THURSday IV - Darkness

20 2 0
                                    


[September 8, 2016]

[Mikaiah's POV]

[Sa MAiN CampSiTe]
[6:11 PM]

Walang magawa...kaya andito lang ako magpapahangin sandali.

"Ate Mikaiah!" sigaw nung kagrupo ko na si Diana habang tumatakbo papunta sa akin.

"Diana hindi ba? Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Sina ate Elise daw kasi inutusang kumuha ng kahoy doon sa gubat para daw sa campfire mamaya pero hindi pa rin sila bumabalik.." kwento niya sa akin.

Sina?

"Nag-aalala na ako sa kaniya..." bulong ni Diana nang malungkot.

"Dito ka lang! Hahanapin ko lang si Jusqua!" sigaw ko naman sabay takbo sa tent nila.

"Teka lang ate!" sigaw naman ni Diana.

Agad kong pinuntahan yung tent nila Kay at Juju pero wala daw sila doon. Kaya no choice! Ako nalang mag-isa ang pumunta doon sa gubat. Kahit mukhang nakakatakot ito pag mag-isa mo lang!

[Sa LooB ng GuBaT]
[6:19 PM]

Medyo madilim na pero hindi ko pa rin sila mahanap.. Weird, feeling ko andaming namumuhay dito pero ni isang hayop wala akong makita.

Kahit natatakot ako, pinilit ko yung sarili ko na pumunta sa mas malalim na parte nitong gubat baka kasi nandoon sila.

Habang naglalakad ako...

"Bakit may nararamdaman akong masama..?" bulong ko sa sarili ko habang nanginginig sa ginaw at takot.

Tumingin ako sa likod ko at hindi lang ilog ang nakita ko kundi...mga malalaking alimango! Hindi lang sila dadalawa kundi lima sila! Ang nakakatakot papunta sila sa akin na nakabukas ang bunganga na maluwag!!

Agad akong tumakbo pero nadapa ako kaya napilay itong kanang binti ko... Asar! Hindi ako makatayo..!

Ito na ba ang katapusan ko..!? Ayoko pang....ayoko pang...

"AAAAHHHH!!!"

Napasigaw nalang ako nang ganun dahil sa sobrang takot ko...hindi pa rin ako makatayo kaya wala akong nagawa kundi lumayo sa kanila gamit itong dalawa kong kamay hanggang sa hindi ko napansin...

...na konting layo ko pa mahuhulog na ako sa ilog nila.

Dahil sa sobrang takot, dalawang bagay lang ang nasa isip ko: ang makaalis dito ng buhay at ang makalayo sa mga alimangong ito kaya...

...napilitan akong tumalon nalang sa ilog at magpaalon. Hindi ko alam kung asan ako nito dadalhin at posibleng mas lalo akong mawala nito pero...

Ginawa ko lang yun dahil lang sa sobrang takot ko...

[Jusqua's POV]

[Sa May MaLaLim na ParTe ng GuBaT]
[6:25 PM]

Kanina pa kami sigaw ng sigaw ng Kay pero wala talaga... Posible nga bang..!?

"Tara Elise! Kailangan nating sabihin kaagad sa ito mga teachers!" sinabi ko kay Elise ngunit ayaw niya talagang iwanan si Kay.

"Ayokong iwanan si kuya dito!" sigaw niya habang umiiyak.

"Hindi natin malalaman kung buha-- I mean, hindi natin siya maililigtas kung hindi natin ito kaagad sasabihin sa kanila! Kaya halika na!" sinigaw ko kay Elise na may pagkahalong galit.

"Pe-pero..." bulong nalang ni Elise. Ramdam na ramdam ko pagnginig nung katawan niya...

"Tsaka sigurado akong ayos lang si Kay... Kahit malnourished yung lalakeng yun, alam kong hindi siya basta basta napapatumba." sabi ko kay Elise para naman sumunod na siya sa akin.

One Week ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon