CHAPTER TWO

26 2 0
                                    

Hanayo's POV

Nagsimula na ang klase at ang boringgggg! Nakakaantok yung mga subjects ngayong umaga. Nakikinig lang ako at nagsusulat. Hindi nalang rin ako lumabas pagka break kasi nakakatamad. Umidlip nalang ako hanggang sa magsimula na naman ang klase at lunch break na

Ringggggggg!!!! Ringgggggg!!!!

Nagsimula ng lumabas isa-isa yung mga kaklase ko

Brrzzzkkkkkk!! Brrzzzkkkk!! (vibrate yan ng phone ko)

Sino ba kasi tong tumatawag? distorbo!

Si Maki lang pala

"Oh?" sagot ko

"Anong oh?! Hoy pumunta ka na dito sa canteen dahil nagugutom na ako! Ang kupad kumilos! Psh!" sigaw ni Maki sa kabilang linya

"Tsss! Oo na! Ge bye!" sagot ko at mabilis na binaba ang telepono

Agad naman akong pumunta sa canteen at hinanap kung nasaan si Maki

"Ate! Dito!" sigaw ng pamilyar na boses

Si Maki na kumakaway-kaway para makita ko. Nakaupo na siya sa isang table at may kasama siyang dalawang babae. Agad akong lumapit sa kanila at naupo

"Oh ate ko pala, Hanayo Umi." pagpapakilala niya sa mga kasama niya

"Hello po, Iori Gonzales po" nakangiting pagpapakilala nung maikling buhok na kaibigan ni maki

"Hmmm" tinangoan ko lang siya at ngumiti

"Ako naman po si Kesha Reyes" nakangiti ring sabi nung isa naman

Nginitian ko lang rin siya

"Psh! wag ka ngang ganyan ate! baka mapanis yang laway mo!" inis na sabi ni Maki

"Sige na umorder na kayo don. Ako muna magbabantay dito tapos ako na naman mag oorder pagkatapos niyo." sabi ko

"Okay!" masayang sagot niya

agad rin naman silang bumalik at ako na naman ang tumayo para pumila at mag order

Anak ng! may dalawang sumingit sa pila! Hindi ba sila marunong magbasa ha! Ang laking nakapaskil dyan sa harapan ng counter na 'PUMILA NG MAAYOS!'

Tsss! Ang ayaw na ayaw ko pa naman ay maghintay ng matagal! Tapos sisingit pa sila! Pakneneng!

|-.-|

"Woi, wag kayong sumingit. Punta kayo don sa likod at pumila ng maayos." malumanay na sabi ko

"Ano?! Kami ba kinakausap mo?! Hoy wag mo kaming utosan!" sigaw nung isang matangkad sa kanila

"May mga mata naman siguro kayo para mabasa nyo yang nakalagay sa harapan na 'PUMILA NG MAAYOS!'" walang ganang sagot ko

"Sorry miss" sabi nung isang kasama niyang mas maliit sa kanya

"Sabi ko kasi sayong pumila tayo ng maayos. Ang kulit mo kasi." bulong nung nagsorry dun sa matangkad

"Eh sa nagugutom na ako eh!" sigaw nung matangkad sa kasama niya

"Teka nga!" inis na sabi nung matangkad at nilingon ako

"Ang tapang mo naman ah para umasta ng ganyan! Kilala mo ba ako ha!" maangas na sabi niya

"Hindi ako interesado. Sige na umalis na kayo dyan." Walang interes na sagot ko

"Anak ng!!! Ang tapang mo rin eh noh! Eh yang pagmumukha mo bago sa paningin ko kaya sigurado akong transferee ka! Kaya siguro ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan dahil hindi mo ko kilala. Sigurado ako kapag kilala mo na ako luluhod ka sa harapan ko at hihingi ka ng tawad hahahahaha!" mayabang na sabi niya

Fated To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon