~Lampungan to Asaran

45 1 0
                                    

"Naligo ka ba babe?"

"Hindi eh, sorry. "

"Kaya ang baho muna. Sige na maligo ka na nangangamoy na eh!" tapos kumuha ng spray sa bag ko at inisprayan ako. Bwesit 'to. Umacting pa siya na nababahuan. Pektusan ko kaya to.

"Eh pa'no kung ayaw kong maligo? May magagawa ka ba?"

"Oh edi ... ako ang magliligo sa'yo! *wink* Kung ... okay lang sayo."

Para-paraan din to' eh! Ayaw ko nga may kasabay maligo yung paliguan pa kaya ako?! Mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Para-paraan din to' eh! Ayaw ko nga may kasabay maligo yung paliguan pa kaya ako?! Mukha niya. "Ano kaya kung paliguan din kita ..." Nagliwanag naman ang mukha ng loko hahahaha.

"Gusto ko yan."

" Hmmm, may pinakulo kasi akong tubig dito eh kunin ko lang ah!"

" A-ah h-haha, babe naman ... biro lang yun kanina. Wag mo ng ituloy yan. Sige na kahit hindi ka na maligo. Sorry na!" ha! Ano ka ngayon?

Mukhang bata talaga! Lumuhod ba naman at pinagkiskis yung mga palad na parang sorry-ng sorry talaga siya. Ganyan yan eh! Pag nabanatan ng mga ganitong joke bigla bigla nalang magiging crying baby. Ewan ko ba nga kung sino sa amin ang lalaki dito eh. Mas babae kasi 'to sa akin minsan.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa magsawa ako at lumayas na papuntang bathroom. Bahala siya diyan. Hanggang sa maisara ko na yung pinto ng bathroom naririnig ko pa rin ang sorry niya. Sigh. Hindi naman niya kailangang ngumawa ng todo eh kasi hindi naman seryoso yung pagkagalit ko. Gusto ko lang talaga siyang paglaruan. Takot yan sa akin eh! Ano ako maligno? Monster? Alien? Mangagain ng tao? Kulang nalang gawin ko siyang alalay sa pagiging sunod sunuran. Mas magaling pa ata yan sa aso eh! 

Hayy naku, ba't ko ba pinagdiskitahan na iback-stab yung boyfriend ko ngayon? Hahahaha sorry na! maliligo na muna ako guys para makatulog na rin kami. 





-----------

"Babe, sa'n mo gustong pumunta bukas?"

" Sa lugar na wala ka!" Bulong ko sa kanya. At ang resulta? Tinulak niya ako mula sa pagkakayakap at muntik na akong mahulog sa sofa. Bwesit! Ano naman kaya ang trip neto??!!

 Bwesit! Ano naman kaya ang trip neto??!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Officially My Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon