+TWELVE+

20 1 0
                                    

+TWELVE+

“Hayy… Nakakapagod… Gud Eve po, 'Ma, 'Pa!” Binati ko sa aking mga magulang pagkadating ko galing sa Pateros. Nandito ako ngayon sa Pasig. 'Di ba nga every weekend ako dito? Buti na lang natapos agad namin ni Francis kanina yung meeting namin at nakauwi ako agad. Pero hindi ako umuwi kaagad! Huh? Ano daw? Haha! Ang ibig kong sabihin ay hindi ako umuwi agad-agad pagkatapos namin mag-brainstorm ni Francis. Hiya ko naman, 'noh! Pinakain pa ako ni Ma’am—errr.. Tita Celine pala ng Cheese Chiffon Cake niya na specialty niya daw. At ayun, bundat na naman ako! Haha! Next time daw kapag pumunta ako ulit doon ay tuturuan niya ako ng ibang recipes pa, dahil nalaman nga niya kay Francis na outstanding ako sa Culinary and Baking. Chos! Haha!

So eto na nga. Nandito ako sa Pasig. Sa linggo na ng hapon ang uwi ko papunta namang Pateros ulit, para di ako male-late kinabukasan. Hayyy.. Ang hirap ng buhay ko, 'ano? Sus, mag-iisang dekada ko na nga ginagawa yan eh.

“Bakit gabi ka na nakauwi?” Tanong sa akin ng Papa ko nang hindi tumitingin sa akin kahit na nagmano ako sa kanya. Paano’y nakatutok ang kanyang mata sa TV na nakaupo sa sofa, kung saan nanonood siya ng basketball. Yan ang Papa ko—Lexus Marquez. 'Wag ko na i-describe, haha! Basta mahilig siya sa puns! Tss. Parang si Amane Hikaru lang. (Bane and Davide! Know the pair? XD) Pilosopo rin at Joker. Yeah. Kaya nga pagala-gala na si Batman ngayon eh! XD

“May ginawa lang po ako sa school,” sabi ko na lang. Nakita kong katabi niya ang pangalawa kong kapatid, si Jordan Lazarus, or JoLaz in short. Well… Hindi kami magkasundo, yun lang. 1st year high school na siya.

Alam niyo kung bakit ganyan ang pangalan niyan na out of this world? Eh kasi may PBA player na living legend ngayon na si Jojo Lastimosa at ang katawagan na sa kanya ay JoLas, thus, my otouto’s name.

[Otouto= Japanese ng younger brother. I like to call him like that kasi it sounds like uto-uto, parang ganon! Haha! Gayahin niyo din ako sa mga kapatid niyong lalaki na mas bata sa inyo!! Kapag naman mas matanda sa inyo ang kapatid niyong lalaki na kinakainisan, just call them aniki, kasi yun ang counterpart ng kuya in Japanese, I think. Parang paniki lang. Oha, ang saya mag-aral ng nihongo di ba? XD]

“Sino bang naglalaban? Ano na pong score?” tanong ko kay Papa.

“Hindi mo ba nakikita? Iyan na nga ang TV sa harap mo!” sabat naman ni otouto.

“Heh! Manahimik ka nga otouto! Ikaw ba kinakausap ko?” Inirapan ko siya.

“Tch. Wag mo nga akong tawaging ganyan!”

“Bakit ba?”

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Taray modes naman ang peg ko. Haha!

“Quarterfinals na ito. Game 1 na, Best of 3, Petron vs Talk and Text mo. 70-60, lamang ang Petron, matatapos na ang third quarter,” yun oh, kumpleto ang sagot ni Papa.

Tch. Magkalaban kami ngayon. 'Yan kasing si Papa at Otouto, Petron at malamang ako ay Talk and Text. Giyera 'to men!

“Talo ka na!” Sabi ko sa inyo eh. Ang yabang nitong otouto ko eh.

“You don’t know the essence of a come-from-behind win, eh? Hah. Baka lamunin mo iyang mga sinasabi mo mamaya!” I scorned.

He just gritted his teeth. Haha!

“Ate! Pasalubong!!” narinig ko naman na sigaw ng isa ko pang kapatid. Meet my 5 year-old imouto (younger sister), Beatrice Marquez. At tama ang hinuha niyo, may history din ang name niya.

 May kakumare kasi ang mama ko na may anak na batang lalaki. Nang ipinagbubuntis daw ni Mama si Riz (nickname ko kay Beatrice), sinabi daw nung batang lalaki na papakasalan niya daw si Riz. Errr.. weird no? Ang pangalan daw ng lalaki ay Dante.

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon