[Flashback]
"Umi! Grabe excited na talaga akong makita siya. Yiiieeee!!!!" masayang-masayang sabi ni Omi
Nagmamaneho ako ngayon habang nasa tabi ko naman yung bestfriend ko na si Kaori Nozomi Noval na excited na excited ng makita ulit yung crush niya
"Gusto ko na ring makita yang palaging kinukwento mo Omi." nakangiting sagot ko
Hindi ko pa nakikita ang crush ni Omi. Sa ibang school daw kasi siya nag-aaral. Actually hindi niya rin alam kung anong pangalan ng crush niya. Nakilala niya yun kasi isang beses daw habang naglalakad siyang mag-isa may humablot daw ng bag niya pero may lalaking hinabol yung snatcher at pinagsusuntok at pinagsisipa ito kaya isinauli nito ang bag ni Omi at kumaripas ng takbo dahil takot na takot ito sa lalakeng nagligtas kay Omi. Hindi siya nakapagpakilala dahil nagmamadali raw yung lalake pero nalaman niya ang school nito dahil sa suot na uniporme ng lalake. Simula noon paulit-ulit niya ng kinukwento sakin kung gaano raw ka astig nung lalake at crush na raw niya yun. Nung malaman niyang may event na magaganap sa school ng crush nya at open gate so pwede ang mga outsiders. Pinilit niya talaga ako na samahan siyang pumunta dun sa school ng crush niya dahil nagbabakasakali siyang makikita niya ito ulit.
"Excited na talaga akooooo!!!! Grabe!!!" napakalawak na ngiting sabi ni Omi
Ngayon ko palang syang nakitang ganyan ka excited dahil sa isang lalake. Na curious tuloy ako sa lalakeng yun
"Umi, bakit parang kakaiba ang takbo ng kotseng yun?" kabado niyang tanong
"Napansin mo rin pala? Nagtataka nga rin ako" naisagot ko nalang
Yung kotseng makakasalubong namin pero malayo-layo pa naman siya parang kakaiba ang pagtakbo nito. Pa ekis ekis kasi ito at parang ang bilis ng pagtakbo
"Umi, kinakabahan ako" kabado talagang sabi niya na kumapit pa sa kaliwang balikat ko
Papalapit na ng papalapit yung kotse at pa ekis ekis pa rin ito
'Ano ba kasing problema ng kotseng yan!'
Nasa kabilang side na sya ng kalsada kaya nakahinga ako ng maluwag
pero
bigla na naman itong lumipat sa side namin kaya
"Umiiiii!!!!" sigaw ni Omi
Bigla kong niliko ang kotse para maiwasan namin ang pagkakabangga sa isang kotse
pero nawalan ako ng kontrol dahil sa sobrang bilis
"Umiii!!!!"
BOGGGGSSSSHHHHHH!!!!
[end of flashback]
"Yun ang huling beses na narinig ko ang boses ni Kaori Nozomi Noval" umiiyak na sabi ko
"A-ate" gumagaralgal na rin ang boses na sabi ni Maki
[Flashback]
Bakit parang ang sakit ng ulo ko
|>.<|
Pati na rin ng katawan ko
'Tsss!'
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa mga paningin ko ang puting kisami
'Nasaan ako?'
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto
'Nasa ospital ako'

BINABASA MO ANG
Fated To Meet You
Fiksi RemajaShe lost someone. She got hurt. She changed. She transferred to another school to forget the painful past. But she met two unexpected men that made her life more complicated. Two men that are connected to her past.