+FiVE+

21 3 1
                                    

+FIVE+

“You know, I have inside information na teacher pala ang mama niya! Haah! Sasabihin ko iyan kay Colette bukas. For sure, maiinggit siya sa akin. Ako na naman ang unang nakaalam.”

Ngumiti na lang ako ng pilit. Pauwi na kami ni Corinne at nakasakay kami sa jeep. Buti na lang 'di maulan ang hapon ng July 11 ko ngayon! Ay nako eto talaga si Corinne! Kanina pa siyang ganyan, kuwento ng kuwento about kay Francis. Actually, nakakairita na, I mean, kasi paulit-ulit na lang eh! Siguro magagalit kayo kung I seemed plastik pero hindi naman na ako nagpapakita ng pagkadisgusto sa kanya dahil…

“I’m in love with him! I am soo in love with him!” nangangarap na sinabi niyang muli sa akin. The 10th time she told me that today. Well, ginusto na niya iyan eh. Actually sinabi ko na sa kanya na nakakairita na yung mga pinagsasabi niya kaso ayaw talaga tumigil eh! =_______=

“Oo na! Paulit-ulit!” I rolled my eyes. “Sigurado ka na ba diyan? I mean, 'di ba kakikilala lang naman natin sa kanya, and yet in love ka na agad? Baka infatuation lang iyan!”

“No, I’m sure of it, Jen. I’m I love with him! Alam mo yung feeling na gusto ko araw-araw nakikita ko siya, tapos everyday excited akong pumasok dahil gusto ko na agad siyang makita at makasama.. ganoon! I’m sure you would agree that I’m in love with him!”

Napatango na lang ako. “Okay. Sabi mo eh.” Paulit-ulit!! I’m in love with him, I’m in love with him? >.<

“Susuportahan mo naman ako 'di ba? You’re behind my back, right?”

“Of course! But, paano si Colette? I mean, may gusto din yata siya kay Francis.”

“Ano ka ba! Tinanong ko na siya, ano! Nakiki-ride lang daw siya pero wala daw siyang gusto kay Francis.”

“O, talaga?” Errr… Wow, nakiki-ride lang siya nang lagay na yun ha! Hayuup lang! Paano kapag totohanan na!? Hahahaha!

“Yup! Hayy… ang saya ng in-love!”

“Baka maapektuhan niyan ang pag-aaral mo ha! Maunsiyami pa ang pagiging valedictorian mo.”

“Nah-uh! Hindi siya distraction but inspiration.”

Ngumiti na lang ako. “Okay! May  tiwala naman ako sa iyo eh!”

“Oh, ayan pala malapit na tayong bumaba.”

Bumaba na nga kami. “Bye, Corinne! Ingat ka ha!”

“Ingat din!” Kumaway kami sa isa’t isa at sumakay na siya sa isa sa mga tricycles dun sa paradahan. Ako naman ay dumiretso na ako ng uwi.

“Oy, Jen, nandiyan ka na pala,” bati sa akin ni Mommy at nakipag-beso sa kanya. Naghuhugas siya ng mga pinaglutuan niya para sa dinner siguro namin.

Pumunta naman ako kay Lola. Nakahiga siya habang nakikinig ng mga drama sa radyo.

“'La! Nandito na po ako!” nag-mano ako sa kanya.

“O, andyan ka na pala. Sige, magbihis ka na at kumain ka na ng meryenda dyan.”

“Okay po.”

Umakyat na ako sa kuwarto ko at nagbihis ng pambahay. Simpleng shorts at T-shirt lang naman ang suot ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at kumain. Wow! Sarap ng palitaw with matching sago’t gulaman! *munch munch*

“Nasaan sina Kuya Ryan 'My?”

“Nagpunta sa Health Center. Buntis na daw yata si Ate May mo.”

“Wow, ang galing.”

“Kaya huwag ka nang uupo sa may hagdan. Bawal daw 'yun at baka makunan.”

My Bestfriends Who Hated Me (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon