CHAPTER ONE

61 2 0
                                    

Hanayo's POV

'First day of senior year. New school, new faces and new environment. Tsss! Inaantok pa ako'

|-_-|

"Good morning!" masayang sigaw ni Maki pagkababa ko ng hagdan

younger sister ko yan

"Hmmmm morning." walang ganang sagot ko

"Psh! ang sigla mo naman ate! grabe!" sarkastikong sabi niya

"Maki, wag mo ng asarin yang ate mo. Kumain na kayo dito baka ma late pa kayo." sigaw ni mommy na nag-aayos ng mga plato sa dining area

"Opo mom!" masayang sagot ni maki at pumunta sa dining area

sumunod naman ako at agad umupo at kumain

"Oh Hanayo bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni mommy

"Huh? Bakit? Anong problema sa mukha ko?" takang tanong ko

"Ma, ano ka ba! Hindi ka na nasanay. Ganyan ang normal na mukha ni ate. Hahahhahahaha!" pang-aasar ni Maki

|-.-| <--- mukha ko yan, wag kang ano!

Tiningnan ko lang siya ng masama

"Hala nakakatakot! Hoy ate wag kang ganyan sa school ha. Baka matakot mga classmates mo. Hahahahaha!" pang-aasar na naman niya

"Tsss!" singhal ko

"Mom, bakit mo pa kasi pinalipat si ate eh okay lang naman sakin na walang kasama sa school. Kaya ko naman. Tsaka 4th year na si ate. Mag aadjust na naman sya nyan." mahabang sermom ni Maki

"Maki, mas mabuting dyan sa school na papasukan mo na din papasok ang ate mo para may makapagbantay sayo. At hindi ka pa talaga sanay dito sa Cebu kaya mas mabuting magkasama kayo ng ate mo" mahabang paliwanag ni mommy

"Pero kasi mom, baka mahirapan si ate sa pag aadjust lalo na ganyan ang ugali nyan." sagot niya

"Tsss! Ang daldal mo! Hindi nga ako nagrereklamo dito. Ang sabihin mo, ayaw mo kong nandoon din ako sa school mo dahil natatakot kang isumbong kita kay mommy pag may ginawa kang kalokohan. Tsss!" pang-aasar ko sa kanya

"Psh! Anong kolokohan?! Ikaw kaya tong takaw gulo sating dalawa!" sagot niya

"Wag kayo dito mag-away. Kumakain tayo." nang-uutos na sabi ni mommy

'Tsss! Ang daldal kasi. Hindi nga ako nagrereklamo dito na ako ang mag aadjust.'

|-.-|

"Tapos na ako. Bilisan mo dyan. Mauuna na ako sa kotse." sabi ko at agad tumayo at umalis

"Oh aalis na po ba tayo?" tanong ni manong na nakasalubong ko paglabas ng bahay

"Hindi pa po manong. Mauuna lang ako sa kotse. Kumakain pa si Maki." sagot ko

"Ah sige po, dito ko nalang sya hihintayin." sabi niya

"Sige po." walang emosyong sagot ko

BLAGG! (tunog yan ng pinto ng kotse. Wag kang ano!)

'Nakakatamad naman, inaantok pa ako.' |-_-|

*Mahabang buntong hininga*

BLAGGG!

'AY TAE!'

"Dahan dahan nga! Parang gusto mo naman atang sirain ang pintung yan maki!" inis na sabi ko

"Psh!" singhal niya

Fated To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon