Chapter E

32 3 0
                                    

Ella's POV

Di ko alam kung saan pumunta sila Kara at Matthew. Kahapon umalis din ako tapos may nakilala akong bagong friends. Pinakita ko kay Tristan yung picture namin

"So bakit nga kayo sabay umuwi?" kagabi pa tinatanong ni Bella yan.. jusme

"Nagkasabay lang kami sa gate" Matthew
"Bakit ba big deal yun sa'yo?" sabay naming tanong ni Kara

"Di naman big deal. Nagtatanong lang"
"Pakielamera mo kasi" Axel. Ayun pinalo siya ni Bella

"Manahimik naman kayo"Bethany

"Kumakain tayo pero nagtatalo kayo"Tristan

Kumain muna kami. Pagkatapos.. malamang niligpit namin yung pinagkainan tsaka kami pumunta sa sala

"Oo nga pala paano sa pasukan?"Bethany
"Edi magaaral" Axel

"Walangya.. di nga.. sa pasukan kalimutan na?? di na tayo magkakakilala?" BT

"Oo hindi na" mataray na sabi ko
"Kasi sa pasukan.Makakalaban niyo na ako" dagdag ko pa

"Sa pasukan kanya kanya na tayo"Kara

"Di pa nga tayo nag eenroll eh. Iniisip niyo na agad"Tristan
"Nga naman"Matthew at Axel

"Sa pasukan magda diet na naman ako"Bella
"So?!" mataray na sabi namin ni Kara. Kailan pa naging mataray 'to?

"Aba, Kailan ka ba naging mataray ha Kara? Kay Ella normal eh"Bella
"Eh ikaw bakit ang pakielamera mo?" Ay magkakaroon na ako ng kakampi sa katarayan

"Kumalma nga kayo" awat ni Matthew

"Tignan niyo si Bethany, behave lang"Matt
Tumingin naman kaming lahat kay Bethany. Tumingin si Bethany kay Troy na katabi niya lang. Nung nagkatinginan sila bigla din umiwas si Troy

"LQ?"Axel. Pinalo siya ni bella at nagsign na tumahimik siya

"Bahala kayo dyan" sabi ni Kara at pumunta sa garden

"Dyan na kayo" sabi naman ni Bella at umakyat
"Hays" sabi ko at pumunta sa cottage malapit sa swimming pool. Yung cottage na parang sa mga resort

"Pst! Ano kayang meron kay Kara?" tanong niya at umupo din sa cottage
"Ewan ko dun. Hayaan mo siya baka di na makapagtimpi sa ingay ni Bella" sagot ko naman
"Grabe ang bad mo kay Bella"
"Alam mo naman ako diba bad kung bad"

Pinitik niya ako sa ulo
"Aray.. ano naman ginawa ko sayo?" tanong ko sa kanya
"Kapalit ng pagiging bad mo"
"Kaibigan ba talaga kita?Ang bad mo kasi sakin eh"

"Heh bahala ka dyan magmaldita" sabi niya sakin at biglang umalis
Bumalik na ako sa bahay . Nilagpasan ko lang siya at sinamaan ng tingin at umakyat na ako sa rooftop

Pinadyak ko yung paa ko dun sa maliit na swimming pool.Yung tumatalsik yung tubig

"May baliw pala dito" may nagsalita. Pagtingin ko si Troy na pababa na
"Di ako baliw ah" sigaw ko bago siya bumaba

Bumaba nalang ako kasi nagugutom ako. Buti may pancake dun. Di ko alam saan nanggaling pero kumuha ako nga dalawa nun, maple syrup at butter. Buti prepared yung ref at meron ng mga kailangan

"Penge naman" sabi ni Tristan
"Heh bahala kang magutom diyan" sabi ko at umakyat ulit sa rooftop at kumain sa table dun
Gumanti ako sa sinabi niya kanina.BWAHAHAHAHA. Pero makakakain parin pala siya kasi maraming pancakes dun. Hays

"Baliw" siya naman yung nagbabad dun sa mini pool
"Di nga kasi ako baliw" sabi ko sa kanya
Umupo siya sa tapat ko

"Bakit parang di kayo ok ni Bethany? Gusto mo ba siya?" tanong ko bigla sa kanya
Parang nagulat naman siya dun sa tanong ko kaya binawi ko nalang

Bigla niyang kinuha yung tinidor tapos humiwa nung pancake at sinubo yun

"Matakaw ka pala hahaha"asar ko sa kanya
Umalis tuloy. "Takaw" asar ko bago siya makababa

Bumaba ako pagkatapos kong kumain

Pagkababa ko nanonood sila Matthew at Kara ng
Ano nga ulit ulit?? ML? MLG?
Ayun! MLG

Hinayaan ko sila dun at hinugasan ko na yung pinagkainan ko

"Ehem. Hi?"

"Oh bakit?" Tanong ko at pumunta sa ref para uminom ng tubig

"Gusto ko talaga na maging close na ang lahat at maging isa na tayo" sabi niya

"Oh anong gagawin ko?" Mataray na tanong ko sa kanya

"Sana tumulong ka ayusin yung friendship nating 8"

"Friendship? Wag na tsaka di tayo friends. Ikaw ang umayos niyang suggestion mo, tutal ikaw ang nag isip" sabi ko at pinatong na yung baso

Kaso kung tanga nga naman. Dumulas ayun nabasag

"Tulungan na kita"
"Pwede ba di kita kailangan. Ako nakabasag so ako magaayos wag ka ngang pabida" sabi ko at winalis na yung bubog

"May problema ba?" Axel

"Wala" sabi ko at umalis na. Pumunta ako sa sala

"Anong ingay na naman yun?" Matthew

"Ingay ng bunganga mo"sabi ko sa kanya

**
"Kain na tayo" Axel
Umupo na kami sa mga pwesto namin

Pansin ko, iba ang kilos ni Kara
Ngayon ang konti niyang kumain. Onti naman talaga kumain yan pero ngayon parang ayaw niyang kumain. Ewan ko pero ayoko rin kumain knowing na si Bella ang nagluto

Binaba ni Kara yung kutsara't tinidor niya
"Ayokong kumain wala akong gana" sabi niya at tumayo

"Ayoko nung pagkain pangit ng lasa" bulong niya at umalis na

Ay buti pansin niya din. Dati okay naman yung pagkain, pwedeng pagtiyagaan pero ngayon? Feeling ko pag inubos ko yung pagkain masusuka ako

OA ba? I don't care yan ang opinyon ko

Tumayo ako at pumunta sa kusina
Kinuha ko yung sprite dun at pumunta sa sala

Nagphone lang ako habang sila nililigpit yung mga pinagkainan

May nagchat sakin?
Ah si Jay

"May online pa ba dito? Mga busy kayo" chat niya.. sa gc pala namin

"Here" reply ko. May nagreply din pala. "Online ako" edi nagreply ulit ako
"Bro"

"Baliw talaga" may nagsalita sa tabi ko
"Tse hindi nga kasi" sagot ko naman
"Hindi daw pero ngumingiti mag isa"

"Close pala kayo" sabi ni Kara at umupo narin

"Mga tahimik muna" Troy
"Masungit.. siguro?" Kara

"Masungit squad" sabi ko

"Pwede pwede" Kara
"Bedtime na" sigaw ni Axel
"Oy guys tulog na" sabi samin ni Matthew

"Epal naman" sabi naming tatlo at nag ayos na

"Hays anong oras palang naman. Antukin naman eh. Weak" sabi ko nalang at umupo dun sa kama ko habang sila tulog na

"Sus 12:00 palang tulog na kayo"
Nagbasa nalang ako ng wattpad sa phone ko

"Hays dumadamoves si koya"bulong ko. Nadala nung storya
"Ay shet holding hands while walking"

Nagbasa lang ako ng nagbasa kaso biglang namatay yung phone ko
"Di naman yun lowbat ah"

Tumingin ako sa orasan sa side table ko
"Hays 1:00 na pala. Kaya naman pala namatay yung phone eh" Sineset ko kasi yung phone na tuwing 1:00 power off na

"Di pa tapos yung story eh. Nakakakilig si Xander"

****

1 Year Contract (Infinity 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon