Danger 22

85 7 0
                                    



Dominique

Nagaayos ako ng gamit ko. Uuwi na kami. Pero bar daw muna kami. Sasabay na naman ako kay Felix. Si Lucas naman daw ay nauna na saamin. Hindi ko alam kung bakit. Si Keko naman ay may isang araw pa ang stay dito. Pero he cancelled. Sasama siya sa amin sa bar. Malapit din daw yung studio company nila sa condo kaya madadalas ata ako ng punta dun.

"Tulungan na kita dyan." Biglang sabi Felix. Yumuko siya saka nagtupi ang mga damit ko. Mukha galit ang unggoy ngayon ah? Haha!

"Galit si unggoy." Bulong ko. Pero sadyang malakas ang pagkarining ng unggoy.

"Anong sabi mo? Galit ako? Hindi ah." Sabi niya. Sus! Nagdedeny pa siya!!

"Ba't halata sa mukha mo?" Tanong ko habang nagtutupi.

"Wala yan." Tipid na saad niya. K, kung yan ang sabi niya. Hindi na ulit ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagtupi ng damit ko.

Napatingin ako kay Felix. Nakita ko may hawak siya ng isang pamilyar na necklace.

"Ano to?" Tanong niya. Kinuha ko to sa kanya. Pamilyar siya pero hindi ko matandaan ko saan ko to nakita.

"Ewan ko, pero pamilyar siya saakin." Sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Painvestegate natin?" Tanong niya pero umiling ako. Ayoko saka may gastos pa. Saka meron naman kaming investegater.

________________________________________________________________________________________________________________


"Bar"

Nagorder yung mga pinsan ko ng mga drinks. May nakareserve kasing table sa amin. They ordered strong drinks. Nasa second floor kami so kahit dito may dance floor. Katabi ko si Keko. Nakasimangot naman si Felix. Tabi niya si Keko eh. Ewan ko ba kung bakit naging ganyan ang lalaking yan! Abnormal na siya?!

Iminom ako ng soju. Yung beer sa korea? Rare lang yun dito sa Philippines. Korean kasi ang may ari nitong bar na to. Kaya may soju. Ang sarap nga eh! Isama mo pa yung chicken. Yummy! Ang sarap nun!

Pero hindi ko parin nakakalimutan yung necklace na nakita ni Felix kanina. At kung gusto niya ipainvestegate yun. Pwede naman. Isama na natin yung---

"Sayaw tayo, Dominique." Tinaasan ko ng kilay si Tiffany. Tumayo ako daladala ang soju bottle. Yung hindi pa bukas. Mainit sa katawan yung soju. Kaya masarap maglasing.

Sumaway kaming dalawa sa dance floor. Halos wala na akong marinig kung di ang kanta lang. Talon-talon kami dito. Tudo sa pagsayaw.

"Balik na tayo sa table! Napagod ako!" Sigaw ni Tiffany. Narinig ko naman. Masydong malakas ata kasi narinig ko. Pagkabalik namin sa table. Nadatnatan namin dalawa na nagsusuntukan yung dalawa. Si Keko at si Felix. Nawala ang pagkalasing ko at pagkahilo ko. Agad akong pumunta sa kanila.

"Ano ba ang pinagaawayan niyo?! Mga immature pa ba kayo?!" Sigaw ko tila na tigilan naman sila sa ginawa ko.

"Gago yan, Dominique! Wag kang lalapit sa kanya!" Sigaw ni Keko kay Felix. Napatingin ako kay Felix. May pasa na siya sa may panga at may dugo sa labi niya.

Dangerous Woman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon