BOYISH + ARROGANT GUY = tooot.. SYNTAX ERROR?
CHAPTER 1:
Kanina pa ko naglalakad-lakad dito. Ang tagal naman dumating ng kumag na yun. Halos maikot ko na tong buong SM kakahintay sa kaniya. Isa talaga syang malaking tae ng buhay ko. GRRRR!! Masasapak ko talaga yun pagdating na pagdating nun. -____-++
nandito na ko ngayon, nakatayo sa harap ng Time Zone.
May kumalabit sa likod ko, at paglingon ko..
"PEEKABOO!!"
sinapok ko nga sa ulo..
"kumag ka talaga! Sa susunod wag ka na nga magpapasama sakin, katagal-tagal kong naghihintay dito!" sabi ko. Naiinis na talaga ko.
"Sorry na.. Wag ka na magalit. Promise, di na mauulit." sabi niya habang hinahaplos ang ulo niya dahil sa pagsapok ko.
"talagang di na mauulit. Dahil di na ulit kita sasamahan!"
"oooy.. tampo sya.. Tara na nga. Treat muna kita. Sa greenwich na lang tayo."
"dapat lang!" hinatak na lang niya ko. Sympre, tatanggi pa ba ko. Libre yun noh! ^____^
nakaupo na ko dito. Sya na yung pumunta sa counter para umorder. Nagpasama sya sakin para bumili ng gift para sa girlfriend nya. Malamang ring ang gift nito. Kasama ko yan sa boarding house. We both studied in the same school. We're classmates too.
Padating na sya sa lugar ko kung san kami kakain, dala yung pending number.
"anong inorder mo?" tanong ko
"lasagna supreme tsaka family rolled hawaiian pizza.."
"talagang yung favorite ko ah.." sabi ko
"sympre.. Para samahan mo ulit ako.. Next time" sabi niya with evil grin.
-_____-++
"tss! Baliw! Oh.. Ano nga pala gift mo para sa girlfriend mo?"
"dress na lang.. At kaya ako nagpasama sayo para tulungan akong pumili ng babagay sa kaniya." poootaaakktee!! Bakit dress pa?! Ano namang alam ko sa mga ganiyan!
"the heck, Jacob! bakit di na lang ring?! Alam mo namang, wala akong alam sa mga girl's things!" rolled eyes..
"kaya mo yan.. Pleeeeasse.." sabi niya..
"ano pa ba magagawa ko sa isang gwapong kumag na nagpa-puppy dog eyes sa harap ng ko?! Tss.."
"salamaaatt Chloe!!"
parang bata lang.. Padating na rin yung order namin.. Kumain na kami pagkatapos pumunta kami para bumili ng dress kuno. Tae talaga!
"heto Chloe.. Maganda ba to?" tanong nya sakin habang hawak-hawak yung damit na color violet na may beads. Pero ayos naman. Ay naku! Di ko alam kung anong tawag sa damit na yun. Ano bang alam ko sa mga ganiyan!
"hindi ba pwedeng jeans and shirt na lang ibigay mo sa kaniya dre. Wala akong alam sa ganiyan eeh." sabi ko.
Napabuntung-hininga sya.. Para bang nalungkot na may halong pagkakonsensya nung makita ko sya. AAAAAAHH! =_= di ko talaga alam.. Bahala na!
"okay! Okay! Oo maganda.. Mukang babagay sa kaniya yan kasi maputi naman sya eh." nasabi ko na lang. Kumislap yung mga mata niya.. Bahala na talaga!
"talaga? Sure ka? Sige eto na lang bibilin ko para kay Sophia."
sabi niya sabay takbo papunta sa counter. Tama bang bigla akong iwanan dito?
Sabay na kaming naglalakad ngayon palabas ng mall. Laki ng ngiti niya, abot tenga!

BINABASA MO ANG
BOYISH meets the ARROGANT GUY (completed)
RomanceBoyish + Arrogant Guy = toooot.... SYNTAX ERROR??