Chapter BT

33 4 5
                                    

Bethany's POV

Grabe ang bilis ng panahon. Akalain niyo 1 month na ang nakalipas simula nung lumipat kami dito sa bahay

At ngayon nasa uni ako para mag enroll. Napagusap usapan namin sa bahay na this week kami mageenroll lahat pero di sabay sabay

"Aray ko naman" angal ko dahil naglalakad lang ako sa hallway tapos bigla akong may makakabangga leche

"Sorry" maarteng sabi niya. Nung tumingin ako sa kanya nakita kong kasama niya si Ella. So ito pala yung tropa niya ano nga ulit yun? means?

"Nara, be careful" sabi nung nasa harapan niya siguro leader nila

"Girls, let's go titignan pa natin ang sections natin" Ella. Umalis na sila pero tinignan ko sila nung naglalakad sila. Are they really mean? Like their group name?

"Uy harang ka sa daan" sumulpot bigla si Tristan
"Oh bat ka nandito?"
"School natin to diba? Dito ako nagaaral so may karapatan naman akong pumunta dito diba?"

"Tanga ang ibig sabihin ko ay bakit ngayon ka nag enroll?"
"Sabay kami ni Ella" aaah kaya pala nandito din siya

Nagbayad muna ako ng tuition ko at saka ako pumunta sa billboard ng uni para tignan ang section ko. Nung pumunta ako dun nandun din yung tropa ni Ella

"Bakit ganun?" Angal nung isa
"Di ko rin alam Alex" yung leader
"Paano nangyari yun? It's unbelieveable" yung maarteng nabangga ko
"Paanong nahiwalay saatin si Ella?" Tanong naman nung isa pa
"Hindi ko rin alam Sammie" Ella

Dumating si Tristan pero bago siya pumunta kila Ella tinap niya muna yung balikat ko

"Anong section niyo?" sabi ni Tristan habang nagtatype. Yes nagtatype.. Yung billboard kasi ng school is touchscreen tapos dun lumalabas lahat ng announcements at iba pa. Katulad ngayon na enrollment, dun mo itatype yung full name mo tapos lalabas dun sa screen yung info mo (katulad siya nung touchscreen sa after school club)

"Aquarius ako" sabi ni Tristan
"You're same sections" leader
"Scorpio kaming apat"

Nung umalis na sila tsaka ako lumapit sa screen at tinype ko na yung pangalan ko.. OMFG. Same section as Tristan and Ella

***
Nasa bahay kaming anim. Wala si Matthew at Kara dahil nag enroll sila pareho

Nung mga nakakaraang araw ang laki ng improvement naming walo kasi si Troy nakikipag usap na siya, si Ella medyo nabawasan ang pagsusungit,at ako mas gumanda pa (joke lang) , si Bella at Axel medyo nabawasan ang pagiging aso at pusa

"Nakapag enroll naman na tayo diba?" Axel
"Si Matthew at Kara nalang kulang" Ella

Napagdesisyunan namin na sabay sabay namin sasabihin yung sections namin sa isa't isa para fair

"Ayan na sila" Tristan
"Ready na guys?" Bella

Nagbilang kami ng 1,2,3

"Aquarius" medyo magulo yung pagkakadinig ko kasi nagsabay sabay kami pero may nahuli at may nauna tas may mabagal at mabilis

"Takteng yan ang gulo naman ang sakit tuloy sa tenga" daing ko. Alam kong alam nila yung tinutukoy ko

"Tama ba ang dinig ko?" Bella
"Oo tama nga" medyo disappointed na sabi ni Ella

Pagkatapos naming magsabihan nag kanya kanya na kaming gawain
"Guys alis lang kami ah" sigaw ni Tristan samin habang hinihila si Ella palabas

"Sige/Ingat" Axel at Matthew

"Oy saan punta mo?" Tanong ko kay Troy nung nandun siya sa pinto at palabas na

"Maglalayas ako" sabi niya. Takteng to
"Sige umalis ka at wag ka na bumalik" sigaw ko pero tinignan ko siya hanggang sa lumabas siya. Bat nagbike lang yun

Teka lang parang may mali?? Bakit ang tahimik ng bahay? Ibon nalang naririnig ko

Pagtingin ko sa mga kasama ko nakatingin sila saakin. Kaya pala nanahimik sila. Pero bakit?

"Ehem" dinig kong pag ubo ni Kara. Problema nitong mga to? Lumapit ako sa kanila pero nung nakalapit na ako nagkanya kanya sila ng ginagawa mga baliw talaga

"Hoy para kayong mga tanga. Ano bang problema niyo sakin?"

"Parang may something sainyo ni Troy eh" sabi ni Bella
"Oo parang may fee--" hindi natuloy yung sasabihin ni Kara dahil tumunog yung phone niya

"Oh Ella bakit?" Ang close ni Kara at Ella lately. Kahapon nga lumabas silang dalawa eh. Sila yung naggrocery

"Ano daw gusto niyong pasalubong?" Wow pasalubong saan ba sila nagpunta at nagtatanong ng pasalubong

"Pwede bang street foods sakin?" Bella
"Sila bahala"Axel at Matthew
"Kahit ano" Ako
"Bahala daw kayo pero street foods daw kay Bella"
"Ella ikaw nalang mamili nung akin" pahabol ni Kara

Nagkanya kanya na kami ng ginagawa. Pero umakyat ako sa dance room. Inaaral ko yung sayaw ng WJSN na Secret

Inaaral ko yun kaya hindi ko napansin na hapon na pala. Nalaman ko lang nung tinawag ako ni Troy. Aba nakauwi na pala siya

Pababa na ako pero hinila niya ako pabalik. May inabot siyang paperbag tapos bigla nalang siyang pumunta sa kwarto nila

Tinignan ko kung ano yung binigay niya at bigla nalang akong napangiti. Kilala niya talaga ako. Nilagay ko muna yung paperbag sa closet at tsaka ako bumaba

Nag uwi sila Tristan at Ella ng streetfoods. Yun nalang daw kasi yun yung sinabi ni Bella. Hiwalay yung saamin at sa kanila ni Kara

Saamin ay fishball, kikiam, kwekkwek, isaw, lumpiang toge, fried siomai, squid ball. Yung sakanila ay barbeque, potato twist at meron pa silang milktea. Pero bumili sila ng dalawang box ng pizza para daw midnight snack namin

"Hindi na ba tayo mag hahapunan?" Axel

"Ang dami ng pagkain oh gusto niyo pa bang maghapunan?" tanong ni Kara

"Magsisinangag nalang ako para kung sino yung magutom mamaya tsaka gusto ko ring kumain" sabi ni Ella at pumunta na sa kusina

Woah nagluluto pala siya akala namin nagbebake lang

Pagkatapos niyang magluto ay kumain na rin siya agad. Hindi manlang siya nabusog sa binili nila? Sabagay onti lang naman yung binili niya para sa sarili niya

"Oy hinay hinay ka naman kumain para kang isang taon na hindi nakakain ah" sigaw ni Tristan sa kanya

Tinaas niya yung kamay niya at nagpeace sign nalang kay Tristan. Napagisipan ni Troy na buksan yung tv. Saktong pagbukas ay yung panoritong palabas nila Kara at Matthew

"Nakalimutang kong panoorin yan" excited na lumapit si Kara sa tv at umupo nalang sa sofa

"Hindi natin nasimulan. Bat banatin nakalimutan to?" Sabi naman ni Matthew

Jusko parang ngayon lang naman nila hindi na panood yun. Para silang dismayadong dismayado

***

1 Year Contract (Infinity 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon