Arcangel Uriel
---
Nananatili akong nakatitig sa maamo niyang mukha. Gawain ko na ito sa loob ng labing walong taong pagbabantay ko sa kanya bilang anghel dela guardiya. At siya ang babaeng nagpatibok sa puso kong bawal magmahal. Nilabag ko ang pinakabawal saming mga anghel. 'Never fall in love with a human.'
"Uriel." Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Kasabay noon ay ang paghawak nito sa balikat ko.
"Eros." Tawag ko sa aking kapatid nang lingunin ko siya.
"Binalaan na kita tungkol dito, noon pa man ay sinabi ko na sa iyong hindi kayo maaaring magsama. Hanggang kailan ka ba magmamahal sa isang mortal? Hanggang kailan ka susuway kay Ama."
"Hanggang sa payagan na niya ako." Ibinalik ko ang aking tingin sa aking minamahal.
Oo, alam ko naman yon. Isa akong anghel, trabaho ko ang paglingkuran ang Diyos, bawal ang umibig, bawal ang ialay ang pag-ibig na dapat ay sa sanlibutan, hindi maaaring sumuway. Kaya ang mahulog sa kanya ay isa sa kasalanang ang kapalit ay mabigat na kaparusahan.
Pero hindi ko naiwasang mahulog. Simula pagkabata ay ako na ang gumabay sa kanya. Inililigtas siya sa mga sakunang kaya kong gawan ng paraan. Sinusubaybayan at inaalalayan. I know everything about her. I know who she is and how she thinks. At lahat ng iyon ay naging dahilan kung bakit ako nahulog.
Hindi ko naman kasi sinasadya. Ang akala ko ay simpleng kyuryusidad lamang ito at mawawala rin pagdaan ng panahon but I was wrong.
Nabibilang ako sa mga arc anghel. Grupo ng mga anghel na lubos na pinagkakatiwalaan ng Diyos Ama ngunit ngayon marahil ay hindi na. Sinuway ko siya kaya dapat lamang akong maparusahan.
"Wala na ba talagang ibang paraan Eros? Isa kang anghel ng pag-ibig at hindi lingid sa kaalaman kong mayroon kang alam para makatulong sa akin." Aaamin ko, desperado akong malaman ang lahat ng maaaring paraan upang makasama ko ang mahal ko. Sino ba naman ang hindi? Ang Pag-ibig, upang makamit ang katumbas nitong kasiyahan, kailangan mong gawin ang lahat makamit lamang ito.
Handa akong isakripisyo ang mga pakpak ko. Ang aking buhay na walang hanggan para lamang sa pag-ibig. At kung tatanungin niyo ako if she deserve all the risk? I will answer, yes. She deserve it. She's worth the risk.
"Uriel, alam mong hindi maaari iyang iyong nais. Pwede kang mabuhay at mag-anyong tao ngunit sa katawan ng isang sanggol. Magiging malaki ang agwat ng inyong gulang. Sa mga mata ng Mortal hindi kayo maaari. Kapatid, ang mga mortal ay mapanghusga. Mabuti pang ihinto mo na ang iyong pagsinta para sa kanya." Pero paano? How can I stop Loving her if I know there's still a way to be with her? Alam kong may alam si Eros. Alam ko.
I am hopeful. Handa akong sumugal para sa kanya. Naway bigyan Niyo po ako ng basbas. Oh, Diyos, kahit ngayon lang, maaari ko rin bang maranasan kung paano ang makaramdam ng totoong pagmamahal?
Narinig ko ang buntong-hininga ni Eros. Ramdam kong nauubos na ang kanyang pasensya sa akin pero alam niya ring hindi ako titigil makuha ko lamang ang gusto ko.
"Uriel." Lumingon ako sa kanya ng matunugan ko ang kaseryosohan sa kanyang tinig. "May paraan pa."
Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng marinig ko iyon.
"Ano iyon Eros? Sabihin mo sakin."
"Maaari kang makipagpalit ng pwesto sa isang kaluluwang pupunta na sa ating paraido. Kailangan mong humanap ng mortal na nasa pagitan ng buhay at kamatayan. Sa oras na humiwalay ang kaluluwa ng mortal sa kanyang katawan. Maaari mong palitan ang pwesto niya at mabuhay sa katawan ng nito. Ngunit pinapaalalahanan kita aking kapatid. Sa oras na pumalit ka na dun at maging isang ganap na mortal, isa lang ang tanging paraan para makabalik ka." Huminga ito ng malalim bago magpatuloy. "You need to die." Katulad ng isang tao, mabubuhay ako, makakasama ko siya at mararanasang magmahal ngunit kapalit nito ay kamatayan. Pero wala akong pakialam.
Isang pasasalamat ang sinambit ko kay Eros bago lumapit sa aking mahal. Napangiti ako. Hinawakan ko ang kanyang pisngi ngunit tumagos lang ang aking kamay but I couldn't care less.
"Wala na akong pakialam kung isusuko ko ang aking mga pakpak para lamang makapiling ka. Makasama lamang kita para na akong nagkaroon ng buhay na walang hanggan."
--
Eros- God of Love in Greek Mythology. Same with Cupids
Uriel-One of the four archangels named in Hebrew traditions.
Ang kwentong ito ay nabuo gamit ang kathang isip lamang. Kung ano mang pangyayari na taliwas sa totoong nangyari sa mga karakter ng istorya ay bunga lamang ng malikhang pag-iisip ng manunulat. Ito ay isang kwentong puno ng Fiction. Isang istoryang nabuo lamang dahil sa imahinasyon.
This is a Fantasy-Romance story. Hope you support this guys. Thank You!
-settepantaleon
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyRevising... Angel. One girl. An everlasting love. A story of an Angel who's willing to give up his ETERNAL life just to be with the girl he loves. former 'My Guardian Angel'