THURSday II - Outset

12 2 1
                                    

[September 8,2016]
[10:10 AM]

[Jusqua's POV]

Palabas kami ni Kay ngayon sa CR at parehas kaming nanghihina...

Si Kay... Hindi lang siya mukhang nanghihina. Parang malungkot din? Siguro dahil sa pagod lang yun.

Papunta kaming dalawa ngayon ni Kay sa camping site. Medyo malapit lang yun pag lalakarin mo simula sa CR kaya kaya pa naming lakarin ng buhay.

[Sa CamPSiTe]

"Kuya! Juju!" sigaw ni Elise habang papunta siya dito sa amin.

Juju nanaman? Tssk...

"Hm? Si Mika nasaan?" tanong ko kay Elise pagkalapit niya sa amin.

"Nandoon kasama yung iba nating mga kaklase." sagot niya sa tanong ko.

So ito pala yung campsite...

Malawak siya pero hindi ko ineexpect na sa gubat kami magcacamping. Tapos may mga bundok na malalapit rin dito. Siguro marami ring mga hayop ang naninirahan dito tulad ng mga ahas at kambing.

"Tsaka kung mapapansin mo rin sa itsura nitong gubat siguro may lumalangoy dito na whale." sinabi sa akin ni Elise.

Oo nga no--teka..!

"Huwag mo nga binabasa yung isipan ko! At tsaka paano nagkawhale dito!?" sigaw ko kay Elise dahil sa nangengealam siya sa mga iniisip ko.

"Malay mo meron. Nothing is possible!" sinabi nalang ni Elise pabalik sa akin.

Nothing is possible? Baka nothing is "IM"possible.

"Kinapitalize mo pa talaga yung "IM" sa impossible noh?" tanong sa akin ni Elise.

"Sabing huwag mong binabasa yung iniisip ko e!" sigaw ko ulit pabalik.

"Pansin ko lang... Nasaan si kuya?" tanong nitong si Elise.

Oo nga noh... Nasaan nanaman napunta si Kay?

"Kuya!?" sigaw ni Elise kakahanap sa kapatid niya.

[Kay's POV]

[Sa LooB nuNg GubAT]
[10:19 AM]

What if kung may feelings nga ba siya kay Jusqua..? Asar... Bumibigat nanaman yung puso ko...

Ganito ko ba talaga siya kamahal..? At tsaka...

Nasaan na pala ako napunta!?

Naglakad lang ako ng ilang minuto nawala na kaagad ako!?

Medyo nag-aalala na rin ako kaya agad akong tumakbo para lang mahanap yung campsite nang...hindi ko napansin, natapakan ko ang isang bato at nadapa.

Gumulong-gulong ako pababa sa isang slope dahil sa impact nung nadapa ako.

Aray...

Nagasgasan yung katawan ko pero okay pa rin naman ako yun nga lang...

Nasugat ko yung tuhod ko at hindi ko ito gaano magalaw...

Asar... Paano na ako makakabalik nito..?

Mamaya may ahas pa dito na malapit tapos bigla pa akong tuklawin.

Patay...

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa nang...

"Kay? Nanjan ka pala. Tara assemble na daw dun sa main campsite." sabi nung kaklase ko nang makita niya ako dito.

"Huh? Te-Teka..! Paano mo ako nahanap?" tanong ko sa kaniya bago niya ako iniwan dito na sugatan.

"Hm? Akala mo nawawala ka na? Ayan lang yung main campsite oh." sagot niya sa akin habang nakaturo yung daliri niya sa may campsite.

One Week ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon