nagpangiti sa dalaga.

"Where are we headed?" Saktong pagkatanong nito ay biglaang huminto ang sasakyan, dahilan para tumilapon sa harap si Ellyn.

Tutuksuhin sana siya ng binata nang mapansin ang pang-upo nito at namula ang mga tainga. Minabuti nitong magmasid sa labas kung may ibang mga tao. Sa kabutihang palad ay ang sasakyan lang nila ang nasa kalsada.

Bumaba si Topher at pinagbuksan ng pinto si Ellyn na tila hinangin ang buhok sa gulo. Hindi maipinta ang mukha nito sa inis at nagpigil ang binatang ngumiti.

Sa gilid ng tarangkahan ay may monitor na gaya ng sa mansyon ni Jehan. Pinindot niya ito at nagsalita, "Is Lord Cassius in?" pormal na inkwira ng binata.

Hindi kalaunan ay may lumabas na imahen sa kahon, ang pamilyar na dilaw na buhok ng kaniyang kaibigan. "Topher! What are you doing here?" bulalas nito.

Napataas ang kilay ng dalagang nanonood sa palitan nila.

"Oh thank you for asking, Cass. I'm glad to see you, as well," sarkastikong tugon ng binata, "Are you gonna let us in or what?"

"Us?" usal nito nang may pagtataka.

Narinig ni Ellyn ang paggalaw ng isang bagay at tumingala sa kamerang nanonood sa kanila. "You brought a criminal at my doorstep?!" bulyaw ni Cassius.

Hinablot ni Ellyn ang kamay ni Topher at hinila ito sa tabi niya dahilan para muntik itong madapa, at akmang babalik sa sasakyan nang humarap muna sa monitor, "For your information, the worst thing I've done in my entire life was steal. You don't know my life story so if you're not interested in helping out, kindly clamp that mouth of yours!"

Ang paninindak nito ay nagpasinghap sa may ari ng mansyon. Maging ang binatang kasama niya ay nalaglag ang panga sa pagsabog ng dalaga.

Muli nitong hinila si Topher nang magsalita si Cassius, "Wait."

Lumingon sila sa namumutlang mukha nito. Nakita nila ang pagbukas ng metal na pinto ng mansion at lumabas mula rito ang isang lalaki.

Ang mala-gatas nitong kulay ay halos maging isa sa suot niyang puting kamiseta at salawal na abot sa puting sapatos. Ito 'ata ang ehemplo ng kalinisan.

Safrole [PUBLISHED UNDER THINKTA PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon