CHAPTER 21:
days passed..
Patuloy akong nangungulila sa pagmamahal ni Dylan.. Patuloy akong umaasa na sya mismo ang babalik sakin.. Nasaan ka na Dylan?
Ang sakit-sakit ng mga nangyayari.. Tama atang bumitiw na ko.
Nakaupo ako rito sa kama.. Mag isa. Wala na kong tawag pang natanggap mula sa kaniya nung huling tawag ko.
Masakit! Mahirap!
=doorbell=
hindi ko inintindi nung una kung sino man yun.. Pero may nag door bell ulit.. Pinuntahan ko na kung sino..
"hi Chloe.." si Terrence pala..
"come in" sabi ko
pinaupo ko sya sa sofa..
"di na ko magpapaliguy ligoy pa Chloe.." simula nya ..
"bakit? Ano yun?" tanong ko
"Kenneth told me everything.. Sabihin ko na raw sayo.."
bigla akong kinabahan.. Nang marinig ko ang pangalan ni Ken. Wala ng ibang papatukuyan to kundi kay Dylan.
"what is it? Tell me!" di ko na napigilan pa ang sarili ko
"the day after tomorrow..." tapos bumuntong hininga sya "kasal na nila.."
nanigas ako. Nagulat.. Di ko alam ang gagawin ko. Luha na ayaw papigil ay tuluyan ng pumatak..
Bigla kong naramdaman ang yakap sakin ni Terrence...
"Chloe.. Di pa huli ang lahat.." sabi nya
pero di ako makapagsalita.. Di ko alam ang sasabihin ko..
"pupuntahan natin sila sa mismong araw ng kasal---" pinutol ko na agad ang sinabi nya
bigla akong kumalas sa pagkakayakap.. "tapos ano? Pipigilan natin? Terrence, magmumukha lang akong tanga dun!"
"hindi Chloe. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo.." sabi nya
"alam mo ba, ngayon pa nga lang masakit na sakin ang lahat what more pa ang makita ang lalaking mahal ko na ikakasal sa iba?!!" umiyak na talaga ako
"wag kang mag isip ng ganyan.. Maraming sumusuporta sayo.." tapos ngumiti sya at umalis na
naiwan na naman akong mag isa.. Kakayanin ko ba?
------
KINABUKASAN:
Dito na ko sa room.. Tila wala na kong maintindihan sa mga tinuturo ng prof ko hanggang sa matapos..
"CHLOE.." napatingin ako sa nagsalita..
Si Jacob pala.. Nginitian ko lang..
"tara.." hinawakan nya ang kamay ko at dinala nya ko sa garden ng school at umupo sa swing.
"bakit mo 'ko dinala rito?" tanong ko sa mahinang boses. Wala talaga kong gana..
"wala lang.. Gusto lang kita makasama. Masama na ba yun?" tanong nya at biglang tumingin sakin
"hindi ah.." tapos napangiti ako ng tipid
"ayun oh! Ngumiti na rin! Chloe.. Alam ko masakit ang mga nangyayari sayo. Pero sana wag mo naman pabayaan yang sarili mo..." sabi nya.
"Jacob. Sobrang sakit. Sobra.." sabi ko
"ako rin naman nasasaktan sa mga nangyayari pero dumodoble ang sakit pag nakikita kitang ganyan" sabi nya
"Ikakasal na sila.." nakayuko kong sabi
"oo. Alam ko na rin.." sabi nya
"anong gagawin mo ngayon?" tanong ko
"sasamahan ka.." tapos ngumiti sya .. "sasamahan kang pigilin ang kasal"
"s-sasama ka?" bigla akong napatayo
"oo.. Alam kong yun din ang gustong mangyari nina Dylan at Bhadz.."
parang may umusbong na pag asa sa puso ko. Pag asang muling magigising galing sa matagal na pagkakatulog..Maya-maya lang hinatid na ko ni Jacob sa condo.. Nagpaalam na sa isa't isa..
Handa na ba talaga ko para sa mangyayari bukas?? Paanong handa ang gagawin ko sa sarili ko?
Nahiga ako sa kama.. Pumikit ako pero patuloy na naglalaro ang utak ko.. Hindi ako makatulog.. Paano na..
Bumangon ako.. Di talaga ako makatulog.. Nagtimpla na lang ako ng gatas at nagpunta sa sala para manuod ..
Saktong sakto pagbukas ko ng t.v..
Kasalang Dylan at Bhadz ang ibabalita. Napangiti ako ng may lungkot. Mayaman nga pala sila.. Parehong sikat at nasa high class ang pamilya. Imposibleng hindi mabalita..
Nagpatugtog na lang ako habang nilalasap ang magagandang ala-ala namin ni Dylan..
Nang dahil sa mamahalin Polo .. Dun nagsimula maging komplikado ang buhay ko. Isang arogante na di mo akalaing mahuhulog sa isang tulad kong pobre.
Kakaiba talaga ang bestfriend ko na si destiny. Napakahilig maglaro..
Officially Missing You ---- PLAYING
pumunta ako sa bintana.. Umuulan pala.. Ayos ah.. Nakikisama rin si kaibigang weather..
Konti na lang.. Sana magwork ang lahat.. Nagpunta na ulit ako sa higaan ko.
------
3:25 AM
nandito na kami sa Airport.. Kasama ko sina Gemma, Terrence at Jacob..
"Jacob kinakabahan ako.." imbis na sumagot sya.. Hinawakan nya lang ang kamay ko..
Nakasakay na kami.. Naghihintay ng oras.. Halong kaba, takot at pagkalumbay ang nararamdaman ko..
Mabilis ang byahe.. Nakarating na agad kami.. Nagmadali kami papunta sa simbahan..
"guys nagtext si Mico. Bilisan daw natin.." sabi ni Gemma..
Halos paliparin ni Jacob ang sasakyan.. Ngunit ako.. Patuloy pa rin kinakabahan. Kelangan ko gawin to..
Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang simbahan .. Heto na..
Lumabas na kami..
"Chloe.. Go.." si Terrence
-----
nanginginig ang mga tuhod kong humakbang palapit ng palapit sa simbahan.. Hindi pa man ako nakakapasok, tumulo na ang mga luha ko..
Patuloy ang paghakbang ng aking mga paa.. At patuloy na pagpatak ng luha.. Naglalakad na ko papunta sa Altar.
Halos lahat sila nakatingin sakin.. Nakita ko..
Nakita ko ang pagtingin sakin ni Dylan..
Nang makarating na ko sa tapat nya.. Hinawakan nya ang kamay ko..
Ngumiti sya sakin at bumulong..
"i love you so much.."
patuloy ang pagpatak ng luha ko sa sobrang saya.. Di ko inaasahan talaga to..
natapos ang kasal namin.. Diretso sa lugar ng reception..
"Congrats Chloe!" bati ni Bhadz sakin..
"thanks. Oh asan si Jacob?" tanong ko
"pinapasyal pasyal lang si Deejay.." oo nga pala.. Kinasal na rin kamakailan lang si Bhadz at Jacob.. May anak na rin sila..
"ai ganun ba.. Sige sige.. Puntahan ko lang yung iba. Salamat ulit, Bez!" sabi ko
ngumiti sya..
Papunta naman ako ngayon kina Mico at Ken. Kasama sina Gemma at Terrence. Kasal na rin pala si Mico at Gemma. Preggy nga sya ngayon eh. Pero si Ken at Terrence nagbabalak pa lang ikasal.
"kamusta naman ang bagong kasal? Congrats sweetie!" si Gemma
"eto masaya.. Salamat.. Laki agad ng tummy ah." sagot ko
"oo nga eh. Kukunin kitang ninang ah.."
"sure!" nakangiti kong sabi
"Congrats!" sina Ken at Terrence
"salamat.. Kayo? Kelan nyo balak ha?" tanong ko
"malapit na rin. Diba honey?" sagot ni Ken.
"haha! Sige kayo na sweet!"
umalis na ko .. Hinahanap ko ngayon si Dylan..
T-teka.. Gusto nyo bang malaman ang nangyari non? Hahaha.. Napigilan ko nga yung kasal. Mala pelikula nga yung scene na yun eh pero tagumpay... Yung step father ni Dylan? Ayun, nakulong na sya.. Sad to say.. Madami kasing nautangan.. Magkasundo kami ni mama nya.. Basta.. Napakabilis ng mga pangyayari. Nakatapos na ko ng Nursing.. Licensed na! Whew.. Haaay. Napakasaya talaga..
"love .. Nangingiti ka mag isa dyan?" nagulat ako ng biglang lumitaw si Dylan sa harap ko
"che! Hinahanap kaya kita.."
"hinahanap daw? Pero ngumingiti mag isa.. Hahaha!"
"adik ka talaga!" sabi ko
"kaw kaya ang adik.. Ngumingiti mag isa. Hahah."
"makatawa ka wagas ah!"
"oh.. oh.Anu yan?!" si mama pala.. Mama ni Dylan.. Sympre mama ko na rin.
"adik kasi tong anak nyo, ma" sabi ko
"adik sa kaniya" sabay turo sakin ng lokong to
"aysus! Sweet naman! Sige kayo na!" aba. Gumaganun si mama. Haha. "oy kayong dalawa.. Gusto ko gumawa agad kayong apo ko ah. Hmm."
"ma, naman!" sabi ko
"sure ma! Huhulma kami ni Chloe ng maganda at gwapong apo.." siniko ko nga. Adik talaga to! "aw.."
"hahaha.. Kayo talaga! Sige na.. Dun na ko sa mga kumare ko.."
"baliw ko talaga!" sabay kurot ko sa kanya
"baliw na baliw sayo!"
natapos ang lahat.. Nandito na kami ngayon ni Dylan sa hotel.. Sa hotel na pinagdalhan nya sakin dati.. Naalala nyo pa yun? Yung kumanta pa nga sya. Sa kanila kasi tong hotel nato.
"love, paabot nga ng towel ko!" sigaw ko.. Naglilinis na kasi ako.. Nakalimutan ko rin dalin yung towel ko. Psh!
"oh.." abot nya sakin.. Binuksan ko ng konti yung pinto ng banyo para makuha yung towel..
Maya-maya lang tapos na rin ako.. Nakapaglinis na rin sya..
Nakahiga na.. Natulog na pala. Dami din sigurong pagod nito..
Nagpunta na rin ako sa kama, at nahiga..
Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap ng mahigpit. Aba. Gising pa pala..
"akala ko tulog ka na.." sabi ko
tapos ngumiti sya ng may pagkapilyo..
"lets make a baby.." bulong nya
0__________0
hala..Kinabahan ako.. Anong gagawin ko? Sabi nila masakit daw yun? Aaaarrrgggghh!!
"s-seryoso ka?" napalunok pa ko pagkasabi ko nun
"yes dear" nakita ko ang sincerity sa mata nya
nagkatitigan kami.. Hanggang sa binigay namin sa isa't isa ang tamis ng halik.. Binigay namin sa bawat isa ang buong sarili namin..
Heto na siguro ang masasabi ko na spark ng true love..
Ang Pag-ibig.. Masaya. Malungkot. Masaya. Papaiyakin ka ng maraming beses. Masaya. Ipaglaban mo. Tapos Masaya.
Yan ang Pag ibig ko.. At sa kwento ng Pag-ibig ko. Hindi rito nagtatapos ang lahat.. Baka malay nyo.. Magkwento rin ng buhay pag ibig ang mga anak o magiging apo namin. Hehe!
"I love you so much Chloe dela Vega" bulong ni Dylan matapos ang dinulot na saya ng pag ibig namin
"mahal na mahal din kita.. Asawa ko.." ngumiti ako sa kanya..
==THE END==------
Author's Note:
unang una po sa lahat maraming maraming salamat po sa mga sumubaybay ng Boyish Meets the Arrogant Guy.. Maraming maraming salamat din po sa mga walang sawang pag suporta...
Pasensya na kasi eto lang ang nakaya ng aking imahinasyon.. ito lang ang inarok ng utak ko... Hehehe!
sana'y nagustuhan niyo po ang story na to.. thank you po sa lahat..
Boyish Meets The Arrogant Guy. Copyright (c) 2012 by Cassie Pheia. All rights reserved.
BINABASA MO ANG
BOYISH meets the ARROGANT GUY (completed)
Roman d'amourBoyish + Arrogant Guy = toooot.... SYNTAX ERROR??