CHAPTER SEVEN

19 2 0
                                    

Bobby's POV

"Hoy ba't nagmamadali kang pumunta dito sa canteen ha? Gutom na Gutom?" pang-aasar ni luke

"Loko! May hinahanap ako" sagot ko

Hinahanap ko yung bwesit na babaeng binangasan ang mukha ko kahapon

'Lagot ka talaga sakin! Lintek lang ang walang ganti!'

"Sino? Yung babaeng pinatamaan ka ng bola?" tanong niya na nakakunot ang noo

"Hmmm" tango ko lang

"Pfft! Wag ka ngang isip bata. Tantanan mo na yun kasi ikaw naman ang nauna" pangangaral niya

"Anong tantanan?! Lintek lang ang walang ganti! Kumukulo ang dugo ko sa kanya!" galit na sabi ko

"Napakaisip bata mo talaga! Babae yun pre kaya lubayan mo nalang" si luke habang ngumunguya pa

"Babae?! Ha! Hindi yun babae! Kung umasta akala mo mas malakas pa's lalake! Napakahambog!" inis na singhal ko

'Enemy spotted!'

Tsss! Napakahambog talaga kung makalakad! Nasa magkabilang bulsa yung mga kamay niya. Mukha talaga syang tomboy!

Dapat makaisip na ako ng paraan kung paano ako makakaganti

Pinagmamasdan ko ang mga kilos niya habang kumakain. Pati sa pagkain napakawalang kwenta ang mukha!

Pag siniswerte nga naman pinauna niya yung mga kasama niya at lumiko dun sa kabilang side. Nakita ko siya habang nagpapaalam ata sa mga kasama niya. Nasa harapan pa kasi sila sa pintuan ng canteen kaya nakikita ko pa rin sila.

Sa tingin ko pupunta siya sa locker niya dahil yung daan na nilikoan niya ay nandoon ang locker's area

"Pre, tapos ka na ba? Alis na tayo" si Luke na tinapik pa ako

"Oh sige" sagot ko

"Bat parang tulala ka?" takang tanong niya na tumayo na

sumunod lang ako at nagsimula naring maglakad

"Mauna ka na pala sa room. May kukunin lang ako sa locker" biglang usal ko

"Samahan nalang kita"

"Wag na, kaya ko na. Sige na mauna ka na" pilit ko habang tinutulak tulak pa siya. Kumunot pa yung noo niya pero dahil mapilit ako umalis nalang sya

agad naman akong tumakbo papuntang locker's area at nung makarating ako, nagtago ako don sa dulo at palihim akong sumisilip kung nandoon pa yung tomboy

'Bingo!'

Alam ko na kung saan ang locker mo. Hahahaha!

'Ano kayang masayang gawin?'

Ennggkkk!

Bigla akong tumakbo sa kabilang side nung marinig ko ang pagsara ng locker

'Ayos! Alam ko na ang gagawin ko! Hahahaha!'

"Manong, mukhang madumi na po yang tubig sa balde nyo. Papalitan ko na po yan" nakangiting prisinta ko

Nakita ko kasi si manong janitor na nagmamap ng sahig sa di kalayoan kaya linapitan ko

"Ay ako nalang ho sir dahil trabaho ko to" mahinanong sagot niya

"Okay lang po, wala naman akong ginagawa" pagpupumilit ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fated To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon