+SIX+

36 3 1
                                    

+SIX+

Kinabukasan,paakyat na ako sa room nang  nakasalubong ako ni Ma’am Camilla Mariano, teacher namin sa English at adviser ng English Club.

“Jen! Buti na lang nasalubong kita. Paki-announce mo naman sa mga kaklase mo na mga may election ulit ng officers para sa English Club. Kahit na sinong interesado, puwede, kahit hindi mga dating member ng club. Pero dapat yung mga dating member and officers, nandun din. Sabihin mo pumunta sila sa Multi-Purpose Hall, 1PM. Okay? Huwag mong kakalimutan.”

“Okay po, Ma’am.”

“Thanks, Jen,”pasasalamat sa akin ni Ma’am Camilla at tumalikod na siya.

Ako naman ay dumiretso na ng room. Pagkapasok ko ay halos naroon na silang lahat.

“Guys, sabi ni Ma’am Camilla, kung sino daw may gustong magpamember or maging English club officer, punta na lang daw sa may Multi-Purpose Hall ng 1pm. Tapos yung mga dati nang officer and member, dapat nandoon na rin,” sabi ko nila.

“Okay!” sagot naman ng iba.

Dumaan ako sa upuan ni Colette. “Uy, sabay tayong pumunta mamaya, huh.”

“Okay!” sang-ayon naman sa kain ni Colette nang hindi tumitingin sa akin dahil nakatitig siya sa iba. Kanino pa, edi kay Francis.

“Corinne, wait mo ako,ha, sabay tayong umuwi,” paalala ko naman kay Corinne.

“Don’t worry! I’ll surely wait you…” sagot din sa akin ni Corinne nang hindi nakatingin sa akin dahil, ano pa nga ba? Edi nakatingin siya sa love of her life.

Napapailing na lang ako. Kawawa naman si Francis. Kung nakakatunaw lang ang titig ay matagal na siyang lusaw.

“Uy, Jen. Pwede ba akong maging member ng English Club kahit transferee ako? “  Bahagya naman akong nagulat. Tinatanong pala ako ni Francis.

Eeeeekkk.. Naalala ko na naman yung kahapon… Ehehe! Mukhang nakalimutan naman na niya! XD

“Ah, oo naman, bakit hindi? Baka nga manalo ka pa kung tatakbo ka eh. Ang dami mong fans sa paligid,” sagot ko naman.

Ngumiti lang siya sa akin at humarap na sa harapan. Tila bumulongnaman siya.  “Eh, ikaw jbhvvhbkn ko?” Parang ganyan, ewan ko, 'di ko naman masyadong marinig.

“Anong sinabi mo?”

“Wala… Gusto ko kasing sumali.”

“Sus. No problem. Sige, punta na ako sa seat ko, kitakitz na lang mamaya!” Pumunta na ako sa upuan ko at umupo na.

“Hi, Jen!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Karlo pala. Ka-close ko din siya dito sa room. Four years na kaming magkakaklase. Kung sa babae sina Corinne at Colette ang bestfriends ko, siya naman ang bestfriend at katropa ko talaga sa Boys.

“Uy, What’s up?”

“Hahaha! Talo ka!”

Inirapan ko siya. Tinutukoy niya yung basketball game kagabi. Talo kasi ang Talk and Text sa Alaska Aces.

“Lumapit ka sa akin para lang sabihin iyan?”

“Oo. Mang-aasar lang, bakit?” tumawa pa siya. “Bilib na bilib ka kasi sa team mo eh.”

“Eh ano naman ngayon?” I pouted. “Kami pa rin naman ang magcha-champion, 'noh!”

“Kayo? Bakit, kasama ka ba doon?” sabi niya sabay tawa.

Pinalo ko siya sa braso. “Kainis ka! Pang-asar ka talaga!”

“Hahaha! Ang cute mo kasing asarin,eh! Kaya crush kita eh!” sabi pa niya habang ginugulo ang buhok ko.

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon