[September 7, 2016]
[2:37 PM][Kay's POV]
Todo linis ako ngayon dito sa bahay kasi nga tatambay dito si Mikaiah. Bakit kaya biglaan niyang naisipang tumambay dito?
[2:41 PM]
Maya-maya may narinig na akong kumakatok sa pintuan. Siya na kaya yun?
Agad nalang akong tumakbo sa may pintuan para buksan yun.
Pagkabukas ko, siya nga...
"Hi Kay!" bati niya sa akin habang nakangiti ng maluwag. Ang ganda nung ngiti niya... Parang ngiti talaga ng diyosa..
"Huy! Okay ka lang?" tanong niya sa akin.
Mukhang napatulala ako sa kagandahan niya...
Pinapasok ko nalang siya sa bahay at pinagrelax sandali sa sala.
"So...anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Mikaiah.
"Wala lang...natutulog." sagot ko naman habang pinipigilan ko ang aking kaba.
"Ahh...sorry kung nakaistorbo ako." sinabi niya ng mahinhin.
"A-Ayos lang..! Nagising naman ako kanina pa e..!" sinabi ko naman pabalik habang ninenerbiyoso.
Mas lalo akong uminit...
"Te-Teka lang..! Kukuha lang ng maiinom natin." sinabi ko sa kaniya habang papunta sa kusina.
Agad akong pumunta sa kusina. Napansin kong walang laman yung ref namin na maiinom. Nakalimutan rin ni Elise magpaorder ng tubig na dapat e last week pa..!
Dalawa lang ang pwede naming pag-inuman dito. Yung tubig sa lababo at yung tubig sa inidoro. Pero parang ipapainom ko naman sa kaniya yun!
Kaya no choice ako... Lumabas nalang ako sa bahay ng hindi napapansin ni Mikaiah (kase dumaan ako sa bintana doon sa kusina) at tumakbo sa garita.
[Sa MaY GariTa]
[2:47 PM]"Ate! Ice water nga po..!" sigaw ko kaagad pagkadating ko sa garita.
Akala ko ba hindi ko siya paiinumin ng tubig gripo..!? Pero no choice din ako kasi limang piso lang yung dala kong pera... Dalawang piso ang isang ice water kaya may sukli pa akong piso.
Sa totoo nga lang nakalimutan kong magdala ng pera on the way. Nagkataon lang na napulot ko tong limang piso sa daan.
Pagkabili ko takbo nanaman kaagad ako pabalik sa bahay kahit na may sinat pa rin ako. Mukhang hindi ako makakasama sa camping bukas...
[ Sa LooB ng BahAy]
[2:50 PM]Dumaan nalang ulit ako sa may bintana sa kusina papasok sa bahay. Hindi yata ako napansin ni Mikaiah.
"Kay?" sigaw niyang tawag sa akin.
"So-Sorry kung natagalan ako..!" sigaw ko naman pabalik.
"Okay lang! Akala ko kasi bigla ka nalang nawala at lumabas para bumili ng ice water jan sa kanto kasi naubos yung tubig niyo e." sinabi sa akin ni Mikaiah sabay tawa.
"Ahahaha... Imposibleng mangyari yan." sinabi ko nalang pabalik kahit totoo naman.
Hinanda ko na yung mga maiinom namin at dinala ito sa sala.
Aray...lalong sumasakit yung ulo ko... Pero kailangan kong mag-isip ng topic namin. Sinubukan kong tawagan si Elise pero sabi naman sa phone "unavailable".
"Oo nga pala, bakit hindi ka pumasok?" tinanong ko na lang kay Mikaiah.
"Umm...late ako nagising e." sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
One Week Chance
RomansaGrade 6 palang ako may crush na ako sa kaniya...pero dahil sa loner ako at siya naman ay isang sikat na diyosa dito sa school, may pag-asa pa ba ako..? Kahit ganun, hindi ko pinabayaan ang aking mga nararamdaman para sa kaniya. Kahit na wala akong p...