~OPLAN SELOS PA MORE

19 1 0
                                    

Nasa bukana ako ng banyo ko sa bahay na naglalaro ng Temple Run habang nagpuputak-putak si Mica na naghihimalos sa banyo. Nalaman kasi neto na pinagseselosan ni Dominic ang boyfriend niya dahil lang dun sa pagpunta ko lang dun sa bahay ni Mark na basang basa ang mga damit. Samahan pa na naamoy niya sa akin ang pabangong inispray lang sa akin ni Mica nung maligo ako sa kanila. Kaya bigla bigla nalang nagfly-over dito sa condo at nakichismis ... ay hindi sleep-over na talaga.

"Naku dapat pala dumikit dikit yang ex-crush mo sayo para matakot si Doms ng konti." itinigil ko ang paglalaro saglit at hinampas sa braso ni Mica ang towel ko. "Aray ko naman Nics, brutal mo talaga. Isusumbong kita kay boyfie."

"As if naman ipagtatanggol ka nun laban sa akin eh takot nga yun sa isang hampas ko lang eh." hinarap niya ako at siya naman ngayon ang nanghampas ng tuwalya sa akin.

"Amazona ka kasi, hmpff~" then she pout and passed at me with bangga bangga on my shoulder pa yan ah. Ang arte talaga. "So what's your plan now pala?"

"anong plan? Para saan naman?"

" ano ka ba syempre dun sa babaeng pinagseselosan mo at sa pinagseselosan ng boyfie mo?" sabi niya habang nakatingin sa akin mula sa salamin na nasa studytable ko. "how can you make avoid the jealousy part sa mga epal ng relationship niyo?"

"wala!" mabilis na sagot ko. Inilapag ko sa kama ang cellphone ko at humiga sa aking kamang nakatitig lang sa kisame ng kwarto. " wala akong gagawin... alam ko naman na mahal namin ang isa't isa. May hadlang man o wala nasa sa amin lang di yun kung magpapaapekto kami o hindi."

Narinig kong inusog ni Mica ang upuan palapit sa kama kaya nilingon ko siya. " then what if ipursue ng parents ni Doms ang sa kanila nung classmate niya? What if iarrange silang dalawa? What if--- what if madivert ang feelings niya kay girl classmate? Don't you want to do something to stop those WHAT IFs?" umiwas ako ng tingin at nagpabuntong hininga.

"hindi ko alam, bahala na!"

"nics naman! Ay wait--- may plano ako.... OPLAN SELOS PA MORE! Yan ang plano ko.. cooperation lang ni Mark at Sian ang kailangan ko at BOOM, perfect! hahahahahaha"

"Eh!!!????"



--------------

It was 4pm that day, nasa band room kami ng school at nagpapractice. Busy sila sa pag totono ng mga instrument nila habang ako naman ay nakikinig ng music kasabay ng pagdadrum. Kakabigay lang kasi nila sa akin nung kanta at hindi ako masyadong pamilyar sa mga napili nila kaya pinapakinggan ko pa siya ngayon.

Lumingon ako sa aking kabati na tahimik lang. Nakapikit siya ngayon at nakapandekwatro. Tumayo ako at nilapitan siya. I slightly poked him nagbabakasaling hindi pa tulog. "hmmm..." ang tanging sagot niya pero nakapikit pa rin.

"Pwede patulong?" bulong ko sa kanya saka lang siya dumilat. Tinignan niya yung papel na hawak ko na may lyrics then took a glance at me. "Sorry kung naistorbo kita pero kasi hindi ako pamilyar sa mga kanta ng south border hindi ko makuha yung tamang timing ng pagdrum." he didn't move a bit. He just stared at me silently at nakakaintimidate na siya super. Saka ko lang napansin na nagpagupit pala siya. His hair looks very soft.

"What are you staring at?"

"H-huh? A-ano... napansin ko lang yung buhok mo.... ano... maganda tignan sayo..."

He smiled. "Mas maganda ka!" Shocks! Hindi ako nakapaghanda sa banat niya. Yung feeling na ngingitian ka ng crush mo tapos sabihan ka ng maganda?? Yun ang feeling ko ngayon kahit alam kong hindi na dapat madivert ang feelings ko ulit sa kanya. "Ang cute mo talaga.. halika ka na nga haha." aya niya sa akin pabalik sa pwesto ko kanina. Tapos tinuro niya sa akin kung paano itayming yung pagdadrum sa kakanta. Which is siya kasi nagkasakit yung vocalist namin kaya si Sian na muna ang magiging vocalist namin ngayong Saturday.

Officially My Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon