Danger 34

75 4 0
                                    


Felix

Nagising ako ng nahulog ako sa maliit na sofa ng ospital. Why did this fuck'n sofa let me fall?!

Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo. Naligo ako. Pagkalabas ko ay nakita ko parin si Dominique na nakahiga at nakapikit.

Pinunasan ko ang aking buhok gamit ng tuwalya. Napatingin ako sa bintana. It's still sun rise. Medyo malamig dahil nakaair con.

Ako narin mismo ang naggamot ng akin sugat. Ba't kasi masyadong mabagal ang ginawa ko kahapon. Yan tuloy nadamay si Dominique. Nagpaorder ako ng breakfast.

Tinawagan ko muna sila Hunter at Rage.

"Hello, Hunter. Kasama mo ba si Rage? Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko eh."

["Ah, oo kasama ko siya eh. Um... Kasama niya si tito Tom. Inaasikaso nila ang case. Bakit ka nga pala napatawag?"] Sabi niya.

"Ah, wala lang. I'm just checking. Pupunta ka ba dito?"
["Maybe. Sasama ko narin si Rage. Para wala ka na masabi."] Sabi niya.

"Well, that's fine with me. Saka may tanong ako sayo."

["Ano na naman?"]

"Mahal mo pa ba si Jackie? Kasi nakita ko siya kahapon sa koste mo eh. Ba't mo nga pala siya kasama?"

Totoo naman eh. She's with Hunter yesterday. Nakita ko siya sa koste ni Hunter. Maybe they're back together.

["Ano na naman ang mga biro mo, Felix? She's my ex-girlfriend now. Hindi na ako makikipag-balikan sa kanya."] Mairal na sabi niya.

"Yeah, yeah. You don't have to remind me." Sabi ko habang kumakain ng noodles.

["Sige na. Nakakasawa kang kausap. Maya na, fucker."] Sabi niya at pinutol ang linya.

Palibhasa, kasi nagsawa din kay Jackie. Kala mo naman masaydong gwapo. Oo nga, gwapo. Mabilis namang magsawa.

Pagkatapos kong kumain. Pinatawag ko ang nurse kung okay ba si Dominique. Well, ang sabi okay daw siya.

Umupo ako sa kama. Tinignan ko si Domnique. Nagulat ako ng biglang minulat niya ang kanyang mga mata.

Napatayo ako at tumakbo palabas ng kanyang kwarto paea tawagin ang doctor at nurse.

"The patient was okay. She still needs to rest more." Ani ng doktor. "She's very lucky, Mr. Castillo." Dagdag niya.

Pagkatapos ng usapan namin ay umupo ako sa tabi niya. Uupo na sana siya kaso pinigilan ko siya.

"You can't sit. Baka sumakit pa yan lalo." Sabi ko at umupo ako.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya ng mahina ang boses. Napayuko ako saglit at inagat ulit ang aking ulo.

"Ayaw kasi ng mga pinsan mo na makita ako. Baka nga umalis ako mamaya tapos sasabihin ko nalang sa kanila na sila na ang magbantay sayo. They are your relatives by the way."

Tinignan niya ako. Parang pagod ang mga mata niya.

"Alam mo ba na kapag nagkikita tayo. Lagi akong may gang fight sa abandon warehouse?" Nagsimula akong magkwento. "Why? Kasi gusto nila na makuha ka nila pagkatapos nila ako patayin. But they can't just kill me. Madami kami. Unti sila. Kaya minsan hindi ko pinapakita sayo ang mga pasa ko na nakukuha ko. Si Tiffany ang gustong pumatay sayo. Kahit ako nga rin eh."

"Sometimes you need to be weak, baby. Hindi naman sa sinasabi ko na lagi kang maging mahina. Minsan lang. Gusto ko na ako mismo ang magproprotekta sayo. I want that, baby." Sabi ko habang hinawakan ang kamay niya at nilalaro ang kanyang mga daliri.
"Felix..."

"Shhh... I know." Tigil ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "I don't know what to say. Isang bad boy nagcoconfess sa akin? Hindi makapa-kapaniwala, Felix." Sabi niya.

Meydo nahihiya ako.

"Pero....

Hindi ang tatay ko ang pumatay sa iyo mga magulang."

Napatingin siya mismo sa aking mga mata. Napakunot siya ng noo.

"What?"

"Tatay ni Tiffany ang pumatay sa iyong mga magulang. We can't do crime, baby. Hindi namin magagawa yun. Mga Castillo kami. We can't do it."

Mas lalong napakunot ang kanyang noo. Tumawa ako ng unti. Yumuko ako saglit at inangat ko ang ulo ko. Nahihiya na ako eh.

"I have prove. Nakakulong na sila Tiffany kasama niya ang daddy niya. Gusto mo pumunta tayo dun para tanungin sila kung totoo?" Tanong ko.

"Maybe."

"Hindi ka ba galit sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Why would I? I never think na ang daddy mo ang murder. Naghahanap pa ako ng iba pang ibidensya." Sabi niya habang nakayuko.

Pagkatapos namin magusap. Pinatulog ko muna siya.

May biglang kumatok sa pintuan ng busy ako sa pag install ng pokemon go.

"Oh! Pre! Musta?" Masiglang saad ni Hunter ng binuksan niya ang pintuan. Halos napasigaw na siya.

Napatingin ako kay Dominique. Minulat niya ang kanyang mga mata.

"Ikaw kasi, fucker eh!" Sabi ko saka sinapak siya sa braso.

"Sorry, ang ingay kasi ni Hunter eh." Sabi ko saka lumapit sa kanya. Tinulungan ko siyang umupo at nilagyan ng unan sa kanyang likod.

"Sorry naman. Akala ko kasi gising si Dominique." Sabi niya habang nilalapag ang pagkain na dala niya at kinakamut ang batok niya.

Umupo si Rage sa sofa ng kwarto ni Dominique. Cell phone agad ang kanyang hawak. Wala siyang suot na eyeglass.

"Napadalaw kayo." Sinimulan ni Dominique ang usapan.

"Yeah, ang sabi kasi ni Felix na pumunta kami dito. Eh, sabagay wala naman ako magawa sa opisina."

"Alam mo ba na may mahal na yan. I mean mahal niya parin." Inasar ko siya.

"Uy! Wag mo ngang ipunta sa akin ang usapan!" Sabi ni Hunter at inampas ako ng unan.

"Uy! Baka matamaan mo si Dominoque!" Saway ko sa kanya.

"Eh, ikaw, bro. Kayo na ba ni Dominique?" Sabi ni Hunter habang nakangising aso.

Nakita kong namula ang pisngi ni Dominique at parang napatulala siya.

"Hindi ko alam ang sagot dyan, bro. Umm... Siya ang tanungin mo." Sabi ko at tinuro si Dominique.

"Ako? Bakit naman? Hindi ko nga alam ang sagot dyan eh." Sabi ni Dominique. Napa'Ohh!' sila Hunter. Nakisali naman si Rage.

"Salamat at nakisali na si gago!" Sabi ni Hunter.

"Tss..."

"Gusto mong kumain? May lomi akong inorder." Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na. Busog pa ako eh." Sagot niya.

"Baka pumunta dito ang mga pinsan mo Dominique." Biglang sabi ni Rage.

"Kasama si lola?"

"Maybe. Tumawag kasi si Ginno kanina. Baka nga. Pero ang sabi nila pupunta sila." Sagot ni Rage. Tumango-tango lang si Dominique.

Dangerous Woman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon