+ELEVEN+

6 0 0
                                    

+ELEVEN+

AUGUST.

Grabee ang bilis 'no? August na agad. Patapos na nga eh. August 24, Friday, TGIF!!. Hahaha. Nga pala hindi ko pa pala naku-kwento yung nangyari noong NUTRITION MONTH. Huhuhuhu!!!

Ayun, champion naman sina Corinne at Colette. Buti pa sila. Ako, 1st runner up lang dun sa essay. Eh paano! Linsiyak lang eh, magaling din pala yung si Francis sa essay! Siya ang CHAMPION! :(( O sige, ako na ang ARIEL! Tch. Kainis siya, parang lahat na lang nasa kanya, ah! Parang si Takishima Kei lang!! (Sa Special A yuun!! Gaaaassshhhh lang pag naaalala ko siya.)

Ayun na nga. At aba, nakatikim pa ako ng sermon galing dun sa dalawa huh! Bakit hindi ko daw sinabi na kasama pala si Francis doon sa essay chuchu edi sana dun na lang daw sila sumali. Pusang gala! Ang sarap magmura nang malutong pag naaalala ko lang. Eh mga gaga pala sila, inaway-away pa nila ako dahil ayoko nga sumali sa jingle & rap, tapos…! Tsk. Inaway ko talaga silang dalawa nung time na iyon, awarding ceremony na yun eh, July 31. Aba, nagkampihan pa silang dalawa. Eh sa hindi ko nga talaga alam na kasali siya eh! Contestant # 7 pala siya, edi ba naalala niyo pang-number 6 ako nung nagsulat dun sa application list. Tch. Paano ko malalaman? Taena lang.

Lahat ng mga iyan ay naikwento ko rin kay Karlo nang mismong araw na iyon. As usual, siya na naman ang pinagbuntunan ko ng sama ng loob. Aba, ang reaksyon ba naman sa kinuwento ko, eh “Taena, ang sarap pag-umpugin ng ulo ng dalawa mong kaibigan na ampaw lang naman ang laman!”. Napatawa na lang ako eh. Binilhan niya ako ng Haagen Dazs pagkatapos kong magsumbong sa kanya kaya medyo nalubag ang loob ko. Haha!

Nagkabati naman na kaming tatlo. Silang dalawa ang naunang nag-sorry. Alangang ako mauna, wala naman akong kasalanan. Tch. Sinabihan daw sila ni Francis. Naikwento ko rin sa kanya one time na magkasabay kaming nag-recess. Ayun. Sakto naman noon, First Quarter Exams na nung mga panahong iyon. Hayyy…Buhay. Okay naman ang results ng exams ko. Maliban sa EKONOMIKS!! Bwisit na yun talaga. Yung scores naman nina Corinne at Francis, aba, halos di nagkakalayo. Sila lang dalawa lang ang nagta-top eh. Maliban sa Culinary. Ako dun eh! Haha. Si Colette naman ayun top siya sa English.

Syempre, August, kaya ayun Buwan ng Wika. Waaa! Hindi na ako sumali dun sa essay-writing contest! As usual, si Francis champion na naman dun. Sumali din siya dun sa painting chuchu. 1st runner up siya dun. Tch. Magaling din siya, pero mas magaling pa rin yung isa naming kaklase na sumali, si Jade. Haha. Pero kahit na! Kainis talaga siya, para talaga siyang si Kei. =__= Sa balagtasan naman ako sumali. Hahaha, Si Karlo nga yung kalaban ko dun eh! Nako, ano pa, champion kami doon! Aba, natural lang sa amin ang magsagutan eh.

Ayon tapos na ang recap ng buhay ko. Hay nako. At eto ako papunta sa kung saan. Haha, actually, papunta ako ngayon sa bahay nina Francis. Kasabay ko nga ngayon eh, nasa jeep kami. Baliw kasi iyon eh, mag-meeting na daw kami about dun sa English Month, tsaka gusto na daw akong makita ng Mama niya. Sabi ko nga sa kanya dapat kasama yung ibang officers, pero mag-brainstorm muna daw kami ng mga proposals bago iharap sa madlang officers. O, edi sige, siya ang Prez eh. Tsaka gusto ko ding makita si Ma’am Celina.

Nga pala, kung nag-aalala kayo na baka hindi ko nasabi kina Corinne at Colette about dito, sinabi ko na via phone. Specifically, eto ang nangyari.

*Flashback*

“Wait lang, Francis, ha, may tatawagan lang ako,” paalam ko kay Francis pagkapayag ko na sumama sa kanya. Nandito na kasi kami sa may sakayan ng jeep papunta sa kanila. Hindi ko nakasabay pauwi yung dalawa dahil busy daw, may gagawin pa yatang club activities, pati si Karlo. Buti nga na-tyempuhan ako ni Francis eh. Uwing-uwi na kaya ako.

“Sure.” Lumayo ako ng kaunti sa kanya at idinayal ko yung number ni Corinne. Buti na lang may 5 minutes pa akong pwedeng ipang-call. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na iyon ng kabilang linya.

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon