Hanayo's POV
Nasa unahan silang tatlo habang nakasunod lang ako sa kanila
"Madadaanan pala natin yung soccer field bago makarating sa club room nila ate" si Iori
"Talaga?! Waaahhh! Baka makita ko si kuya Bobby maglaro! Yey!" si Kesha habang kinikilig
"Hoy Kesha, crush mo na rin si kuya Bobby?" tanong ni Iori
"Hahahahahha! Humahanga lang ako sa kanya" masayang sagot ni Kesha
"Psh! Wala namang nakakahanga sa asungot na yon ah!" komento ni Maki
BOGSSSHHHH!!!!
"ARAY!!! PUTIK!!" biglang usal ko na nakaupo dahil natumba ako sa lakas ng pagkakatama ng bola sa ulo ko
"Hala! Ate! Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong ni Maki
Nahilo ako ng kunti don ah! Buset! Sino ba kasi yung sumipa ng bola na yun at bakit sa ulo ko pa tumama!
"Hala Bobby bakit ba sinipa mo yung bola papunta dun? Alam mo naman daraanan yun ng mga estudyante." sabi nung lalake
"Sorry miss." sabi nung isa pang lalake na akmang lalapit sana sa amin
"Wag kang lumapit." maangas na sabi ko
medyo nilakasan ko yung boses ko kasi ilang hakbang rin layo nila sa amin
tinititigan ko ang mukha ng asungot na yun na nagpatama ng bola sakin
'Ang kapal rin ng mukha mong bangasan tong mukha ko eh noh! Sinusubokan mo pala ako ha!'
"Isang tanong isang sagot." maangas na sabi ko na tumayo at tinapakan yung bola gamit ang kanang paa ko
"Sinadya mo ba yun o hindi?" malumanay na tanong ko
"Ha! Umaasta ka pa rin na parang ang cool mo! Talagang nakakabuset!" sabi niya
"Oo sinadya ko yun! Dahil naiinis ako sa pagmumukha mo! Bago ka kasing umasta na parang kung sino kilalanin mo muna yung binabangga mo! Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina sa canteen! Pwes! Hin....
BOGSSHHHH!!!!
"ARAY!!!! PAKSHET!!!" sabi niya habang nakahawak pa sa mukha niya na natamaan ng bola
"Grabe ang bilis non ah. Ang lakas niya palang sumipa tapos talagang asintado pa. Talagang natamaan niya yung target niya" namamanghang komento nung isang kasama nila sa field
"HAHAHAHAHHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHHA!" nakakalokang tawa yan ni Maki
|-.-|
"Pasalamat ka asungot ka dahil alam kong hindi gaanong nilakasan ni ate yung sipa niya. Sakto lang.... na mapatumba ka. HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAH!" sabi ni Maki na tumawa pa
"Buset!" sigaw niya
"Bobby okay ka lang ba?" tanong nung kasama niya na aalalayan sana siya
"Wag kayong lumapit!" sigaw niya
"Hoy! Bakit mo ginawa yun ha!!!" galit na sigaw niya
"Ang daldal mo kasi. Sabi ko lang naman isang tanong isang sagot. Oo o Hindi lang ang sagot dun. Pinatahimik ko lang yang bunganga mo." malumanay na sabi
"Hahahahhahahahhahahhahahaha!" tawa na naman ni Maki
"Ge alis na kami" dagdag ko na nag-umpisa na ring maglakad

BINABASA MO ANG
Fated To Meet You
Teen FictionShe lost someone. She got hurt. She changed. She transferred to another school to forget the painful past. But she met two unexpected men that made her life more complicated. Two men that are connected to her past.