Nasa basketball court kami ngayon di kalayuan sa condo ni babe at ito ang panghuling araw ng very very very short break namin. Bukas kasi eh balik iskwela na kami. Nakakabitin nga eh. Grabe talaga pag college noh! Ilang araw lang ang magiging break niyo tapos balik na naman sa pagiging busy sa school.
Badawey! Yinaya nga pala kami nina Mica at Mark? Naalala niyo si Mark? Yung friend ni Dominic sa part1 (My Enemy Is Now My Lover). Ang totoo niyan naging close lang kami niyan dahil niligawan niya yung bes ko na si Mica. Ako pa nga naging tulay nilang dalawa pero saglit lang kasi sinagot agad ng bruha. Sayang daw kasi ibasted yung matalino na at gwapo pang manliligaw. Gaga nalang daw ang aayaw sa mga ganung lalaki. Pero alam kung may gusto niya rin yang si Mark eh kaya niya sinagot agad. Hindi pa nga siya nililigawan, binabakuran na ang mga girls na lumalapit sa kanyang Mark. Psh! Palusot lang!
Speaking of Mica, katabi ko nga pala ngayon si Mica na kanina pa nakanguso. Paulit ulit pang binibigkas ang salitang 'Nakakainis!' kahit wala namang nakakainis.
Tinignan ko siya at sinundan ang tinitignan niya. Now I know, mukhang naiirita siya sa mga umaaligid na mga girls malapit sa bench namin kung saan rin ang mga gamit ng mga boyfriends namin. Siniko ko si Mica at pinagtawanan. "Kung makanguso ka naman diyan."
Ngumuso siya at nagdadabog-dabog. "Eh kasi ang daming mahaharot sa paligid. Nakakasakit sa mata."
"Nakakasakit naman pala sa mata eh bakit mo sila tinitignan? Pumikit ka nalang kaya para di na masakit sa mata." binalingan niya ako at mas ngumuso pa. Ang pangit niya ngumuso at nakakadiri pa!
Tinulak ko siya bahagya at binalingan ang bag ni Dominic para kumuha ng tubig at sana'y ibibigay ko sa kanya nang sa matigilan ako sa mga bulungan ng mga babaeng nasa aming likuran lang.
"tignan mo yun, girl. They are playing around." girl1
"Saan diyan?" girl2
"Yung dalawang matangkad na lalaki sa kanila." pumaling ang leeg ko at nilingon sila Dominic. Dun ko lang napansin na silang dalawa ni Mark ang tanging matangkad sa mga naglalaro ng basketball.
Dominic hang himself to the ring and everybody laughs at him. "if I do this I wonder if I'll grow more~" tumawa silang lahat sa sinabi niya pati nga mga babae dito sa surroundings namin ay nakitawa rin. Ngumuso ako. Naiintindihan ko na ata ang nararamdaman ni Mics. Nakakairita pala talaga sila.
Nakita kong lumapit si Mark kay Dominic at pinalo ng bahagya ang pwet niya. "Maybe your arms will? Haha!" tapos tumawa silang lahat. Bumitaw si Doms sa ring at kinuha ang bola na nasa isang player doon at binato kay Mark. Tatawa tawa naman si Mark na umiwas sa pagbato niya.
Mas nairita pa ako lalo nang marinig ko ang paghagikgik ng mga babae sa aming likuran. "Ahh~ ang cute nila noh?"
"Yeah. They are so cute and attractive lalo na yung #13." sabi nung isa patukoy kay Doms. I took a glance at them for awhile tapos baling ulit kina Doms. He is admired by other people. I'm happy and embarrassed as if it were myself. However, if those girls praise him. It gets a little... complicated.
BINABASA MO ANG
Officially My Lover (completed)
Short StoryMy Enemy Is Now My Lover short sequel. The continuation of Nicole and Dominic's Love Story. Started: May 10, 2017 Ended: August 18, 2017