Chapter 9.2

6.9K 131 4
                                    

----- 

SCHOOL.. 

KEN's POV: 

kapagod oh. Wala man lang makitang chiks! -_____-+ nasan ba yang Micong yan.. Maglibot-libot muna nga ko. =sigh= 

napadaan ako sa room nila Maureen. Magtutuloy-tuloy na sana ako ng lakad ng bigla kong marinig yung pangalan ni Chloe.. 

"poor Chloe! Hahaha! You know what, pumayag talaga syang maging akin na si Dylan.Hahaha!" sabi ni Maureen. Di ko maintindihan. Akala ko ba may sakit to. Kausap niya yung mga kaibigan niya. 

"so pano yan Mau, sayo na ulet si Dylan?" tanong nung isang babae 

"ou naman Lyka. Haha.. May pa iyak iyak factor pa ko nun nung kinausap ko sya. Tapos di alam ng lahat na isang kalokohan lang ang pagsasakit sakitan ko. Hahaha!" 

ano?! Lumakad ako pabalik sa room ko.. Ngayong alam ko na na set up lang ni Mau ang lahat, kelangan gumawa ako ng paraan.. Pero pano? 

Isip. Isip. Isip. 

Salbahe talaga yang Mau na yan.. 

"oi pre!" 

"ay! Bayabas!" 

"siraulo ka Mico. Ginulat mo ko!" gulat ko na lang.. Sus! 

"ba't ba kasi nakatulala ka dyan?" tanong niya 

"pre.. May nalaman ako. Kelangan kong tulong mo." pano ko ba sasabihin sa kaniya.. Anak ng tipaklong naman oh! 

"ano yun? Chiks na naman! Madami ako niyan." 

"tae! Di iyon.. Tungkol kay Maureen." 

"kay Mau? Anu naman yun? Siguro yung one month na lang ibubuhay niya rito. Eh alam na natin yan ah." 

"di pre.." 

kinuwento ko ang BUOD! Oo! Ang SUMMARY! 

"ano?!! Eh anak naman pala ng galunggong yang babaeng yan. Pinoprotektahan nga nating maigi si Chloe, tapos sasaktan lang ng asuhos na yan!" biglang tumayo si Mico na tipong susugurin si Mau. 

"chill dude! Adik ka pre! Babae pa rin yan. Gumawa tayo ng way na hindi sya masasaktan physically. Yung tipong babawiin lang natin si Dylan para kay Chloe." sabi ko 

"eh pano?" 

"kaya nga sinabi ko sayo, baka sakaling matulungan mo ko. Magaling ka naman sa mga ganito eh." 

"uhmm.." sabay himas nya sa baba niya. Kala mu naman napakahenyo. "alam ko na Ken.." 

"ano??" 

***** 

CHLOE's POV: 

"dre.. Nagugutom na ko." bulong ko sa kaniya. Kasi nandito kami sa loob ng room. Nagtuturo pa si prof eh. 

"malapit na matapos to, konting tiis na lang dre." 

=krrroook.. krrroook= 

nakita ko nagpipigil ng tawa si Jacob. Sigurado ako narinig nya yung naghuhumiyaw kong tyan. T_______T 

kinurot ko nga.. 

"aw!" medyo napalakas ang sabi ni Dylan 

"ehem. May sarili ba tayong discussion dyan, Ms. Flores?" tanong ng terror kong prof. 

"none sir. Sorry." nagugutom na nga ko. Napagalitan pa. Malaas! T____T 

tumahimik na lang ako. Hinintay ko na lang yung labasan. 

At last!! Tapos na rin. 

"dre tara na.. Gutom na ko. Alam mu yan." ToT 

"opo eto na.." 

naglalakad na kami sa hallway.. Nga pala, alam na rin ng lahat na wala na kami ni Dylan kahit na lingid sa kaalaman nila na hindi naman talaga naging kami.. Isang malaking pagkukunwari. Isang malaking pagpapanggap. At.. Isang. Malaking. PALABAS! 

Natatandaan niyo pa ba yung mga conyo girls, na biglang nanghatak sakin kasi may nagpost ng picture namin ni Jacob sa bulletin? Ewan ko ba. Bigla silang nalungkot.. Di ko naman masabing OA, kasi nagsi iyak pa. Di ko alam kung matutuwa ako o mababaduyan.. Namimiss ko tuloy si Dylan.. 

"iniisip mo na naman sya? Di ka ba masaya na kasama ako?" huminto yung lumilipad kong isip ng tanungin yun ni Jacob. 

"masaya ako dre.. Tara na gutom na talaga ko." 

nandito na kami sa cafeteria.. Kaen lang ng kaen. Gutom eh.. 

Matapos namen kumaen.. Nagpahinga kami sa ilalim ng malaking puno.. Mahangin dito.. Masarap ang feeling.. Nakaupo kaming dalawa. Nakahilig ang ulo ko sa balikat nya. Sanay na kami ng ganito. 

"Chloe.." 

"uhm?" 

"may sasabihin ako sayo." 

"ano yun?" 

"mahal ko na talaga sya.." 

"sino? Yung sinasabi mo sakin? Eh di.. As soon as possible, ipagtapat mo na sa kaniya kesa naman maunahan ka pa ng iba." 

"papayag kaya sya?" 

"uhmm. Di natin alam. Ang tao iba-iba ng taste yan." 

"di naman panlasa o paningin ang ginagamit sa pagmamahal eh. Puso dre." sabi niya. 

Tumatak sakin yun ah.. Tama sya.. 

"tama ka dre.. Tara na.. Uwi na tayo." 

tumayo na sya .. Nilahad nya yung palad niya, sign na alalayan niya ko sa pagtayo. Mabait si Jacob. Wala akong masabi sa taong to. Kinakaya niya ang ugali ko na kahit minsan moody ako. 

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Iba ang nararamdaman ko. Para kong nailang. Di ko alam.. Tahimik lang kaming naglalakad ng.. 

"Lesbie!!" kilala ko yun.. Walang ibang tumatawag sakin ng ganiyan, kundi sya lang. Feeling ko nagliwanag ang mundo ko. Napalingon kami ni Jacob. Lumapit samin si Dylan. 

"hiramin ko muna tong tomboy na to Jacob." 

tumango lang si Jacob at lumakad na palayo samin. Masaya ako na malungkot. Ewan. 

Hinawakan ni Dylan ang kamay ko,at bigla akong hinatak. 

"aano ba tayo? Baka makita tayo ni Maureen at magalit sakin yun." sabi ko 

"basta.." 

sumakay kami sa kotse niya. 

"hui Dylan." 

wala pa rin syang imik. Pero masaya ako.. Masaya ako kasi nakasama ko na naman sya. 

Bumaba kami dito sa Mall.. Hawak-hawak niya lang ang kamay ko. Binubunggo niya ang mga taong nakakasalubong niya, ako na mismo nagsosorry.. Nagtataka ako kasi yung way namin ay papuntang Supermarket. Aano kami dito? 

"hoy! Lesbie!" 

"ano naman ba?! Di ko nga alam kung bakit mo ko hinatak papunta dito eh!" kainis tong unggoy na to! 

Bigla syang nagkamot ng ulo.. 

"ano? Ah.. Ano kasi.. Gusto ko turuan mo ko magluto ng sopas.." 

0_______0?? 

Yun lang pala? Tapos kung hatakin nya ko kala mo may pupuntahang importante? Nakanang pusa! 

"arrrggh! Adik ka talaga! Tara na nga!" 

namimili na kami ngayon ng mga ingredients.. Lagay lang sya ng lagay. Pinagluto ko na pala sya dati ng sopas, mukang nagustuhan ng panget na to ah. 

Matapos naming bumili.. Dumiretso na kami sa condo niya.. 

Tinuruan ko sya kung papano lutuin. Hanggang sa matapos. 

Magkasabay na kaming kumakain ngayon.. Namiss ko to ah. Parang ang tagal ko syang di nakasama. 

"Dylan.. Bakit di si Maureen ang sinama mo?" 

"bakit ba Maureen ka ng Maureen? Wala naman kami nun eh." patuloy pa rin sya sa pagkain. 

"kasi isang palabas lang ang ginawa ni Maureen." nagulat ako kasi biglang lumabas sina Mico at Ken.. Teka? Palabas? It means, wala syang sakit? Anoooo!!? 

"pakain nga kami. Tikman ko luto mo chloe." -Mico 

"ano? Palabas lang ang lahat?" 

"oo.. Mamaya na mag usap tungkol dyan, nagugutom na kami ni Mico" -Ken 

natahimik ako bigla. Di ko alam matutuwa ako o ano.. 

"ang sarap ng luto mo ah Chloe!" sabi ni Ken 

"tss!"- Dylan 

"haha. Di ako nagluto nyan, si Dylan." 

"kaya pala ang alat. Haha!" sabi ni Mico. Loko talaga to. 

"wanna die?" -Dylan 

"joke lang. Sarap nga eh. Hahaha!" 

"malaki na pag asa mo nyan, Dylan.." sabat ni Ken 

pag asa? San? 

"pagkatapos niyo kumain, umalis na kayo rito ah.." 

"bakit naman Dylan?" 

"1...2..."- Dylan 

"eto na nga eh. See yah, cutie Chloe! Mwah!" Mico 

"bye Chloe! Goodluck!" Ken 

pinagsasabi ng mga to.. Nakaalis na rin sila. 

"alis na rin ako." sabi ko 

"no." 

"bakit na naman ba?" 

hinatak nya ko.. Papunta sa kwarto niya.. Pagbukas nya ng pinto. 

0________0 WOW!! 

Ang ganda! Dinaig ang resto. 

"para san to Dylan?" 

maganda sya. May mga petals sa sahig. Parang candle lit dinner. 

Hinatak nya ang upuan. 

"maupo ka Lesbie." lintsak na to! Lesbie pa nga. 
Naupo na rin sya. Magkatapat kami ngayon.. 

"D-dylan.." 

nagkatitigan kami ng matagal.. May bigla syang dinukot sa bulsa niya. Maliit na box. Saka niya inopen.. 

"Chloe.. Can you be my.. girlfriend?" 

---- 

BOYISH meets the ARROGANT GUY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon