TUESday III - Compress

37 3 0
                                    


[ September 6, 2016]
[5:07 PM]

[Elise's POV]

Ang lamig....para na ring nanghihina ako...

Nandito ako ngayon sa may waiting shed malapit sa harap ng school... Hindi ako makaalis dahil sa lakas ng ulan...wala kasi akong payong...

Wala ring katao-tao dito sa may waiting shed....except sa isang lalake na nangangalang Jusqua...

"Ito payong. Bilis na puntahan mo na kuya mo." sinabi niya bigla sa akin habang pinapahiram niya yung payong niya sa akin.

Juju....

Waaahhhh!!! Anong nangyayare sa akin!? Dapat maipakita ko sa kanya na isa pa rin akong makulit na babae!! Alam ko na!

"Tssk." sinabi ko.

"Kung magpapahiram ka naman ng payong sa babae dapat yung nakabukas na!" sigaw ko sa kaniya sabay tapak ng malakas sa paa niya.

Kailangan ko tong gawin! Para hindi niya mahalata na malungkot ako...!

"Aray!! Ikaw na nga pinapahiraman ng payong dito ikaw pa magagalit!?" sigaw niya sa akin habang pinupunasan niya yung sapatos niya dahil nga kase inapakan ko ng todo.

"Kaya pala mukha kang malungkot na gorilla e! Hindi ka marunong gumalang sa babae!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

"Go-Gorilla!? Wala ka nang pake sa buhay ko! Bwesit na unggoy na pabebe!" sigaw niya ulit sa akin.

Pa-Pabebe!?!? Dapat pala hindi lang apak ang nakuha mo e! Sa susunod babatuhin na rin kita ng sapatos ko..!

"Tssk! Kung gusto mo ng nakabukas na payong edi yan!" sigaw niya ulit habang kinukuha niya sa akin yung payong.

"Te-Te-Teka nga lang..!" sabi ko naman habang pinag-aagawan namin yung payong.

Habang pinag-aagawan namin yung payong niya, natulak ko si Jusqua ng medyo malakas kaya ayun napatumba siya... Pero nang mahulog siya nahawakan niya yung kamay ko kaya nahila niya at nasama ako sa paghulog niya.

Kaya ito kami ngayon....

Nakahiga sa lupa na medyo basa....

Magkaharapan ang mga mukha ng malapitan...

"Waaaahhhh!!!!" sigaw namin ng magkaface-to-face kaming dalawa.

Nawalan ako ng kontrol sa sarili at nasampal ko nalang siya. Tumayo rin ako kaagad nung sumigaw kaming dalawa.

"Aray!! Bat ka nananampal!?" sigaw niyang tinanong sakin sabay tayo niya.

"Ikaw kasi e! Hinarap mo yang mukha mong unggoy sa mukha ko mismo! Bwiset na manyakis!!" sigaw kong sagot sa kaniya.

"Anong ako!? E ikaw nga jan e! Kung tinanggap mo nalang sana kaagad yung payong edi di pa ito nangyare!" sigaw niya sa akin habang nagpapagpag siya.

"Tssk...nabasa pa tayo.." dagdag pa niyang sinabi.

Bwiset talaga toh-- teka...tayo?

Kinuha ni Jusqua yung payong na nahulog namin sa lupa. Binuksan niya ito sabay bigay sa akin.

"Yan oh..." nanginginig niyang sinabi habang pinapahiram saken yung payong. Sinabi niya pa ito sa akin nang hindi nakatingin saken...

Wala akong nagawa at hiniram nalang yung payong sa kaniya...kahit thank you man lang hindi ko nasabi sa kaniya...

Hindi na ako nagsalita at umalis nalang bigla-biglaan.

Habang nakapayong, tumakbo ako papunta sa pishbolan para puntahan si kuya...

One Week ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon