Maaga akong gumising at nagluto ng agahan. Hindi naman talaga ako maaga nagigising kaya lang may katabi lang talaga akong mahilig mambugbog. May action movie atang ginagawa yun sa panaginip niya. Kaya si ako.. agang agang ang gising. No choice eh.
Matapos ko makapagluto at maglinis ng kusina ay inihanda ko na ang hapagkainan para pagbaba ng lalaking yun handa na ang mga pagkaing may lason.
"HALIMAW! GISING NA! KUMAIN KA NA DITO!" sigaw ko galing kusina. Katamad kasi kung aakyat pa ako at gisingin yun. Alam naman niya na ayaw 'kong pinaghihintay kaya sure ako na bababa rin yan. In 5...4...3....
"HETO NA! HETO NA! ANO ULAM??!" sigaw niya rin mula sa taas na tarantang nagbibihis pababa ng hagdan. Hanep sa multi-tasking ang lolo niyo ha! Very good! Bigyan ko kaya siya ng star mamaya.
"heto na po master. Ginisang kanin na may ham, hotdog and egg. Masarap yan!" sabay lahad ko sa kanya ng niluto ko nang makaupo na nga siya sa harap.
"Hmmm, amoy pagkain ng baboy."
╭∩╮(︶︿︶)╭∩╮-ako
siya ---- ( ⚆ _ ⚆ ) ----- (ノ^∇^)
"Ano ka ba! Joke lang syempre. Di ka naman mabiro."
"Natawa ako sa joke mo?"
"Hindi naman kailangan na tumawa ka. Ngumiti ka lang okay na."
"Gusto mo mamatay gamit ng ngiti ko?"
Hindi siya sumagot bagkus ay nagsalin nalang siya ng pagkain at nagkunwaring di natatakot sa akin. Biruin mo na ako't lahat wag lang ang niluto ko dahil baka malipat ko yang ilong mo sa likod ng tenga mo! Hmph!!???!?
"Ah nga pala, gusto mong gumala tayo ngayon?" tanong niya sa akin pagkasubo niya.
"Bakit? May naisip ka na bang lugar kung saan tayo magdedate??"
"Kung okay lang sayo dun nalang tayo sa studio ng pinsan ko. Tinext ko kasi siya kahapon na kung pwede na hiramin muna yung studio niya. Tuturuan kitang mag gitara at magplay ng keyboard."
"Marunong kang maggitara at magplay ng keyboard?? Ba't hindi ka sumali ng banda??"
"Kasi isang member lang ang kailangan nila doon at since you badly want the spot i just gave the chance to you nalang." sabay subo ng pagkain. Di ko sukat akalain na talented pala talaga 'tong lalaking 'to. At ngayon ko lang alam na ginive-up niya yung chance na maging member ng band para sa akin. Na naging worth it naman kasi napasok ako as drummer.
----
Di man lang nagsabi itong si Dominic na ang laki pala ng studio ng pinsan niya. Kumpleto pa sa music instruments and everything. Ang lupet pa ng drum set nila.
Dominic lend me a chair and let me sit for awhile habang hinihintay yung pinsan niya.
"May asawa na ba yung pinsan mo na yan? Sa itsura kasi netong studio niya parang mature na mature na. At... " nagpalinga linga pa ako sa bawat sulok ng studio. " mukhang pamilyado na!" matapos kong sabihin iyon ay maya maya'y tinawanan niya lang ako. As in, tawang tawa to the highest level talaga ang mokong. Kaya sinapak ko pero mahina lang naman. "Ano ba! Kung makatawa 'to. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko??"
"Pfft... naku lagot ka kay insan pag narinig niya yang sinabi mo. hahahaha...."
"Bakit ba kasi?"
BINABASA MO ANG
Officially My Lover (completed)
Short StoryMy Enemy Is Now My Lover short sequel. The continuation of Nicole and Dominic's Love Story. Started: May 10, 2017 Ended: August 18, 2017