+PROLOGUE+

52 5 2
                                    

“Ma! Alis na po ako!” Paalam ko kay Mama habang tinitingnan ko ang mukha ko sa salamin na nasa compact powder na hawak ko.

“Okay sige, ingat ka anak,” sabi ni Mama habang hinahatid niya ako sa pinto. “Dali na, at baka ma-late ka pa!” Pinalo pa ako ni Mama sa pwet.

“Anu ba yan 'MA!” Inirapan ko siya. Tinawanan niya lang ako.

“Sige na, dali.”

“Ito naman si 'Ma, pinapalayas na agad ako!”

“Gaga! Coding ka 'di ba! Maglalakad ka pa para lang makakuha ng taxi kaya bilisan mo na. Tsaka kanina ka pa sabi ng sabi na aalis ka na pero hanggang ngayon nandito ka pa rin!”

 HEHEHE! 

Tsk! Oo nga pala! Dali-dali kong nilagay sa loob ng shoulder bag ko ang hawak na compact powder tsaka inayos ang coat at pencil-cut na palda na suot ko. “Babush na, 'Ma!” Bineso ko na si Mama at lumaabas na ako ng bahay.

Tsk. Kainis talaga pag coding ako,kailangan ko pa tuloy maglakad para lang makakuha ng taxi. Tsk talaga. Binilisan ko na ang lakad ko. May bago na daw akong kliyente ngayon, sabi nung head ng accounting firm na pinagta-trabahuhan ko. Wow, huh. In demand ako. Hehe.

May madadaanan pa pala akong playground! Tsk, sana walang mga batang makukulit! Ayoko na ng abala! Nang makadaan na ako ay bigla na lang ako nakarinig ng hikbi.

“Huhu! Patawarin niyo ako sa kasalanan ko.”

Dahil na-curious ako, lumingon ako sa pinanggalingan noon. May nakita akong batang babae na umiiyak.  Nakapaligid naman sa kanya ang  dalawang batang babae na sa tingin ko ay siyang kausap nung umiiyak na bata. Sa tingin ko ay naglalaro sa 8 or 9 ang mga edad nila.

“Uy, Louise, huwag ka nang umiyak. Ano ka ba, naiintindihan naman namin kung bakit mo ginawa yun, eh. Nandito naman kami nina Jane, eh. Lagi ka naming iintindihin.” Hinahagod niya ang likod nung tinawag nilang Louise.

“Talaga?”

“Oo naman? Bestfriends tayo, eh! Hindi tayo magkakahiwalay. Walang sisira sa ating tatlo. Kahit mag-away tayo, alam kong ilang oras lang ay magkakabati din tayo.” Nginitian naman nung Jane si Louise kaya ngumiti na rin ito.

“Maraming salamat! Thank you talaga!” lalong napaiyak nang malakas yung Louise dahil sa tinuran ng dalawa. Umiiyak na rin ang dalawa habang nagkayakapan ang tatlo.

Nakakatuwa naman, ang swerte nilang tatlo sa isa’t isa.

Wow. Nice lang. Buti pa sila. Buti pa sila, inuuwa nila ang bawat isa. Kung may pagkakamali ang isa, iniintindi nila. Hindi sila nagpapadala sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanila, bagkus ay pinagkakatiwalaan ang mismong kaibigan nila.

Matinding lungkot ang lumukob sa akin nang mga oras na iyon. Sana ganoon din ang nangyari sa akin, sa amin ng mga kaibigan ko, 7 years ago. Sana pinaniwalaan nila ako. Sana man lang inintindi nila ang nararamdaman ko noon, hindi yung sarili lang nila ang iniisip nila… Sana hindi muna nila ako hinusgahan.

Dahil dito ay naalala ko na naman ang nangyari, pitong taon na ang nakakaraan…

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon