Chapter 11.1

6.3K 104 3
                                    

CHAPTER 11:

Nakasakay na kami sa motor niya. Ilang sandali lang nakarating na kami. Nakarating na kami sa memorial. Oo. Diba wala na ang papa niya nung 6 years old pa sya.. Nandito na kami sa puntod ng papa niya. Nilagay niya yung flower. 

"Pa.. Happy Birthday. Nga pala, gusto ko ipakilala sayo yung butihing wife-to-be ko.." ngumiti sya at tumingin sakin "oh.. Kausapin mo naman si Papa." 

kakausapin ko? Ano naman kaya sasabihin ko? Bahala na. 

"Tito, kamusta po? Happy birthday din po. Hayaan niyo aalagaan kong mabuti tong anak niyo. Mabait naman po sya...Pag tulog. Hehe. Joke lang po." ito lang ang nasabi ko. 

"sige pa. Alis na kami. Papakilala ko naman sya kay mama." 

umalis na kami ni Dylan. On the way na kami sa bahay nila.. Kinakabahan ako.. 

"mabait yun si mama.. Wag kang mag alala.." ngumiti na lang ako. 

Nandito na rin kami. Matagal din akong di napunta rito. Unang punta ko dito nung dahil pinakita sakin ni Dylan yung price nung polo. At nakilala ko rin si boy tawa. Sino pa. Si Mico.. Haaay.. 

Naglalakad na kami pataas ng house nila. Malaki talaga.. 

Heto na.. 

"ready ka na ba?" tanong ni Dylan. 

Tumango ako. Hinawakan nya ang kamay ko.. Binuksan niya na ang pinto.. 

"oh. Dear son.. I miss you so much.. Come in. Come in." 

nakaupo ang mama niya while holding a glass of tequilla.. 
Pumasok na kami ni Dylan.. Binigyan nya ko ng upuan.. 

"ma.. She's Chloe. My girlfriend." 
simula ni Dylan. 

"ah.. Nice meeting you Chloe. Just call me Tita Rose.." ngumiti ang mama niya. Nagdaupang palad kami. Mabait naman pala. Muka lang masungit.. 

"ganun din po ako." 

"kumain na ba kayo o magpapakuha pa ko?" tanong ng mama nya. 

"sige po. Wag na po. Busog pa po kame." tanggi ko. Nakakahiya naman.. Kahit na pigil yung gutom ko.. T____T 

"o sige.. Kamusta ang family mo, iha?" 

napatingin ako kay Dylan.. Tumango sya. 

"ah wala na po sila. Matagal na.." 

"oh.Sad to hear that, so pano ka ngayon? Sinong tumutustos sayo?" 

"ma.. Nga pala. May binili kami para sayo kaso naiwan ata sa motor. Teka. Kunin lang namin.." singit ni Dylan. Nahihiya akong sabihin sa mama nya ang lahat.. Lalo na't about sa family background ko. Si Jacob lang ang may alam tungkol dito. Maganda ang timing ni Dylan pero sa pagkakatanda ko, wala kaming binili for his mom. May alam ba sya? 

Papunta kami ngayon sa garahe nila. 

"teka nga Dylan.." bigla ko syang pinahinto sa paglalakad. 

Bumuntong hininga sya.. "oo. Alam ko na ang lahat.. Nakita namin nila Mico sa internet.. Ang lahat ng tungkol sa family mo." 

"a-alam mo na pala. Sige okay lang sakin kahit iwan mo ko. Di naman talaga tayo bag---" 

"wag mong sabihin yan. Ano ka pa o sino ka man, ang mahalaga.. Mahal kita.." lumevel sya sakin at hinalikan ako sa forehead. Niyakap ko sya. 

"thank you.." 

"tara. Balik na tayo kay mama.. Handa ka na diba." tumango ako.. 

Handa na ko. Sana matanggap ako ng pamilya niya.. 

"ma.. Di pala kami nakabili." 

nakaupo na ulit kami.. 

"ganun ba.. Anyway my son. How about Maureen? I heard about your break up. Why? I wanna know the reason, tell me." 

tumingin sakin si Dylan. Sign siguro na kung pwede pag usapan sya. Tumango na lang ako.. 

"its a long story ma. I'll tell the whole story later." 

"a'ight. Back to you iha.. Sino na ngayon tumutustos sayo gayong wala na parents mo." 

huminga ako ng malalim bago sumagot.. 

"I have my aunt in Germany, she was the one who supports my needs before but years had passed biglang nahinto. Don't know why. Buti na lang may isang kaibigan, na handang tumulong.." 

"ah okay. Lets talk later, Chloe.." sabi ng mama niya. Bakit kaya? Ayaw ba sakin ng mama niya? Sabi na nga ba.. *sigh*

"punta muna ko sa washroom.." sabi ng mama nya. 

Nakaalis na ang mama niya. Naiwan kaming dalawa ni Dylan. 

"Dylan, kinakabahan ako. Baka ayaw nya sakin." nakayuko kong sabi. 

"Chloe, hindi yun.. Ang nakakapagtaka nga lang, bakit kelangan niyo pang mag usap in private." sabi nya 


"Chloe, follow me.." nagulat ako. Nandito na pala mama nya. Tumingin ako kay Dylan. Tumango sya.. 

Nandito na kami ngayon ni tita Rose sa terrace.. Ang kaba ko abot hanggang langit.. Wew! 

"Chloe.." simula nya .. "natutuwa akong nakilala mo ang anak ko.." 

"salamat po.." tugon ko 

"alam mo.. Napansin ko.. Mula nung pagpasok nya sa pinto.. Ibang Dylan yung naramdaman ko. Parang ang daming nagbago sa kaniya." 

"nagbago po?" tanong ko 

"oo iha.. Napaka arogante ng batang yan. Matigas ang ulo. Mayabang. Palibhasa laki sa luho. Pero mahal ko yan.. Nag iisang anak ko yan kay Ronaldo, ang papa niya.. Siguro kung buhay ang papa niyan, hindi magiging ganyan yan.. Pero masaya ako.. Sa tingin ko, napagbago mo sya." 

"naku. Ako po? Nagkakamali kayo. Tuwing kasama ko nga yan, napaka arogante pa rin.." 

"no iha.. Malaki ang binago nya. Nung naging sila nung Maureen, I did not feel any of good vibes from her. Hindi ko naman makontra ang anak ko na hiwalayan yun kasi anak ko ang masusunod sa buhay niya.." 

nanatili akong tahimik.. "Chloe, iha.. Wag na wag mong bibitiwan si Dylan. Pabor ako sa relasyon niyo.. Keep it up!" ngumiti sya sakin. 

"maraming salamat po tita. Mahal na mahal ko po ang anak niyo.." 

"pag may kelangan at problema ka Chloe. Just contact me,okay. Lets go back inside.. Baka puntahan pa tayo dito ni Dylan." 


papunta na kami sa loob.. Nandun pa rin si Dylan nakaupo. Ang gaan ng pakiramdam ko.. Masaya. 

"ma.. Alis na kami ha.. Bye." 
"bye tita" 

"ge. Ingat kayo.. Wait.. Malapit na pala ang graduation niyo, ano?" 

napaisip ako. Oo nga. 1 month na lang graduation na. Gaaad! 

"yeah ma. Be there okay.." 

"okay.." 

----- 
nandito na kame sa condo.. Napaisip ako bigla about dun sa graduation.. 

"ano sabi ni mama?" tanong niya habang binubuksan ang t.v. 

"we just talked about..." 

"me.." 

"yeah.." 

"what did you say?" 

"I told her more of the positive stuff about you so no need to worry" 

"aight! That's good!" 

"no.. Its not that good because.." 

"because?" 

"because.." 

"because whaaatt?!!" 

"uh. Nevermind! Nakanang! Dylan! Bakit ba kasi english ka ng english!?" 

"tss.. Hindi ako ang nagsimula." 

o sige. Ako na! Ako na nagsimula! 

Nanunuod na kami habang kumakain ng pop corn. Kala mo nasa movie theatre lang.. He! He! 

"Chloe, I love you." 

"love you too.. Malapit na pala graduation .. Gagraduate ka na. Mahihiwalay ka na sakin." 

"ang puso ko, hindi." 

"malulungkot ako, alam mo ba yun.." 

humarap sya sakin.. 

"lesbie.. Kaya ko maghintay. Tapos pagka graduate mo papakasal agad tayo, promise!" 

"kasal?" 

"oo.. 3 years na lang. Sa 3 years ng paghihintay ko sayo nagpapatakbo na ko ng negosyo nun kaya wala ka ng poproblemahin.. Mag alaga ka na lang ng anak natin.." tapos ngumiti sya ng nakakaloko. 

"adik ka talaga!" binatukan ko nga. 

"biro lang. Sympre. Magiging nurse ka na nun.. At sympre pag nakasal na tayo, gagawa na tayo ng baby. Para buo na pamilya natin." napangiti nalang ako. Tas yumakap kami sa isa't isa.. 

Parang naging awkward yung paligid nung lumabas yung romance part sa pinapanood namin.. Grabe. Ang init ng paligid. Ang init ng nararamdaman ko. Ano ba to? Malakas naman ang aircon.. Grabe. Nagpapawis ako. Tumingin ako kay Dylan, ang dami nya rin pawis.. 

"lesbie! Cr lang ako.. Sandali." tumakbo sya sa cr.. 

Ang init talaga. Pinatay ko na lang yung tv. Horror yung pinapanood namen not knowing na may romance part pala. Tss! =____=+ 

nandito pa rin ako sa dining. Ang tagal mag cr ng lalaking yun! 

Finally,lumabas na rin. 

"ang tagal mo ha! I turned it off na lang kasi tinatamad na ko manood." hindi sa tinatamad, nakakailang kasi.. 

DYLAN's POV: 

shit! Ano to! Ang init.. Bakit ganito. Horror to ah. Bakit my part ng romance. Damn! 

"lesbie! Cr lang ako. Sandali!" tumakbo ako sa CR. Naghilamos ako. Ang init ng pakiramdam ko! Shit! Damn it! 

Ilang sandali lang nakalabas na rin ako. 

"ang tagal mo ha! I turned it off na lang kasi tinatamad na ko manood" sabi nya 

"tss!" kung alam niyo lang ang sakit ng puson naming mga lalaki pag pinipigil namin yun.. Kaya kelangan namin mag.. Uh.. Basta! 

"oh.. Tahimik ka na.. Matulog na kaya tayo.." sabi nya 

"okay.." ano ba to.. Lesson.. Di na ko mamimili ng mga horror cd's.. Tss! -_____-+ 

-----

BOYISH meets the ARROGANT GUY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon