Chapter A

25 2 0
                                    

Axel's pov

Nung nagising ako, nagulat ako kasi wala na yung mga kasama ko dito eh saan kaya sila nagsipuntahan? Nung bumaba ako ang nakita ko lang dun ay si Tristan lang pero nasaan yung iba?

Nung pumunta ako sa pool, nakita ko si Bella at Kara na
nagsiswimming tapos si Matthew naman, ayun nag iihaw tapos yung dalawa naming kasama, nag cecellphone lang hays lagi naman eh

Kaya ngayong nakita ko na sila baka matulog na lang ulit ako kaya lang... parang ang saya nila eh kahit na si Ella ang sungit sungit pa rin nang muka eh halata namang ok siya kay Tristan samantalang yung tatlo, ayun kulang na lang mag party pa ang dami kasi nang iniihaw ni Matthew eh so ayos na pala si Bella at Kara pero siguro si Kara lang yung ok pa lang kay Matthew

Kaya di na lang ako matutulog ang ginawa ko na lang, naligo, nagbihis tapos nakikain kina Matthew nakakatakam kasi yung mga iniihaw niya eh

Pano ba naman ako di matatakam eh sandamak mak yung barbeque, isaw atsaka yung bangus tapos siguro umorder din sila nang liempo hays daig pa nila ang may birthday pero alam kong si Bella at Kara lang naman ang close eh tapos Kara and Matthew pero Bella and Matthew? Hindi pa halata naman eh kasi di siya gaanong tumatawa pag kay Matthew pero pag kay Kara, parang kakabagin na

Nung nakalapit na ko sakanila, nakikain na ko

"Uy Matthew, pahingi lang ako nang mga inihaw mo ah" - ako

"Sige lang basta wag na wa mong sosolohin kundi humanda ka sakin" - Matthew

"Sir yes sir! " - pabiro kong sabi naman sakanya

"Nung nagtagal siguro nagutom na rin sila Ella, kaya kumuha na rin sila pero yung muka ni Ella? Hahaha yun wala pa ring pinagbago kahit na halata namang nasarapan din siya sa mga inihaw ni Matthew tapos sila Tristan at Matthew naman sarap na sarap din naguunahan pa matapos at kumuha hays mga isip bata -_- tapos yung dalawa naman, ayun kahit kumakain, nakaharap parin sa phone nila hay nako nilamon na ata nang mga phone nila yung buong katawan at utak nila eh and si Bella? Ayun, gutom na gutom parang di kumain nang ilang linggo atsaka parang di model kung kumain alam niyo, kung di ko lang alam na model yang si Bella hay nako baka napagkamalan ko nang driver sa sobrang lakas kumain pero pag nasa harap naman siguro siya nang ibang tao I'm sure na may poise na siya pagdating sa pagkain o siguro dapat kong sabihin ay sa pagkilos para kasi siyang bata minsan kung umasta eh pero gusto ko pa rin siya kaibiganin

Pagkatapos naming magsikain, balik ulit kaming lahat sa kanya kanyang mundo sila Ella at Tristan, bumaba na pala si ella? Perobalik ulit sa loob yung dalawa, walang pinagbagi kasi kahit nga nung kumain kami diba? Phone ang kaharap tapos sila Bella, Kara, at Matthew naman, ayun balik sa kanina pero ngayon nagsiswimming na din si Matthew eh wala naman na akong magawa kaya nakisali na ko sakanila kahit na kanya kanya kami dito atsaka malamig pala yung tubig dito eh kaya pala gustong gusto nila kaya lang napagod na ko eh kaya nag ayos na ulit ako tapos nagpalit ulit nang damit tapos lumabas ako para magpahanign na muna atsaka para mas peaceful kasi pag dito sa bahay namin ang gulo lang eh ang iingay kasi nila Kara at Bella nagsiswimming na nga eh nag-iingay pa kaya lumabas na ko

Ang dami ngang batang naglalaro ngayon eh syempre 1 month na lang matatapos na bakasyon namin syempre pati na rin yung mga bata kaya nilulubos na nila at siguro ganun din ang ginagawa nila Bella at Kara lalong lalo na si Bella kasi kahit bakasyon may trabaho pa rin siya kasi nga model siya kaya talagang nilalasap niya yung oras niya ngayon para mag relax kaya ako? Hay, magrerelax din ako in my own way

Pagdating ko sa park, kung ano-anong pagkain ang nakita ko kaya talagang takam na takam na ko kaya kumain na lang ako nang mga pagkain dun

May fishball, kikiam, squidball, kwek-kwek, banana que, turon, at sorbetes at...kumain ako nang lahat nang yan. Ganyan ako mag relax eh eh anong magagawa ko?

Pagkatapos nun, nsg ikot ikot na lang ako para medyo matunaw lahat nang kinain ko para pagbalik, makakakain ulit ako pero para na yun sa hapunan pero grabe pala ako ngayon ah puro kain na yata ang ginawa ko

Nung medyo natunaw na yung mga kinain ko, napagdesisyunan ko nang bumalik sa bahay namin.

Pagkabalik ko, nakapag ayos na sila I mean nakabihis na sila Bella, Kara, at Matthew kasi nga diba, nag swimming nga sila tapos si Tristan at Ella naman, ganun pa rin pero kasama na nila si Troy tapos si Bethany siguro nasa taas lagi naman eh tapos nagtanong na si Kara kung gusto na daw ba namin mag meryenda eh kaya lang kakatapos ko lang eh kaya tumanggi na ko

"Guys anong gusto niyong meryenda? " - Kara

"Uuhhmm...ano bang meron dyan?" - Bella

"Pancit Canton atsaka noodles" - Kara

"Hhmm...pancit canton na lang sakin pero paghaluin mo na lang yung spicy at original sakin" - Bella

"Ok ikaw Matthew, ano sayo? " - Kara

"Ganon na lang din Kara" - Matthew

"Eh ikaw Tristan? " - Kara

"Ganun na lang din para di na ihiwalay pag nagluto ka" - Tristan

"Ok ikaw, Ella, ano sayo? " - Kara

"Ikaw bahala" - medyo mataray na sagot ni Ella

"Sige eh Axel? Ganun din ba sayo?" - Kara

"Hindi na ko kakain, kakatapos ko lang kanina nung lumabas ako eh" - ako

"Sige pano kaya sila Bethany?" - Kara

"Ganun na lang din ang iano mo sakanila Kara - Bella

"Ok sige tirhan na lang natin sila" Kara

Tapos nagluto na nga siya tapos si Bella naman, nagtimpla na siya ng drinks tapos si Matthew na ang nag ayos nang table para kakain na lang daw pagkatapos ni Kara magluto

Nung kumakain sila, si Kara at Bella lang ang nag iingay tapos Kara at Matthew naman kasi si Tristan at Ella, may sariling mundo yung kila Kara naman, ganito kasi yun, kapag nag iingay si Kara,sumasama si Bella pero kapag sumasali na si Matthew, natatahimik na si Bella eh mukang wala naman akong magagawa dito kaya umakyat na lang ako at naglaro bababa na lang ako mamaya para sa hapunan

1 Year Contract (Infinity 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon