+ONE+

45 3 1
                                    

+ONE+

7 YEARS AGO…

*DINGDONG DINGDONG DINGDONG *

“HOY!!!”

“Uhm..”

Tinakpan ko ng unan ko ang mukha ko at pinikit pang muli ang mata ko.

“HOY! Gumising ka na! May pasok ka na!” Sinipa-sipa niya ako para magising.

Pero…

“Mamaya na 'My!”

Namaluktot pa akong lalo sa at nagtalukbong ako sa amoy-Downy kong kumot.

“'Di mo ba naririnig? Kalembang na! 4:30 na!”

*DINGDONG DINGDONG DINGDONG *

Shete. Oo nga. Kampana yan ng simbahan na walking distance lang mula sa bahay namin. Every 4:30, 5:00, 6:00 am at 6:00 pm ay kumakalembang yan. Yan ang major major kong alarm clock.

 Napabalikwas ako ng bangon at umupo na sa mattress na walang kama.  Kainis naman. Lunes na ngayon, first  day of classes. Pupungas-pungas pa akong napakamot sa ulo at napabusangot. Kainis, nasanay talaga ako sa bakasyon grande ko. 10 am pa ako nagigising nung bakasyon, ngayon back to gising nang maaga na naman ang peg ko. >.<

“Naku, Jenny. Magsimula ka na uling i-train ang body clock mo! Baka gusto mong araw-araw kitang gisingin pa dyan?! Sinuswerte ka! Aba, fourth year high school ka na! Ayun at nag-iingay na naman ang lola mo, gumising ka na daw! ”

Ay golay. Ang aga-aga nanermon na naman si Mommy! Kainis. By the way, hindi ko siya Mommy as in biological mother. Matandang dalaga ko na siyang Tita. Hindi ko kasama dito sa bahay ang mga parents ko, nasa Pasig sila at ako ay nandito sa Pateros. Nakikitira nga ako dito kina Mommy Lauren (Mommy na ang tawag naming lahat na magpipinsan sa kanya, minsan Mommy 6Z), sa lola ko na mahal na mahal ako na si Lola Pacing, sa pinakamatanda kong pinsan na si Kuya Ryan at ang asawa niyang si Ate May, Tita ko (na siyang ina ni Kuya Ryan) na si Mama Auring, at ang isa ko pang matandang binatang Tito na si Uncle Ben. Grabe sobrang dami 'no? Close Family Ties daw eh.  Lahat 'yan sa father side ko, at syempre kulang pa 'yan, Anim na magkakapatid sila ng Papa ko, yung iba siyempre humayo na at nagpakarami. Tuwing Pasko at birthdays kami nagrereunion kaya asahan mong piyesta kapag ganoong mga araw.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nakikitira at nakikisiksik sa kanila. Kasi 4 yrs. old pa lang ako, nagkinder na agad ako, dun pa ako nakatira sa Pasig noon at doon ako nag-aaral. Top 1 ako dun, kaya binigyan ako ng medal. 'Yun nga lang, sabi ng peste kong teacher dati na kailangan daw bayaran yung medal ng P100. Nagalit si Papa at si Mama, gayundin si Mommy kasi daw parang lumalabas na binayaran ko daw yung pagiging top 1 ko na sa 'di naman sa pagmamayabang ay deserved ko naman talaga yung recognition, kaya ang ginawa nila ay isinauli nila yung medal at isinumbong nila sa DepEd yung kurakot na teacher ko na iyon. As a result, nagalit siya at ipina-ban ako sa elementary school na malapit lang at dapat papasukan ko sana, kesyo kailangan daw ay 5 or 6 years old na dapat ako bago mag-grade 1. Eh kaysa naman daw tumigil ako, tinulungan ako ni Mommy na mag-aral na lang ng elementary sa Pateros at ngayon namang high school ay magaapat na taon na kong nag-aaral sa isang bagong tayong high school sa Makati (bagong tayo as in kami ang first batch of graduates). Kaya, ayun, hala, sunod naman ako. Anong alam ko, eh musmos pa at sumasargo pa ang gatas ko noon sa labi? :D Tsaka sila gumagastos ng pampaaral ko eh.

Ayan na ang aking history! The End. Haha, just kidding! XD

“ANO NA JENNY!! NAKATUNGANGA KA NA DIYAN! ALAM MONG ANG KUPAD-KUPAD MONG KUMILOS, TUMATAMBAY KA PA DYAN!!”

Tila napabalik ako sa kasalukuyan.

Napabuntong hininga ako. MORAL LESSON: Kailangang mag-asawa, nang hindi tumandang dalaga at magmukhang araw-araw na may regla!! >.<

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon