Special Chapter
Dominique
Ginising ako ni Felox dahil nandito na daw kami sa pupuntahan namin. Nasa Subic na daw kami. Pagkatingin ko sa labas ng bintana. Isang napakagandang simbahan ang nakita ko.
Pinagbuksan niya ako at lumabas ako ng koste niya.
"Ang ganda." Puri ko. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papasok ng simbahan.
Pagkapasok namin. Nabusog agad ang aking mga mata sa dahil maganda ang loob ng simbahan.
"Dapat nga dito tayo magpakasal. Kaso bawal muna si daddy magtravel sa ngayon." Ngumiti niya sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.
Lumuhod ako at nagdasal. I prayed that our marriage will never end up in a divorce. And I thank God that I marry a Felix Ivan Castillo. Masyado na akong sweet.
Umupo ako sa tabi ni Felix at nilagay ang akong ulo sa kanyang balikat habang ang nakapuloput ang aking mga kamay sa kanyang braso.
"Anong pinagdasal mo?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako mismo sa kanyang mga mata.
"Ang sabi ko na sana hindi mapupunta ang ating marriage sa paghihiwalay natin. Saka nagpasalamat ako na ikaw ang nagpakasal sa akin at tinadhana."
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang aking noo. He's really sweet. Nakakakilig nga eh.
Pagkatapos namin magsimba. Pumunta kami sa isang resort. Isa siyang Coral Theme. Yung design ng sign ng resort ay may malaking coral na may pangalan ng resort. Hinila ako ni Felix papasok sa lobby ng resort.
Agad kong nakita ang shiney floor ng resort. May corridor na unting maliit na papunta sa restroom ng mga babae at lalaki.
"One room please." Request niya sa babaeng kanina pang naglalaway sa kapogian at sa pagkahotness ng asawa ko. Hindi na Felix ang tawag ko sa kanya. Kung di asawa ko na.Napatulala ang babae kay Felix. So, that's why I snapped her. Bwisit! Nadiling ata ang babae. Tinaasan ko siya ng kilay.
Bigla akong niyakap ni Felix sa likod. Nagselos yung babae.
"Dali na kasi Miss. Naghihintay yung asawa ko oh." Pacute pa si Felix. Agad naman kami binigyan ng babae ng susi.
Napangiti ako at hinila ang kamay ni Felix papunta sa elevetor.
May nakasunod na lalaki sa amin which is siya ang may dala ng mga bagahe namin.
Ako ang nagbukas ng suite namin. Ang bango. Pero mas mabango si Felix. Cream walls. May shelfs na nakasabit sa pader. May mga librong nakalagay dun.
The comforter was white sheets. May balcony na kitang-kita ang dagat. Binuksan ko ang pinto nito at namangha ako.
Napakaganda....
Halos mapatalon ako na may yumakap sa likod ko. He wrap his arms around my waist. I love how warm his hugs was.
"Mas maganda pa pala to kesa sayo." Nabigla ako sa sinabi niya. Napalo ko siya sa kamay kaya siya na pabitaw.
Nagcross arms ako at tinaasan ng kilay. Bigla napalitan ang expression niya. Biglang nagtaka.
"Bakit na naman?" Tanong niya na parang nagpipigil ng inis.
Nilagpasan ko siya. So, ngayon nagseselos ako dahil sinabihan niya na mas maganda ang view kanina. OA na kung OA. Eh, first time kong maging protective sa asawa ko.
Madami ako nalalaman na madaming nagdidivorce ngayon. Ayokong mapunta kami dun. I don't like that we will end up like that.
Umupo ako sa kama at sinamaan siya ng tingin. Natawa siya at yumuko para itago ang kanyang pagkatawa. Ah, ganun pala.
He chuckled. I punch him in the face. Napaupo tuloy siya sa kama. Napahiga siya habang hawak-hawak ang mukha niya. Tumayo ako pero agad din ako napahiga.
Pumaibabaw siya sa akin ay kita ko ang marka ng suntok ko sa kanyang mukha.
"Haist! Ang sakit! Why did you do that, sweetheart?" Tanong niya.
Umirap ako ay tinulak siya. Tumayo ako at hinarap siya.
"Dapat lang yan sayo. Lagi mo ako kinocompare sa iba. Kala mo naman napakaganda! Ang pangit!" Sabi ko sa kanya. Umupo siya sa kama at nakatungkod ang kanyang dalawang kamay sa kama.
"Bakit kita kinucompare sa iba?" Ani Felix. "Kasi iba ka nga sa kanila. Nacompare na kita pero ikaw parin ang naiiba sa kanila. Ikaw yung mahal kong magandang babae." Sabi niya. Lambing lang naman ang ginagawa nito kapag nagtatampo ako eh.
Tumalikod ako sa kanya at dumiretso sa banyo.
Naligo ako at halos dalawang oras na ako nakatapos sa pagligo dahil lagi ako nalulutang.
Pagkalabas ko ay nakatayo na si Felix sa terrace ng suite namin. Nagkakape siya dun habang nakangiti sa phone niya. Tss.... bahala siya sa buhay niya!
Nagdabog akong pumasok sa loob ng suite at nilock siya dun.
"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko sa kanya kaya siya napatingin sa akin at tumakbo papalapit.
Pilit niyanv buksan kaso nakalock ang pinto. Tinaasan ko siya ng kilay at dumiretso sa kusina.
Lagi nalang ako nagseselos. Ano ba ang meron? Buntis ba ako? O ano talaga, kasama din ba to sa nararamdaman ng mga asawa sa asawa nila kapag nagseselos ka?
Pagkalapit ko sa terrace ay nakatulog pala si mokong. Naawa naman ako kaya binuksan ko to.
Gabi na nga eh. Matutulog nalang ako at mas mabuting mapanaginipan nalang siya.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat. Pero agad din akong napapikit dahil sa maliwanag ang araw.
Umupo ako sa kama. Minulat ko at nakita kong may katabi na pala ako. Siya pala yubg mabigat na nararamdaman ko.
"Uy, Felix..." Niyuyuyog ko siya habang nakapikit.
"Mmm...."
Dinaganan ko siya. Nakadapa ako sa kanyang likod. Inaantok pa ako eh.
Nakatulog ako saglit. Nagising ako dahil sa malakas ang pagkabagsak ko sa sahig. Napatili ako at sumakit ang pwet ko.
"Awww!" Agad kong pinalo si Felix. Agad siyang bumangon at binuhat ako sa kama.
"Ano ba?! Ang sakit nun ah!" Honeymoon na honeymoon namin mag-aayaw kami! Bwisit!
"Hindi ko alam. Sorry." Yumuko siya. Meydo na naawa ako sa kanya. Pero ang cute niyang tignan. Kaya niyakap ko siya at nilagay ang aking mukha sa kanyang leeg.Kahit LQ kami. Mahal ko parin si Felix. Hinding-hindi ko siya ipagpapalit.
BINABASA MO ANG
Dangerous Woman
RomanceMeet Dominique Scarlette Concepcion, the one and only girl in the Concepcion cousins. A bad girl who wants to know the true behind the sercets, who killed her parents or what is he's reason why did he killed her parents. Then a man finally got to m...