Chapter BT

40 5 2
                                    

Bethany's POV

"Bethany" tawag sakin ni Mama
"Yes Ma?"lumapit ako sa kanya sa kusina
"May nasabi na ba sayo ang papa mo?"
"Wala pa po bakit?"

"Alam mo naman yung business natin diba?" tumango ako
"Nakipag deal na kami sa mga business partner namin"
"Bat niyo po sinasabi sakin yan?" pagsingit ko
"Teka lang patapusin mo muna ako" nagpeace sign ako kay Mama

"Ganito kasi yun  nakipagdeal kami sa iba nating business partners na yung magmamana ng  kanya kanya naming business dapat matuto ng maaga. So napagdesisyunan  namin na pagsamasamahin yung mga anak namin"
"Paano pong sama sama? Titira po kami sa iisang bahay?"
"Tama ka" biglang dumating si Papa

"Akala ko ay nasabi mo na sa anak natin yung plano natin. Inutos ko sayo pero ako din yung nagsabi sa kanya eh ikaw talaga"
"Hindi ka kasi makapag hintay eh dapat mamaya ko pa sasabihin" Lq na yan! Lq! Lq!

"Pero Ma,Pa kailan po kami magsasama sama?"
"Ngayon" What the di pa ako nagiimpake ang bagal ko pa naman kumilos
"Kaya magimpake ka na"Papa
"Pakainin mo muna yung anak natin ano ba"

Kumain  nalang ako ng kumain para maaga akong makapagimpake baka mamaya  pagdating ko dun lahat sila bored na bored na kakahintay na may dumating  pang iba. Pagkatapos kong kumain tsaka ako nagimpake tapos tsaka ako  naligo. Sinabi naman ni Papa na ihahatid niya raw ako bago sila pumunta  sa office ni Mama

Habang nasa byahe kami tinitignan ko yung  dinadaanan parang tago kami masyado. "Pa, kaninong lupa o bahay yung  gagamitin namin?" na curious lang ako bigla kasi parang malayo siya sa  highway o feeling ko lang siguro

"Lahat kami may contributions  dun. Matagal na naming naisip na magcontribute sa isang bagay so bumili  kami ng lupa pero naisipan nalang namin na patayuan ng bahay para sa  inyo kakatapos lang kaya this time lang namin nasabi"

Nung  nakarating kami dun sobra akong naamaze kasi ang laki niya tapos ang  ganda. Labas palang ang ganda na paano pa kaya yung loob. Bumaba na ako  sa kotse namin at nagpaalam kay Papa pinaalam ko rin na gagalain ko muna  yung bahay at sabi ni Papa gawin ko daw kung anong gusto ko tapos  umalis na siya

Pagkadating ko sa bahay nandun na sila pero trip kong dumaan sa back door naglibot muna ako sa bahay bago ako pumasok

Nung palapit na ako na living room nakita ko siya

Si Troy

"Hi" bati saakin nung isa
"I''m Bella"
"I'm Kara"
Pansin ko lang bakit 7 lang kami. Ang sabi sakin ni Mama 8 daw kami

Nevermind baka late lang
"Kulang tayo?" Troy
"Kahit kulang tayo magpakilala muna tayong lahat" Boy2
"Umupo ka muna dyan" Kara. Isa lang naman ang available seat eh
Sa tabi ni Troy.
"Bella Park"
"Kara Kim"
"Bethany Shin"
"Troy Wu"
"Tristan Lee"
"Matthew Kim"
"Axel Choi"

"Actually dapat kumpleto na tayo eh kaso umalis yung isa" Matthew
"Tristan, Ano name niya?" Axel
"Ella Kim"
Sino kaya yung babaeng kulang na yun?
Pumunta na ako sa room namin sinamahan ako nila Kara at Bella

Nung inaayos ko yung mga damit ko. Napansin ko yung mga ibang gamit. May pangalan pala. Nandito naman na yung gamit nung Ella

So tumakas siya

"Girls baba kayo nandito lahat ng parents" Tristan

"Kulang kayo ah" Mommy ata ni Matthew
"Nawawala yung anak ko" Daddy ni Ella malamang
"Tristan alam mo ba kung nasaan si Ella?" Mommy niya
"No Mom di ko po alam"

"Sana magkaayos kayong lahat at sana maging close kayo" Dad ni Troy
"Every day or in a week na may parents na titingin sa inyo pero before lang mag pasukan" Bella's Mom

"Gabi na. Aalis na kami bahala na kayo dyan boys and girls" Mommy ni Kara
"Maiiwan na muna kami dito" Mommy ni Ella

Nag kanya kanya kaming alis. Pero ako pumunta ng kwarto namin

Nagccellphone lang ako ng biglang may sumulpot sa pintuan
"Ay pota. Nagulat ako sayong bwisit ka!"
"Kakain ka ba o titili ka lang dyan?" Troy
"Kakain syempre. Tara na" sabi ko tapos hinawakan ko siya sa balikat pero  tinanggal niya lang yun

May nagawa ba akong mali?
"Hapunan na pero kulang parin tayo"Axel
"Hayaan nalang natin siya" Matthew
Natapos kaming kumain at Patulog na kami wala parin yung Ella

Si Bella tulog na tapos biglang lumabas si Kara pero ako nagsscroll lang ako sa twitter ko
Biglang may pumasok. Malamang si Ella
Pumasok na rin si Kara baka may ginawa lang

Tinitignan ko si Ella pero hindi niya yun napansin kasi madilim dun sa part ko. Siguro bukas ko nalang talaga makikita yung mukha niya

First day na first day pa naman. Sana ginawa niya nalang ng ibang araw. Malamang may consequence to. Buti nga sa kanya takas pa more

1 Year Contract (Infinity 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon