FRIday I - Nostalgia

19 3 0
                                    

[September 9, 2016]

[Sa ILaLiM na Parte ng GubAT]
[12:11 AM]

[Elise's POV]

Yung tipong napapalibutan ka ng sampung malalaki at nakakatakot na buwaya. Lalala pa kaya ito!?

Napansin ko na nakatingin sa akin yung isang buwalimango (di ko alam kung alimango ba ito o buwaya e).

Bigla itong sumugod sa akin pero bago ako nito nakalapit sa akin...

"Elise! Tabi!!" sigaw ni Jusqua sabay tulak sa akin.

Dahil sa tulak niya sa akin, imbis na ako ang inatake, si Jusqua ang na...

"AAAAHHH!!!" malakas na sigaw ni Jusqua nang makagat siya sa braso nung malaking bibig nung isang buwalimango.

"Jusqua!!" naisigaw ko sa kaniya na may halong takot.

"Layuan mo siya!" sigaw ni kuya habang may hawak na matalim na bato sabay tusok niya nito sa mata nung buwalimango.

Binitawan na nung buwalimango yung braso ni Juju habang nanghihina ito dahil sa pagsaksak ni kuya ng bato sa mata niya.

Natalsikan ng dugo yung kamay ni kuya samantalang yung braso naman ni Juju...

"Yung braso ni Jusqua!" sigaw ni Mika habang nanginginig siya sa dami nung dugong tumutulo sa braso niya.

"Takbo na kayo! Kung hindi maya-maya lang nakatira na tayo sa tiyan nila!" pasigaw na utos ni Jusqua sa aming tatlo.

[Mikaiah's POV]

Gaya nung sinigaw niya, nagsitakbuhan kaming apat yun nga lang..

Sinubukan kong tumakbo pero nadapa nanaman ako kasi nga yung pilay ko.

Asar naman oh..!

Patay... Nakatingin na sa akin yung dalawang buwalimango at papalapit sila ng papalapit bawat sigundo..!

Pabilis pa sila ng pabilis!

Akala ko katapusan ko na nito pero...

"Mika!!" sigaw ni Kay sabay buhat niya sa akin sa dalawa niyang braso papalayo sa dalawang buwalimango.

Nabuhat ako ng kalansay. *-*

Tumakbo kaagad papalayo si Kay habang buhat-buhat niya ako at sumunod siya kay nila Jusqua.

"Bilis!" sigaw sa amin ni Jusqua habang tumatakbo parin kaming, silang tatlo palayo sa mga halimaw.

Dahil sa pagmamadali naming tumakbo, nagkahiwa-hiwalay kami. Syempre, kasama ko si Kay..

[12:24 AM]

"Elise!! Jusqua!!" sigaw naming dalawa ni Kay pero walang sumasagot.

Paano na ito..?

Kanina pa kami naghahanap sa dalawa pero kahit presensya man lang nila wala pa rin kaya napag-usapan namin ni Kay na magpahinga muna kami.

Binaba niya ako sandali sa lupa at humiga kami sandali, na may space sa tabi namin na mga isang metro.

"Elise... Sana magkasama kayo ni Jusqua.." bulong ni Kay na nanginginig at naiiyak.

Kay...

Ramdam na ramdam ko yung pag-aalala mo kay Elise...

Naisipan kong kausapin siya, para naman gumaan yung pakiramdam namin.

"Kay? May itatanong lang." sinabi ko sa kaniya.

"Ano yun?" tanong naman niya pabalik.

"Paano mo nalaman? Nung tungkol sa kuya ko?" tanong ko sa kaniya na nanghihina ang boses ko dahil sa kakasigaw kakahanap dun sa dalawa.

One Week ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon