Danger 13

105 5 0
                                    


Dominique

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, saka parang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May abnormal heart ata ako eh. Wala naman akong gusto sa isang tao. Umupo ako sa kama ko. Kinuha ko yung phone ko.

To: Felix

Gising ka pa ba?

Erase!

Hindi ako makatulog, order tayo.

Erase!

Gusto ko ng chicken and beer, para makatulog ako.

Erase!

Nood tayo ng movie.

Erase!

Haist! Tumayo ako saka pumunta sa kusina. Nakita kong nakahiga si Felix sa sofa. Ba't siya nandyan? Sabi ko may kwarto sa taas.

Lumapit ako sakanya. Wala pang kumot. Malamig pa dito. Magkakasakit siya. Hininaan ko yung aircon. Pati ako naninigas sa lamig eh.

Nilapitan ko siya. Umupo ako sa gilid niya. Ang haba pala ng pilikmata niya. Saka kitang-kita yung jaw line niya. May red lips din siya. Maganda ang mga mata niya.

Nagulat nung hinila niya ako palapit sakanya. Gising pa siya?! Hala! Nakakahiya!

"Hey! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya. Pilit kong kumawala sa pagyakap niya sakin. Kaso para wala siyang narinig.

"Bakit kita bibitawan?" Sabi niya. Napatingin ako sa mukha niya. Nakapikit parin siya. Nagulat nalang ako ng minulat niya yung mga mata niya.

"Kukuha sana ako ng tubig para ibuhos sayo. Dun ka nga sa taas. May kwarto dun." Sabi ko sakin.

"I knew that you stared at me like that." Nanlaki yung mata ko. Bakit nga ba?! Kukuha lang naman ako ng tubig eh! Kaso nauuhaw ako.

"Bitawan mo na nga ako!" Sigaw ko sakanya. Nagulat sa sinabi niya.

"I won't let you escape this time. I've always loved you." Aniya.

Nanahimik ako sa sinabi niya. Napatitig nalang sa mga magagandang mata niya. Ang swerte siguro kung sino ang tumitig sa mga mata niya. At mas swerte yung tinititigan niya.

"Ang lakas ng pintig ng puso mo." Sabi niya. Agad akong tumayo. Buti na kawala ako. Bumalik ako sa kwarto ko.

Nilock ko yung pinto ko. Binaksak ko yung katawan ko sa kama ko. Napatingin ako sa puting ceilling.

Sumigaw ako ako. Hindi akong pwedeng magkaganito! Nakakabaliw kasi yung sinabi niya. Umupo ako.

"Okay kailangan ko lang ng chicken and beer. Yun lang." Sabi ko. Kahit wala naman akong kausap. Baliw na nga ako. Haist!

________________________________________________________________________________________________________________

"Morning"

Dangerous Woman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon