Prologue - Promise

85 4 0
                                    


June 13, 2016 (Monday)
[7:01 AM]

Zzzzzz.......anong.....oras.....na...?

Zzzzzzzzz.......

....hmmm....

Late na ako!!!!

[InTrOdUcTiOn]

Ang pangalan ko ay Kay, Kay Sahgitta. Ang pagbasa sa pangalan ko na Kay ay parang yung ganun sa "kay" sa "okay". Okay? K.

Alam ko ang weird ng aking pangalan pero atleast meron akong pangalan at may pagka-unique pa...

At meron akong pangalan..

Isa akong ampon na pinalaki ng isang padre.

[Kay's POV]

Ang problema ko ngayon ay unang araw ng pasukan ngayon pero seven na hindi pa rin ako nakaready kaya takbo ako sa banyo, nagbihis, at kumuha ng isang pandesal sa lamesa sabay takbo sa kwarto ng kapatid ko para gisingin siya.

[7:14 AM]

"Eewiish!! Gishing *munch munch* na!!" sigaw ko sa kapatid ko habang kumakain ng pandesal.

Nagising ko na siya..

"Hmm.....ano bang meron...? Sunog ba..?" tanong niya sa akin habang nagkakamot ng ulo.

Kung nasusunog talaga itong bahay edi bakit ang kalmado mo ngayon?

"Late na tayo oh!" sagot ko sa kanya habang pinapakita ko sa kanya kung anong oras na.

Tinulak kaagad niya ako at tumakbo papunta sa banyo at naligo.

Siya nga pala ang kapatid ko na si Elise Sahgitta, parehas kaming Grade 10 na ngayong taon.

Kapatid ko siya pero hindi kami magkadugo dahil parehas kaming ampon na walang kaalam-alam sa past namin nung kabataan namin.

Naging kapatid ko siya nang namatay ang kanyang nanay...

Si Elise ay kakaibang babaeng kapatid yan; kababaeng tao tumatambay sa computer shop at sa mga arcades, laging makulit, at halos hindi na mabuhay kung wala ako.

Pero kahit na ganoon siya, masaya pa rin ako dahil nakilala ko siya.

[7:29 AM]

Nakaready na kaming dalawa at tumakbo kami papunta sa school.

Si Elise hindi na nakapag-almusal kaya may pandesal siya sa kanyang bibig on the way sa school.

[7:35 AM]

Sa wakas at nakadating na rin kami sa school...

Tinignan naming dalawa kaagad ni Elise sa bulletin board kung saan yung classroom namin.

Kamalasan....

Kaklase ko si Elise...

"Kuya!" sigaw ni Elise.

"Oh?" lingon ko naman.

Alam ko na sasabihin nito..

"Tignan mo ito oh!" sigaw niya ulit.

Alam ko. Magkaklase tayo. Ulit.

"Kaklase natin si Mikaiah oh!" sigaw niya ng maligaya.

Mi-Mi-Mikaiah!?

Nagulat nalang ako nung sinabi niya yun at tinignan talaga kung kaklase ko siya.

"Pfft.. Joke!!" sigaw ni Elise habang tumatawa.

Anak ng...

Sa totoo lang gusto ko siyang bawian ngayon pero late na kami sa klase kaya hinila niya agad ako patakbo sa aming classroom.

One Week ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon