~Boyfriend and Girlfriend

84 2 0
                                    



Nicole's POV

Ay, sorry hindi pa pala tapos story ko? Sorry naman, mukhang gusto ata ni author na ishare pa yung buhay lovelife with my very first boyfriend, Dominic. Sino pa ba? Alangan namang si James Reid eh may Nadine na yun. Atsaka guys gusto ko rin na ibalita na sa istoryang ito ay may lovelife na rin ang bestfriend ko.

So yun nga, nalaman ng ate ko na may boyfriend na ako. Binalita kasi netong isa. Hindi nga ako makapaniwala na close na agad sila ni ate eh hindi pa naman sila nagkakilala in person. Makapal lang siguro masyado ang mukha niya kaya ate ko nauto niya. Basta sabi ni ate sa akin na balitaan ko daw siya sa buhay lovelife ko. First time ko kasi magkaron ng boyfriend kaya naeexcite siyang subaybayan ang buay pa-ibig ko. Hindi nga rin yun makapaniwala na yung isang gaya ni Doms pa talaga ang nagkagusto sa isang mahirap at loner na kagaya ko. Take note guys ha. Mayaman siya, gwapo, soccer player, mabait (minsan), feelingero (always) at matalino. Grabe na diba? Tapos sa akin pa nagkagusto eh hindi naman ako kagandahan. Maputi ako, oo, pero duh! Magulo buhok ko minsan pero naliligo naman din ako noh tapos mabango din naman ako. Hindi ako marunong magluto, hindi ako mahilig sa sports pero dahil sa boyfriend ko nahiligan ko na rin kasi tinuturuan niya ako maglaro ng soccer minsan para daw magkachance naman daw siyang makalaban sa soccer ang girlfriend niya and also quality time na rin daw. Hindi naman kasi ako FAN ng mga katulad ng nasa ibang movies and dramas na oras oras may quality time at kailangan sobrang romantic pa ang ambiance. Like duh! Hindi naman po kailangan na maging sweet kayo sa isat isa para maramdaman niyo na pumapag-ibig nga talaga kayo.

Simula nung sinagot ko siya naging mas sweet siya sa akin pero hindi naman PDA talaga. Yung lumelevel up lang ng konti. Nandun pa rin yung pambabara niya minsan pero bawi naman sa sweet gestures niya. Hindi naman siya demanding sa akin na dapat din na maging sweet din ako kasi alam naman niya na wala pa akong alam kung ano dapat ang role ng isang girlfriend basta ang importante daw sa kanya mahal ko siya kaya no pressure.

Hindi pa nga kami nagdedate eh. Hatid-sundo lang muna ang pinapayagan kong gawin niya. No flowers and little surprises everyday kasi naiilang pa ako.

Pero ngayon, mukhang gusto ko na atang idate siya. Miss ko na eh. Nagkaron kasi ng sports festival last week. Busy siya sa Soccer tapos ako sa banda. Remember, naging bagong female drummer ako ng banda ng school at pag may festival may banda. Practice dito practice dun. Ganun din sa kanila. Si Mica naman hindi ko nasasabay sa pag-uwi kasi late na kaming nakakauwi galing practice. Si Doms naman hindi ko na pinapayagang ihatid ako kasi alam ko masakit na ang katawan nun sa kakapractice. Text at tawag lang ang peg namin nun.

Ngayon na tapos na ang festival at relax din sa acads kasi may 3days break kami simula bukas. Sana naman free na siya diba? Matext nga!

Compose Message to Doms <3

...are you free today?

Sent

After an hour saka lang siya nagreply.

From Doms <3

May ipapasa pa kasing project this week babe. Kailangan kong tapusin kasi nagfocus lang ako sa soccer. But, if you dont mind punta ka nalang dito sa condo ko. Para hindi naman ako mafrustate dito I need inspiration babe. I need you and I badly missed you.

Shoot. Kawawa naman ang boyfie ko. (-︵-)

Lulutuan ko nalang siya ng fav niya baka nangayayat na yun. Baka natunaw na rin yung biceps at abs niya kakagawa ng school works.





Officially My Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon