Taichi's POV
"Narinig niyo ba ang tsismis?" si Nicole
"Ano naman?" si Lyka
"Binangasan daw nung bago nating kaklase ang mukha ni Bobby. Pinatamaan niya ito ng bola" si Nicole
"Talaga ginawa nya yun?! Grabe talaga yung babaeng yun! Una si Taichi ngayon si Bobby naman. Ang kapal talaga ng mukha niya!" si Eunice
"Sinabi mo pa! Nakakainis pa yung mukha niya. Yun bang parang walang pakialam lang? Tch! Walang kwenta nakakabuset!" si Sheil
'Hayst! Ang ingay ng mga babaeng to! Hindi ako makapag-basa ng maayos dahil ang lakas ng mga boses kung mag tsismisan!'
Pfftt! Yung babaeng yun? kinalaban niya si Bobby?
Hindi na ako magugulat kasi mukha naman siyang takaw gulo!
Nabubuset rin ako sa kanya! Ang lakas ng loob niyang sabihing manahimik ako dahil nakakadagdag lang ako ng air pollution?!
WTF?! Baka nga mas mabaho pa ang hininga niya sakin eh! Ang kapal!
"Oy nandito na pala ang queens of trouble!" maarteng sabi ni Nicole
'queens?!'
"Ano ka ba queen lang yun dahil isa lang siya!" si Lyka
"H-ha? Ah basta pareho lang yun! takaw gulo siya!" si Nicole
Tsss! Yung reaksyon niya hindi man lang nagbago! Walang kwenta talaga!
Pero teka bakit parang wala naman ata siya sa sariling naglalakad papunta dito. Parang ang layo ng paningin niya.
Natauhan na ata siya at tumingin sa katabing upoan ko
Biglang nagsalubong ang kilay niya dahil nandoon yung bag ko
'Maghanap ka nalang kasi ng ibang upoan!'
Pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa ko
"Woi, kunin mo na yang bag mo. Uupo na ako" malumanay na sabi niya
"Maghanap ka nalang ng ibang mauupoan" sagot ko na hindi pa rin nakatingin sa kanya
"Wala ako sa mood para makipagtalo sayo kaya kunin mo na yan dahil nangangalay na ako" malumanay pa ring sabi niya
Tsss! Ang hangin talaga ng isang to! Kung umasta parang cool na cool siya! Pffft! Nakasabit yung bag niya sa kaliwang balikat niya.
'Mukha siyang tomboy!'
"Humanap ka nalang kasi ng ibang mauupoan!!" matigas na sabi ko
"Eh ba't pa ako maghahanap eh bakante naman to. Tao naman kasi ang pinapaupo diyan, hindi bag!" maangas na sagot niya
"May utak ka naman siguro para maintindihan mo ang sinasabi ko. Ano bang mahirap intindihin dun na tao ang pinapaupo hindi bag. Napagkamalang first section eh ang hina naman umintindi" nakangiwing sabi niya
'Anak ng!'
"Hoy! Ano yang pinagsasabi mo ha! Naiintindihan ko yan noh! Pero hindi ka pwedeng umupo dyan!!" inis na talagang sabi ko
"Bakit ba ha? Siguro upoan to ng ex mo noh kaya ayaw mong may umupong iba? Tsss! Kalokohan!" nakangiwing sabi niya
"Eh kung ganon nga....wala akong pakialam. Kung ex mo ang nakaupo dito noon...ang importante wala ng nakaupo dito ngayon!" nakangiwing dagdag niya
"Wag mo kong idamay kung hindi ka pa nakakamove on. Tsss! kukunin mo yang bag mo oh ipapalamon ko yan sayo?" maangas na sabi niya
Kukunin na sana niya yung bag ko pero inunahan ko na. Mabilis ko itong kinuha at inilagay sa ibaba ng upoan ko
BINABASA MO ANG
Fated To Meet You
Teen FictionShe lost someone. She got hurt. She changed. She transferred to another school to forget the painful past. But she met two unexpected men that made her life more complicated. Two men that are connected to her past.