MONday I - Date

36 3 0
                                    


[September 5, 2016]
[4:23 PM]

{Sa HarAp ng ScHooLGaTe}

[Kay's POV]

Nandito kaming tatlo ngayon ni Elise at Mikaiah sa harap ng schoolgate.

Hinihintay namin ngayon yung isa pa naming kasama. Ayon kay Mikaiah, lalake daw siya.

Kaklase daw namin siya.

Maya-maya may lalakeng lumapit sa amin.

Kaklase namin siya pero hindi ko ineexpect na siya yung makakasama namin.

"Jusqua! Ang tagal mo naman!" sinabi ni Mikaiah habang grinigreet si Jusqua.

Jusqua Lybert...

Isa siyang transferee at may pagkaloner din siyang ugali minsan. Pero minsan sumisikat din siya sa klase dahil sa kaniyang talento sa basketball.

Ito kaya ang rason magkalapit sila ni Mikaiah?

"Sorry. May inasikaso lang ako." sagot ni Jusqua kay Mikaiah.

"Tsaka bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ni Jusqua kay Mikaiah.

"One word. Date." sagot ni Mikaiah kay Jusqua.

"Seryoso ka ba!? Ayokong makadate itong lalakeng ito noh! Hindi ito isang bromance!" pasigaw na sinabi ni Jusqua kay Mikaiah habang nakaturo yung dalari sa akin.

Sa lahat ng... Bakit tayo pa ang magdadate dito!?

"Psst! Kuya. Nagustuhan ko yung opinyon niya." bulong sa akin ni Elise.

Lecheng kapatid ito.

"Jusqua...." sinabi ni Elise sa sarili.

"Grabe ang weweird ng mga name natin!" sabi ni Elise sa amin.

Natin? Ikaw nga lang ata ang may normal na pangalan sa ating apat e.

"Alam ko na! Mag-cs nalang tayo!" sabay na sinabi ni Elise at Mikaiah.

"Jinx!" dagdag pa nung dalawa ng sabay.

Feeling ko magiging magBFF itong dalawang ito..

"Hindi ako interesado kaya--" sinabi ni Jusqua ng biglang magsalita ulit si Mikaiah.

"Ang CS ni Jusqua ay Juju!" sinabi ni Mikaiah kay Jusqua.

"What? Sa lahat ng pwedeng i-CS bakit yan pa!?" tanong ni Jusqua ng magulat at madisappoint ito sa ibinigay na CS ni Mikaiah.

Sana hindi weirdo ang ibigay na pangalan sa akin ni Mikaiah.

"Ikaw!" sigaw ni Elise sabay turo ang daliri sa akin.

Nagdadasal na ako ngayon sa isipan ko na huwag niyong hayaan itong tarsier na ito na bigyan ako ng CS...

"Ang CS mo nalang ay K!!" sigaw niyang pagbigay ng CS sa akin.

K? Pwede na ri...teka...

Nawala lang yung "a" at "y" sa pangalan ko. Ganun pa rin naman ang pagpronounce sa pangalan ko!

"At sa akin naman ay Elis without an E!" sigaw ni Elise.

NagCS ka pa.

"Ganda ng mga binigay mong CS!" puri ni Mikaiah kay Elise.

Huwag mo yang puriin please...

"At ang CS mo naman ay....Mika!" sinabi ni Elise kay Mikaiah.

"Wow! Astig ng CS ko! Thank you!!" sigaw ni Mikaiah sa ligaya.

One Week ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon