CHAPTER 4:
*yawn*
ano ba yan!! ang sakit ng ulooo kooooo!!! >.<
nasaan ba ako?! haaay!! teka nga.. gisingin ko lang si dre ko..
teka.. teka.. nasan nga ba talaga ako?!
waaaaaaaaaaaaa!! nasaan ako?!!
"oh have a coffee first.. wag mong pilitin sarili mo pag di mo pa kaya" nilingon ko kung sino yung nag salita..
"Kenneth? bakit ako nandito? at tsaka asan ba ko?" tanong ko sa kaniya habang pumuposisyon ako ng paupo sa kama..
"nandito ka sa ... rest house namin.. natin na pala...kasi kabanda ka na namin.." sabi niya sabay abot ng coffee.. kinuha ko naman.. ang init ah!
lumingon ako sa paligid .. hinahanap ko yung dalawa..
"nandun sila sa labas... dito ka muna.. magpahinga ka..""galing mo naman bumasa ng naiisip.mindreader?! hehe.. ahm.. ano nga pala nangyari kagabi?" tanong ko. kasi di ko na talaga naalala the rest ng nangyari kagabi eh..
"nalasing ka tapos.. tapos na.. haha.. kasi nga lasing na lasing ka.. hindi mo pala kaya uminom ng ganon karami.. kaya dito ka nalang namin dinala."
"ganon ba? sensya na sa abala ha.. pati tuloy kayo---"
"wala yun.. ano ka ba? baba ka nalang pag gusto mo magpahangin.." sabay pat niya sa ulo ko.. umalis na rin sya..
haay., sakit talaga ng ulo ko.. maya maya lang bumaba na rin ako.. nakita ko silang tatlo nasa terrace..
"Oh Chloe! Kamusta ka na? Ayos na ba pakiramdam mo? tara.. maupo ka" si Mico]
"Ah.. eh.. oo .. ayos na ko.. salamat" sabi ko.. nakakailang naman oh!
Nakaupo ako in between Mico and Ken pero katapat ko tong kumag na to.. May payong na malaki sa gitna namin.. Si Ken, nagbabasa ng magazine, si Dylan nakaharap lang sa laptop niya..
"Nabanggit na ba, Ken, yung tungko sa tugtog natin?" tanong ni Mico kay Ken..
Napaisip tuloy ako.. 'tugtog namin?'
"ah oo nga pala .. Chloe, tutugtog tayo sa isang event kaya i-practice mo na ng mabuti yung mga songs." ani ni Ken
May inabot sya sakin na list of songs..
"T-teka muna.. bakit pati ako kasama? Hindi pa ko sanay sa mga ganito" tanggi ko.. eh hindi naman talaga ko sanay eh.. baka magkalat lang ako dun..
"Kaya nga dapat masanay ka na.. hindi lang ngayon mangyayari to no.. You're a part of the band..kaya dapat lagi ka ng aware .. hehe" nakakalokong sabi ni Ken
"okay lang yan diba, Dylan?" Mico
"Tss! dapat mapractice mo na ng maayos lahat yan.. ayoko ang isang tulad mo ang magkakalat sa banda.. " sambit ni Dylan.. mayabang talaga to! kala mo kung sino tong kumag na to!
"Sige.. mamaya-maya lang magstart na tayong magpractice..Sa saturday na yan gaganapin ha.." -Ken
Tumango na lang ako.. Waaaaaaaaaahhhhhhh!!! Isa na ba to sa mga parusa ko .. T________T
Jusmio!!! Anong gagawin ko?? Di ako sanay sa mga ganito.. Isa lamang ako sa mga taong kumakain ng kwek kwek sa tabi tabi tapos mapapasabak ako sa ganito.. TT_______________TT
BINABASA MO ANG
BOYISH meets the ARROGANT GUY (completed)
RomanceBoyish + Arrogant Guy = toooot.... SYNTAX ERROR??