Chapter M

16 4 0
                                    

Matthew's POV

Nagising ako ng mga bandang 7am at pagkakita ko,tulog pa yung iba.Partida inasikaso ko pa si Tristan pero ako pinakaunang nagising.

Naligo lang ako at nagbihis then bumaba ako sa kusina para tulungan si Kara dahil siya naman lagi maagang nagigising sa kanila eh.

At nakita ko siyang nagluluto.Sa amoy ng pagkain parang Sinangag yung niluluto niya at Beef Tapa.Lumapit naman ako sa kanya at grineet lang saglit at nagprisintang tumulong mag-handa sa lamesa.

Nang makatapos na siya makapagluto,nauna na kaming kumain at tinirhan na lang yung iba dahil mahirap na at baka maubusan kami ng pagkain kapag sabay-sabay kami.Pansin ko namang paubos na yung stock namin sa ref kaya inaya ko siyang mag-grocery at para na rin makapaglibot.

Umakyat lang kami sa kanya-kanyang kwarto para magbihis at tulog pa yung iba.After nun,sabay na kaming bumaba papunta sa garahe.Nagt-talo pa nga kami kung sino magd-drive eh.

"Ako na lang kasi mag-drive!"sabi ko

"Eh,ayoko.Ako na lang kasi bakit ba ang kulit mo!?"pagpupumilit ni Kara

"Oh sige,ganito na lang.Ako magd-drive papunta at ikaw magd-drive pauwi,okay na?"suggestion ko

"Oh sige na nga"At sumakay na siya sa kotse

Sumakay na rin ako at pinaandar ang kotse papuntang mall.

Nagpunta kami sa supermarket at siya yung tagalista ng mga nabili habang ako naman yung nagh-hanap nung bibilhin.Nakasunod lang siya sa akin.

"Bumili na rin tayo ng bigas.Last na yung sinaing ko kanina kasi yung sinasaing ko lagi pang bente na tao kahit walo lang naman tayo."-Kara.

"Oo nga pala.Abnormal kumain yung mga iyon.After natin sa bigas,doon naman tayo sa mga dilata at instant foods"sabi ko.

"Sure"

Nang natapos na kami makapamili,bumili lang kami nang lemon juice sa foodcourt.Inubos lang namin iyon at umuwi na kami.This time,siya naman yung nag-drive.

Nang makarating kami sa bahay,pinark lamg niya saglit yung kotse at pumasok na kami at nakita namin silang lahat na gising na at may kanya-kanyang ginagawa.Nilagay ko lang yung mga biniling grocery sa ref at yung iba sa may patungan ng mga pagkain sa kusina.Sinabi lang ni Kara na mahluluto siya at maghintay lang kami.

"Guys luto lang ako ng tanghalian natin."-Kara

"Sige lang"-Tristan

Habang nagl-luto si Kara,sabay ring nawala yung dalawang babae.Si Bethany lang yung natira.

Inaya naman ako ni Tristan na maglaro ng minecraft kaya pumayag naman ako dahil favorite ko rin laruin iyon.Napansin kong naglalaro rin pala ng minecraft si Bethany at Axel at magkatabi sila habang si Troy naman ay tahimik lang na nagbabasa ng libro.

Si Axel at Bethany lang yung pinakamaingay maglaro samin lalo na si Bethany,kanina pa mura ng mura parang 'di babae eh tsk.

Kami naman ni Tristan sakto lang nag-iingay lang kapag trip namin.

"Guys kain na tayo!"-Bella

"Mamaya na iyan,huwag niyo paghihintayin ang grasya nang diyos"-Kara

"Naks naman Kara gumaganon ka na"-Tristan

"Totoo naman eh"

Kanina pa pala nasa dining table si Troy 'di namin namalayan ang tahimik kasi eh tapos si Ella ngumingisi lang minsan.

Kumain na kami ng maayos.(Though maingay pa rin yung iba)
Atleast walang nag-aagawan ng ulam at kanin.

Kung may ranking lang sa ingay at sa takaw,malamang number 1 sina Axel at Bella at huli naman sina Troy at Ella.

Natapos na kaming kumain at nag-volunteer naman kami ni Kara na mag-hugas ng mga pinggan dahil wala kami kanina.Sila Troy ay Bethany naman yung nagligpit sa lamesa.

Habang naghuhugas kami ng pinggan biglang nanahimik si Kara,for sure may iniisip ito or umaatake pagiging bipolar niya.

"Bakit tahimik ka?"tanong ko

"Wala lang"sagot niya.

"Weh,ano iniisip mo?"

"Wala nga kasi eh,feel ko lang tumahimik.Ikaw naman hindi ka na nasanay"sabi niya.

"Sabi mo eh"

Nang natapos na kami maghugas ng pinggan,dumiretso lang kami sa sala at inabangan ang MLG.

Nang pinalabas na.Tahimik lang kami nanuod.Nang natapos na yung MLG,Inaya ko siya sa garden para magpahangin.

Habang nasa garden kami,nagd-dilig lang siya ng halaman habang ako,patingin-tingin lang sa paligid.

Bigla ko naman naramdaman na parang nababasa na yung shirt ko.

"Bakit mo ako binasa!?"

"Eh kanina ka pa lutang eh!"

"Ah ganun pala ha,"at binasa ko rin siya ng hose doon hanggang sa nagbasaan na rin kami.

"Wait tigil na"sabi ni Kara

"Sige,kapagod rin eh.Basang sisiw na tayo"sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.

Nahiga naman siya sa damuhan.

"Wala ka bang napansin?"tanong ni Kara

"Alin?"

"Kanina habang nagl-ligpit sina Bethany at Troy sa lamesa"-sabi niya

"Sabi na nga ba eh may iniisip ka kaya ka natahimik kanina at sila iyon"tumango naman siya.Nakigaya rin ako at nahiga sa damuhan katabi niya at magkatapat yung mukha namin pero magkalayo.

"Biglang natahimik si Bethany nung magkasama sila ni Troy"-Kara.

"Oo nga noh,pero baka nagkataon lang dahil hindi sila masyadong close"pagdadahilan ko

"Pero kahit na.Maingay siya at walang preno yung bibig niya at wala siyang pinipiling tao na kakausapin tapos bigla siyang mag-iiba pagdating kay Troy?"

"Sabagay,napansin ko rin yun.Mailap talaga siya kay Troy pero wala naman tayong magagawa dahil hindi sila nago-open up satin about doon diba?"

"Oo nga eh,for sure malalaman rin nating ang dahilan kung bakit ganun ang trato nila sa isa't isa"-Kara

"I hope so,halika na nga tayo ka na.Isipin ng iba ginagaya pa natin yung scene sa Twilight"sabi ko at Inoffer yung kamay ko sa kanya at kinuha niya naman iyon at hinatak ko siya patayo.

"Oo nga eh feeling Edward at Bella tayo"

***

1 Year Contract (Infinity 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon