Chapter K

27 4 0
                                    

Kara's POV

Maaga akong nagising kahit mas naunang natulog si Bella sa amin.Ginawa ko lang ang morning rituals ko at bumaba na sa kusina para magluto ng almusal.Nauna na akong kumain ng almusal.Cornflakes w/milk lang ang kinain ko at hot chocolate dahil hindi ako sanay kumakain ng heavy meal kapag umaga.Bumabawi ako sa lunch at dinner.Yung para sa kanila lang yung niluto ko at dinamihan ko na rin para di mag-agawan at mabitin yung iba.

After kong mag-almusal,dumiretso ako sa garden para magdilig dahil summer pa naman at baka matuyo at malanta yung mga halaman.Nang natapos na ako magdilig,umupo muna ako saglit sa bench para magpanhinga dahil marami akong diniligan.

Tumayo na ako at pumasok na sa bahay at nakita ko na sila doon na nag-aalmusal at buti na lang dinamihan ko dahil ang daming kinakain nina Axel at Bella.Tsk.Glutton.

Nag-paalam muna ako saglit na aalis ako.Nagbihis lang ako ng casual na damit at nag-drive gamit ang kotse ko dahil gusto ko lang mag-joyride.Nagpunta ako sa mall at pumunta sa bowling center at nag-bowling doon.After nun,tumingin-tingin lang ako saglit sa mga shops at nag-drive na pauwi.

Pagkarating ko sa bahay nandun yung mga boys at nagv-video game,yung girls naman,nagbabasa ng books at magazines sa sala.Pagpunta ko sa kusina,nakita kong nagluluto si Ella nagprisinta lang ako na tumulong sa kanya at pumayag naman siya.I didn't know na may ganito palang skill si Ella pero masaya ako atleast kahit wala ako minsan sa bahay,di ako mag-aalalang umuwi ng maaga dahil nandito si Ella.

Hinanda ko na lang yung mga pinggan,baso at kubyertos at nung natapos na kaming magluto,inaya na namin yung iba para kumain.

Nung natapos na kumain,sina Bethany,Troy at Axel yung pinag-linis namin ng lamesa habang sina Bella,Tristan at Matthew naman yung nag-hugas ng pinggan.

Habang kami naman ni Ella ay nasa sala habang nagbabasa ng libro.

****

Binuksan ko yung TV at kakaumpisa pa lang ng My Lovely Girl kaya agad kong tinawag si Matthew at dali-dali siyang pumunta dito sa sala para manood dahil gusto niya yung bida na si Krystal at gusto ko naman si Myungsoo kahit hindi siya yung bida.

Nung natapos na yung MLG,pumunta muna ako sa rooftop at binabad ang mga paa ko sa pool doon.Si Matthew naman ay nagpahinga muna sa kwarto nila.

Nung pagabi na,nagpunta na ako sa kusina para magluto ng hapunan bigla naman lumapit si Bethany at nagprisintang siya na lang yung maghahanda sa lamesa kaya pumayag na rin ako.

Kumain na kami matapos ko magluto.Napansin ko na ang pinakatahimik sa amin ay sina Troy at Ella.Bihira lang sila magsalita kung kailangan.Ang mga maiingay naman ay sina Bethany,Bella, at Axel.Sakto lang sina Matthew,Tristan at ako.

"Buti marami kang niluto."-Matthew

"Lagi naman eh saka kung ganyan kumain mga kasama mo,mas pipiliin kong damihan ang niluluto ko kaysa agawan nila ako."sabi ko kay Matt dahil halos ubusan na kami nang pagkain nina Bella at Axel akala ko malakas na ako kumain pero may mas malala pa sa akin.

"Bakit ba ang patay gutom niyonh dalawa?eh nakakain naman kayo ng almusal at tanghalian pero kung makalamon kayo,wagas"sabi ni Bethany.Isa pa ito eh laging umaandar yung bibig kung hindi ako yung mags-suway sa kanila,si Bethany ang pumapalit sa akin

"Paki mo ba ha,eh sa gutom kami eh wala kang magagawa"sabi ni Bella habang nagtataray.

"Tsk,glutton as always"sabi ni Tristan

"Nga pala Kara,pang ilang tao ba yung niluto mo?"tanong ni Bethany

"Pang 10-12 persons kaso sa case natin dapat pang 15-20 persons pala niluluto ko dahil sa kanila palang bitin na."sabi ko na napaangiwi dahil sunod-sunod ang subo nina Bella at Axel.

"Buti na lang konti lang kumain sina Troy at Ella kaya 'di sila problema"-Matthew

"Next time mas damihan mo luto mo saka alam kong malakas ka rin kumain.Naga-adjust ka lang dahil sa kanila."Matt

"Hay don't mind me,next time dadamihan ko luto ko"

"Hoy wala bang dessert diyan?"-Axel

"Ay ang kapal naghanap ka pa nang dessert"-Bella

"Parang ikaw hindi ah for sure naman makikinabang ka rin."-Axel sabay belat kay Bella

"Magb-bake na lang ako ng cake"sabi ko at tumayo papuntang kusina.Sumunod naman sa akin si Matthew for sure tutulong ito.Sumunod rin si Ella.Akala ko may tatanong lang siya kaya tinanong ko siya kung bakit.

"Tutulong ako"tipid na sabi ni Ella.

"Sige"pagpayag ko

Habang nagm-mix ako nang dough,si Ella naman yung nagm-mix nang chocolate na pang flavor sa cake habang nakabantay lang si Matt dahil siya yung magpapasok nung cake sa oven.

"Bakit mo naisipang tumulong?"I asked Ella kasi sa itsura at persinality niya,di mo iisipin na may ganito pala siyang side na matulungin.

"Wala lang.Masyadong maingay doon sa dining table.I can't stand them anymore.I know that kahit yung Troy na yun naiinis na rin pero di niya lang pinapakita."So she talked this long,I could say that this is an improvement

"Ah ganun pala"

Nung natapos na namin yung ginagawa namin,pinasok na ni Matt yung mixture sa oven at hinintay naming tumunog yung timer.

Maririnig dito sa kusina yung sigawan at tawanan ng mga kasama namin sa may dining area.Siguro nag-kakatuwaan sila or naga-away.Nung nabake na yung cake,nilinis muna namin yung working area saka nilabas dun sa dining area yung cake.

"Wow,cake ang sarap"sabi ni Axel na nanlalaki yung mata

"Tange,di mo pa nga natitikman tapos masarap agad?"sabi ni Bella at for sure magt-talo na naman iyan.

"Chocolate cake pala iyang binake niyo.Thanks."-Tristan

Nagsikuwaan na sila at kumain na rin kami.This time bumawi ako sa cake dahil gawa naman namin ito,kumuha agad kami ni Matt ng dalawang slice ng cake habang si Ella naman ay isang malaking slice.

"Hoy ang dami niyong kinuha"puna ni Bella

"Bakit?kami naman may gawa nito eh"sabi ni Ella na nakataas ang kilay.

"Kahit na kami isang slice pa lang tapos kayo dalawa agad"-Axel.Inulit niya lang sinabi ni Bella.Tsk.

"Ang dami niyo laging kinakain kaya mahiya namn kayo.Kayo na nga lang kumakain nagi-inarte pa kayo imbes na magpasalamat na lang"litanya ko.Minsan kasi nakakainis na rin iyang dalawang iyan eh akala mo sila nag-effort eh hindi naman

"Burn!Take that.Kasi naman ang demanding niyo imbes na I-appreciate niyo yung effort nilang tatlo."-Bethany

Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ko at ni Bethany.Dali-dali kong inubos yung cake ko at umakyat na sa kwarto ko para matulog dahil nakakasama ng loob.

****

1 Year Contract (Infinity 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon