CHAPTER 3:
Totoo ba ang mga nakikita ko? Ang mongoloid na unggoy, kakanta? May kasama syang dalawang guy for drums and bass.. wow.. sya ang lead vocalist at lead guitarist. Kilala ko ang may hawak ng drums ah.. Aha! Si Mico.. familiar rin yung isang guy.. san ko nga ba sya nakita?? isip! isip! isip!
alam ko na! sya yung parang kabuting sumulpot sa cafeteria nung may eksena kami ni Dylan.. sya yung on bass..
kala ko puro kalokohan at kayabangan lang meron si Dylan.. Meron din palang talent.. isa syang talentado!! hahahaha!
"whoooooohhhhh!!!" sigaw ng mga tao.. nakakabingi ha.. >_____________<
"this song is for you guys!"
*clap*clap*clap*clap*
Nagsimula na syang kumanta. My gaaaddd... Ang ganda ng boses! Swabeng swabe! Sino ba namang di maiinlababo sa kulugong to?? Napakaswerte ng babae na makakatuluyan nito.
teka . teka.
Ano sabi ko?? Swerte? Pwe! niluluwa ko na sinabi ko!
Hanging by a Moment by Lifehouse ang tinutugtog nila. Wow! Ang galing, talaga. Di mo talaga masasabi na may talent tong mga to.
Natapos ang lahat.. May naghatid sakin, papunta kila Dylan. Kasama niya ang mga kabanda niya. Nandito kami sa isang kwarto. Naupo ako sa sofa. Magkakaharap kami.
"How are you beautiful lady? Ang ganda mo pala pag naaayusan." sabi ni Mico.. so ibig sabihin pangit ako pag walang ayos?? iayos mo! baka mabura ka sa earth.. >o<
"tumahimik ka nga! di ko ginusto to!" sabi ko. Napatingin ako kay Dylan, pero iniwas ko rin kasi nakatingin din sya sakin. Kaasar! Bakit ba ko naiilang ngayon?!
"Kaw ba yung nasalubong namin ni Mico sa corridor ng school? Ibang iba pala pag naaayusan ah.." lumapit sya sakin. "I'm Kenneth.. just call me Ken" nilahad niya ang mga palad niya..
"I'm Chloe" nakangiti kong sabi
"ang cute cute mo talaga!" kinurot niya pisngi ko.. masisipa ko to papuntang outer space eh!
parang mabibigat na celebrities ang mga katapat ko ngayon.. ang gugwapo ah!
"oh tama na yan! what's the next plan?" si Mico
"Dylan..ano?" -Ken
"oo nga .. kanina ka pa tahimik dyan! speak up bro!" -Mico
Oo nga.. Kanina pa sya tahimik ng dumating ako. Napaka unpredictable talaga ng taong to..
"Ah alam ko na!" sabi ni Ken ng nakangiti. "Chloe, may talent ka ba?" tanong niya sakin..
"ano na naman bang kalokohan yang naiisip mo?" -Mico
bigla na lang akong sumingit sa usapan nila..
"wala akong talent noh!" tanggi ko.. Pero sa totoo lang .. marunong naman ako kahit papano kumanta.. pero di kagalingan.. mana lang talaga ko sa pinagmanahan ko.. hohoho!
"imposible! tara dito!" hinila ako ni Ken palabas ng room.
"hoy! san mo dadalin si cutie-cute?" sigaw ni Mico
BINABASA MO ANG
BOYISH meets the ARROGANT GUY (completed)
RomansaBoyish + Arrogant Guy = toooot.... SYNTAX ERROR??