Danger 4

349 7 0
                                    

Dominique

"Yes. Thank you good night." Sabay patay ng linya. Hay! Kailangan kong bumalik sa US kasi may semenar ako ng 1 month dun. Pagkatapos kong maggraduate. Hay!

May biglang kumatok. Ano ba yan?! Kainis! Nagdabog akong naglakad papunta sa pintuan. Nanlaki yung mata ko saka sinarado. Kaso parang naipit ko yung kamay niya.

"Aray ko!" Sabi niya saka tinanggal yung kamay niya. Isasara ko na sana kaso. Agad siyang pumasok sa loob ng condo ko. Umatras ako. Lumapit siya.

Umatras....

Lumapit...

Umatras...

Lumapit...

Hanggang sa wala na akong maatrasan. Nilagay niya yung dalawang braso niya saka sinandal to sa pader.

"Miss me?" He even smile at me. Ugh! I hate him!! Kainis! Ba't ba tong nagpakita sa akin?! Ang panget niya!!

"Ang panget mo!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Umupo ako sa isang upuan. Kainis tong panget!

"Ako panget? Madami kaya ang nagkakagusto sa akin. Saka sa akin galing yung salitang 'gwapo'." Sabi niya saka tumayo at umupo sa harapan ko. Nilagay niya yung braso niya sa sandalan ng sofa. Ano ba yan?! Bagong-bago pa kaya yang sofa ko! Bili pa nga yan ng mga makukulit kong pinsan eh!!

"Umalis ka na nga! Hindi naman kita kilala!" Iritang sagot ko sa kanya. Bakit ba?! I'm not accepting visitors here na hindi ko kilala! And I hate strangers so thats why I being rude at them! Ugh!

"I'm-" Pinutol ko siya.

"Wala akong pake kung sino ka. Hindi ako intresadong malaman ang pangalan mo. Kung ano man ang panget mong pangalan!" Sabi ko sa kanya. Kaso ang kulit!!

"Felix Ivan H. Castillo. My pleasure to meet you Ms. Scarlette Dominique Concepcion." Sabi niya with a smirk. How did he know my beautiful name?!

"Pano mo nalaman yung pangalan ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ganyan ako mangtaray. Pake niyo?!

"Hindi mo ba alam na kaibigan ko yung mga pinsan mo?" Aniya. "Lagi ka nga nila bukang-bibig eh. Saka lagi nila sinasabi na ang ganda mo daw. Totoo nga na maganda ka." Sabi niya saka tinignan niya ako hanggang ulo't paa.

"Aist! Buti sinabi mo akong maganda. Umalis ka na nga!" Sabi ko sabay tumayo. At naglakad patungo sa pintuan.

"We're neighbors, Mrs. Castillo." Nanlaki yung mata ko. Hah?! Mrs. Castillo?! Never mangyayari yun!!

"Excuse me, Mr. Castillo." Sabi ko. "I'm not yet married. Wala pa sa 'isip kong maglovelife'." Sabi ko sa kanya. Tinigasan ko talaga yun. And true wala pa sa isip kong maglovelife. Siguro mga 29 years old na ako.

Tumayo siya saka nilapitan ako. Tinitigan niya ako. Tinutunaw niya ba ako?

"Bye babe." Sabi niya saka hinalikan ako sa lips. Agad kong sinarado yung pinto. First kiss ko yun. Wala akong pake kasi first kiss ko lang naman yun eh.

________________________________________________________

Bigla akong nagising. May kumalabog kasi. Kinuha ko yung baril ko. Yes, may baril ako. Papatayin ko yun eh. Ginising ako! Ayaw kong magkaroon ng eye bugs. I hate it the most.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko.

*KALABOG*

Tinapat ko yung baril sa direction na yun. Kaso wala. Hinanap ko kung sino yung putanginang pumasok sa condo ko.

*KALABOG*

Tinapat ko yung baril sa salas. Nakita ko yung nakasuot na black. Nakablack na mask siya. Agad akong lumapit sa kanya at sinuntok.

Tinanggal ko yung mask niya. Napanganga nalang ako. Siya na naman! At may balak pa siyang mangnakaw sa condo ko!

Tumayo ako saka inopen yung ilaw. Nagcross arms ako sa kanya. 'Lang'ya!

"Ano ba ang ginagawa mo dito, gago ka?!" Sigaw ko sa kanya. Kainis eh! Ginising ako. Tignan mo 3 am palang eh!

"Wala akong balak sabihin sayo, babe." Sabi niya saka ngumiti. Ang panget niya! Pwede wag nalang siyang ngumiti? Hindi bagay sa kanya!

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Yumuko ako para same level ang mukha namin.

"Babe? Tiba walang secrets? Bakit ikaw may secret sa akin?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako. Nagpuppy eyes narin ako.

"May balak ka bang sagutin yung tanong ko, Mr. Castillo?" Mataray na sagot ko sa kanya. Gusto ko pag may tanong ako, sasagutin nila ng maayos at honest sila sa akin. Kung di masasapak ko sila.

"Okay. I'll answer it." Sabi niya saka tinaas niya yung dalawang kamay niya. Parang sumusuko na siya. Ngumiti ako sa kanya.

"May gusto ako sayo. Kahit hindi pa kita nakilala o nakikita." Aniya. "Kasalanan kasi ng mga pinsan mo eh. Pero alam mo kanina yung hinalikan kita parang ng init na yung katawan ko." Sabi niya saka ngumiti ng matamis.

"Hah! Sorry wala kang pag-asa sa akin." Sabi ko saka tumayo ng maayos at naglakad papunta sa pinto. Tumayo siya at naglakad papunta sa akin hindi sa pinto.

"Then, I'll do everything para magkaroon ako ng pag-asa. Simula ngayon, babe." Sabi niya saka lumabas. Agad kong sinarado yung pinto. Pero parang naipit ko na naman siya eh. Hahaha!!

"Aray ko po!!" Sigaw niyang malakas. Hahaha!! Para sayo yan ang panget mo kasi eh!

Binukas ko yung pinto saka tinanggal yung kamay niya saka sinarado ko yung pinto. Not sorry for being rude.

Tumawa ako ng malakas. Ilang beses na siyang naipit sa pinto ko. Hahaha! Kulang nalang maputol yung kamay niya eh! Hahaha!! Tangina! Haha!

Pumunta ako sa kusina. May nakita akong papel. Kinuha ko at binasa ko to.



Felix Ivan H. Castillo



Yun yung nakalagay sa papel.

Binasa ko yung letter sakin ng panget. Totoong panget siya kaya walang nakakagusto sa kanya. Pero actually gwapo siya. Aist! Hindi nga siya gwapo!

Dear Miss Scarlette.

Hindi ko first time na magkagusto sa babaeng katulad mo.

Ang lakas ng tama mo sa akin. Kahit hindi pa kita na masyadong kilala. Maganda ka nga.

Alam mo bang may gusto ako sayo. Hindi yung sobrang baliw sayo. Yung tama lang. Thanks to your cousins. Nakilala kita.

You make may day today...

Mr. Felix Ivan H. Castillo.

Okay matutulog na muna ako. Bago ko itapon to. Pumunta ako sa kwarto. Nilagay ko yung letter sa loob ng bed side table ko. Saka humiga na. Wala siyang tama sa akin. Wala din ako pake kung may gusto siya sa akin.

Dangerous Woman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon