Danger 1

1K 19 1
                                    

WattysPH

Para sa best friend kong first reader at unang nagvote sa Dangerous Woman na si Evalouisse :) ention a user


Unknown

Nakakulong ako sa cabinet. Takot na takot akong lumabas. Ayaw ko ng makita yung monster na yun. Tahimik akong umiiyak.

"Oh? Darling come out. Come out where ever you are." Nakakatakot yung boses niya. Parang gusto niya talaga na makita ako.

Natigil na yung pagkaiyak ko. Kaso nanginginig ako sa takot. Mommy? Daddy? San na po kayo? Natatakot na po ako dito.

Nararamdaman ko na parang papalapit na siya sa cabinet kung saan ako nagtatago. Kaso parang nagtigilan siya. Sumilip ako.

Nakita ko siya.....

Nakakatakot yung mukha niya.

"Please wag mong saktan yung anak namin. Please lang." Narinig ko yung boses ni mamu. Nakahiga silang dalawa sa sahig.

May dugo sa tiyan saka sa hita. Naaawa ako sa kanila. Parang gusto kong lumabas at patayin yung taong gusto pumatay sa akin saka sa mga magulang ko

"Asan siya? Nasa cabinet ba siya? Gusto ko siyang makita." Natakot ako. Parang alam niya kung saan ako nagtatago.

"Please wag. Please." Sabi ni mamu.

*BANG BANG*

Yun yung huling salita ni mamu dahil binaril siya ng lalaking hindi ko kilala. Naiyak ako dahil parang nawala sa akin yung lahat.

Napayakap nalang ako sa sarili ko. Natatakot ako. Sumilip ulit ako. Lumabas siya na hinihila niya sila mamu. Naiiyak ako lalo.

Lumabas ako sa cabinet saka tinignan yung lalaking pumatay sa mga magulang ko. Pinapasok niya yung mga katawan ng magulang ko sa koste. Sa likod ng koste.

Tinignan ko yung mga katulong namin na puro duguan. Hindi ko na sila nilapitan.

"Ugh!" May narinig ako. Agad kong hinanap ang boses na yun. Nakita ko yung maid namin. Nakaupo sa may taguan ko. Nilapitan ko siya at nakita ko duguan din siya.

Tumayo ako para kuhain yung first aid kit. Kaso nakita ko na naman yung nakakatakot at yung pumatay sa magulang ko. Agad siyang lumapit sa akin at hinala ako.

"Ano ba?! Masakit!!" Sigaw ko sa kanya kaso mas malakas siya kesa sa akin. Maliit pa ako. Dinala niya ako sa bakuran namin.

Hinawakan niya ako ng mahigpit. At lumuhod sa harapan ko.

"Alam mo ba kung bakit pinatay ko yung mga magulang mo?" Tanong niya sa akin. Grabe nakakatakot talaga yung mukha niya!! Parang siya yung monster sa mga pinapanoorin ko sa TV.

"Dahil yung nanay mong malandi. Mas pinili niya pa mapangasawa sa tatay mong mas mayaman sa akin. Dahil sinira ng tatay mo ang magandang relasyon namin ng nanay mo. Kaya ikaw sana ang papatayin ko. Kaso naaawa ako sa maliit na version ng nanay mo." Ngumiti siya sa akin. Nakakatakot parin kahit ngumiti siya sa akin. Parang gusto niya rin akong patayin.

Hinawi niya yung buhok ko. Yung kamay niya may dugo ng magulang ko. Agad naman akong kinalibutan. Takot na takot talaga ako.

"Hindi ako magsosorry sayo o sa mga magulang mong patay na. Kasi sila din yung may kasalanan kung bakit nagkaanak ako sa iba." Sabi niya saka tumayo at iniwan akong nakatayo. Agad akong tumakbo sa isang katulong namin at dinalhan siya ng gamot para sa sugat niya.

________________________________________________________

Unknown

Nagaayos ako ng mga gamit ko. Tinignan ko yung pinto. Nandyan na si Daddy! Tumakbo ako papalapit sa kanya. Niyakap ko siya. He hugs me back. Lumuhod siya sa harapan ko.

"Daddy where's my pasalubong?" Tanong ko sakanya. Nilabas niya yung pasalubong niya sa akin.

"Yehey!" Cake! I want cake! Chocolate cake! Yehey!

"Oh? Nandyan ka na pala! Kanina ka pa inaantay yan!" Sabi ni mommy kay daddy. They love each other right?

"Lika na, kainin na natin yung cake mo." Masiglang saad ni daddy. My daddy is so sweet. Sobrang bait niya. He never treat us like a animal. Never..

"Oh? Dahan-dahan lang baby ko. Baka mabolunan ka." Saad ni mommy sa akin. Wala akong pake kung may chocolate ba sa mukha ko. Basta bigay lang ni daddy okay na. He never let me down.

"Daddy! Kailan tayo pupunta sa resort?" Tanong ko sa kanya. Masaya ako dahil completo kami.

"Sa sabado anak." Sabi niya. Napangiti ako. Mayaman ang pamilya ko. Mayaman ang daddy ko. Kaya na spoiled ako sa kanya. He buys what I want. Masayang masaya ako dahil may chocolate cake ako saka pupunta kami sa resort.

10 palang ako. Manang-mana na ako sa daddy ko. Hehe.

Dangerous Woman
M_Neko-chan_'s
Copyright (c) 2016

Dangerous Woman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon