+THiRTEEN+

14 2 0
                                    

+THIRTEEN+

 

“Amen.”

Sht. O ayun. Kadadasal lang nila, pero ito ako ngayon, nagmumura AT NAGMAMADALI! Huu! Na-late ako ng gising! Ajujuju. May flag ceremony nga pala ngayon dahil Lunes, at ayun sila maglu-Lupang Hinirang na!

Mabilis akong sumingit sa gate at tumakbo papunta sa pila namin. LATE ka na kasi kapag natapos na ang Lupang Hinirang at wala ka pa. Hindi ka papasukin sa first subject mo at papapilahin sa school grounds at magfa-flag ceremony mag-isa. =___=

“Abot ako!” Dun na ako sa dulo na ng pila ng girls (alangang boys) ako pumunta.

“Huwag mo kasi akong masyadong isipin sa gabi! Na-late ka tuloy!”

Napaigtad naman ako nang may nagsalita. Ayt. Akala ko si…

“Hoy, Karlo magtigil ka.”

At ayun na nga at natapos na rin ang pagkanta ng pambansang awit at litanya ng Panatang Makabayan. Pagkatapos ay umakyat na kami sa kanya-kanya naming room.

“Di nga, bakit ka late?” Tinanong naman ako ni Karlo nang makaupo na ako sa upuan ko. Nakaupo siya sa harapan ng upuan ko pero nakaharap siya sa akin.

“Kulit mo. Na-late nga ako ng gising kasi ginawa ko yung assignment ko sa Trigo!”

“Yon! Pakopya, dali!”

Inirapan o siya. “Tae ka, ‘yan lang pala sadya mo. Tss. O ayan!” bingay ko sa kanya yung notebook ko. “Asar ka! Ikaw nga magaling sa math diyan eh.” Nasabi ko na ba sa inyo? Human calculator yan eh.

“Eh nakakatamad.” Humarap na siya dun sa blackboard at binuklat agad yung notebook ko.

“Tama ba* yung gawa ko?” Dumukwang ako sa kanya para makita ko yung notebook ko.

“Ewan, siguro!”

*Pak!*

Binatukan ko nga, kaasar eh.

“Ahem!”

Napatingin naman kaming dalawa ni Karlo sa tumawag sa pansin namin.

“Oh, Francis, kaw pala,” pansin ko sa kanya. Si Francis lang pal—SHEET! Si Francis! Naalala ko yung moment nung Friday. Ajujuju. Lagot ka kay Corinne, Jen! Umayos ka!

Pero naramdaman ko pa ring namula ang mukha ko kaya bumalik na lang ako sa upuan ko at kunwari may kinukuha ako sa bag ko. Nung mahimasmasan ako ay tumingin ako ulit sa kanya.

 Mukhang mainit ang ulo niya dahil nakakunot ang noo niya na … nakatitig kay Karlo? Naku ha, magkaaway ba yung dalawa? Parang may kuryente sa pagitan nung dalawa eh!

“Arf! Arf!” Eeeeeh?! Nagulat naman ako nung tumahol si Francis! ANYARE?! Nakagat ba ito ng aso?

“Aw! Aw!” parang sagot naman ni Karlo kay Francis! Seriously, nong nagyayari sa people? Rise of Planet of the Dogs na ba? =_____=++

“HOY! Bakit kayo nagkakahulan diyan?! Mag-Solmux nga kayo!” patawa ko pa. LoL. Free ad ah!

“Sabay tayo mamaya mag-lunch, may meeting officers mamayang hapon.”

“Ha?!” Nagulat naman ako kay Francis nang tumingin siya sa akin. Sabay daw kaming mag-lunch? “P-pero, kasabay ko sina Cori--”

“NO BUTS.” Anla! Ang lmig ng stare niya, kaya naman napaatras ako mula sa kinauupuan ko.

“Pero wala naman akong sinabing ‘but’…” Napa-pout ako ng wala sa oras.

“Ikaw, ‘tol. Kaka-declare mo pa lang ng away, dumidiga ka na agad?” tanong ni Karlo kay Francis.

Dumidiga?

Ngumisi lang si Francis. “The early bird catches the first worm,” makahulugan nitong sabi at pagkatpos ay bumalik na ito sa kinakaupuan nito.

SERIOUSLY. ANONG NANGYAYARI? ANONG PINAG-UUSAPAN NILA?

“Hoy, Karlo, anong pinag-uusapan niyo?” Kunot na kunot na ang noo ko. (?___?)

Pero imbis na sagutin niya ako ay iba rin ang sinabi niya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napaatras (ulit) ako. “Tandaan mo ang sinabi ni Virus sa 3 Idiots: ALL IS FAIR IN LOVE AND WAR.” Kinindatan niya ako tapos ibinalik sa akin yung notebook.

LALO TULOY AKONG NAGULUMIHANAN. WATTDAPAK?!

Pero teka, saan ko nga ba nakita yung Arff! Arff! At Aw!Aw! scene na iyon? Hindi ko maalala!

Napakamot ako sa ulo ko. Kayo ba naalala niyo, guys? Pakipaalala naman sa akin via your comments. Please? *puppy eyes*

_______________

 

A/N: I just feel like updating it. CHOS! I decided na kontian na lang bawat chapters para naman kunwari madami chapters! Medyo inayos ko ulit tong structure ng story kaya ayan. Madami ng chapters.

Weeee! Kahit walang nagbabasa nito, sige lang! Haha :DD Kung meron man, sana i-comment niyo kung ano yung nakalimutan  ni Jen kanina. Haha ! ^0^V

Salamat po sa pagbabasa!  Don’t forget to vote! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon