vam p.o.v
nandito na kami sa bahay , dinala na namin yung mga laruan nila zayra sa mga kwarto nila , ako naman andito sa kwarto tinititigan yung teddy bear na binili ko .
tumayo ako at lumabas ng kwarto para ibigay yun kay moon.
dahan dahan kung binuksan yung pinto ng kwarto niya at nakita ko siyang may kausap sa phone.
pumasok na ako at umupo sa kama.
nasa likod ko yung teddy bear ,hindi padin siya lumilingon kaya di niya padin ako napapansin na nandito na sa kwarto niya.
nang ibaba na niya yung phone nagulat siya ng makita niya ako.
"anong ginagawa mo dito? " gulat na tanong niya.
" ahmm wala lang ! " nakangiting sabi ko
umupo din siya sa kama at kinakalikot yung phone niya.
" moon ! may ibibigay ako sayo ! " ngiting ngiting sabi ko
" ano yun ? "
" chada ! " sabi ko sabay labas ng mga teddy bear sa likod ko.
bigla siyang tumawa.
" bakit ? di mo ba nagustuhan ? " tanong ko
" haha hindi , gustong gusto ko nga ehh , actually natawa lang ako sa nakasulat sa harap nila " natatawang sabi niya
" haha oo binili ko talaga yan. ang cute diba ? crazy ! hahaha " sabi ko
kinuha niya yung blue .
" sakin to , sayo yang pink . kunyare ako yan , at ikaw naman ito ! " sabi niya
napangiti naman ako sa sinabi niya.
nilabas ko yung cellphone ko .
" ahh moon selfie tayo , para may remembrance kung kailan ko ito binigay sayo " nakangiting sabi ko.
nag selfie kami kasama yung mga teddy bear .
" pano bayan vam , sisikat kana ! " biglang sabi niya
" kahit naman sumikat ako ikaw padin naman ang mahal ko ! " sabi ko
" ang corny mo ! hahaha " sabi niya
" ahh corny pala ha ! " sabi ko sabay kiliti sa kanya.
" haha ayoko na tama na hahaha " sabi niya
tinigil kona ang pagkiliti sa kanya at niyakap siya .
" ang bilis ng panahon no ? parang nung nakaraan lang sobrang daming problema ! " sabi ko
" oo nga ehh , pero syempre palaging nandyan ang problema hindi mo maiaalis yun . " sabi niya
" basta lagi tayong magkasama at mamahalin kita forever ! " sabi ko
haha napaka cheezy ko na !!
*******************
kinaumagahan .
sabay kaming pumasok ni moon .
*school*
pumasok na siya sa klase niya at ako dumiretso sa room.
nag turo lang ang mga nakaka antok kong mga teacher , nakaka boring lang talaga !!
ng lunch na , syempre sinundo ko si moon sa room niya, at sabay na kaming nag punta sa tambayan .
" oo nga pala guys sabi ni ms. cindy may pictorial tayo bukas , baka hindi tayo makapasok ! " sabi ni troy
" pwede naman siguro pag tapos ng klase " sabi ko
" sige na nga sabihin nalang natin . " sabi ni troy
kumain nA kami at kung ano anong pinag kwentuhan namin ng ma topic namin ang minsan ko ding nakasama
" uy guys wala ng balita kay white hair girl no ? " sabi ni peter
" oo nga ehh , kasi sobrang nakakatakot talaga siya ! " sabi ni ayra
" pero ang pinapatay niya lang naman ay yung mga masasama ! " sabi ni van
" sabagay ! " sabi nila
" guys pano kung makipag kilala sa inyo yung babaeng tinutukoy nyo , kikilalanin niyo ba siya at tatanggapin ? " biglang tanong ni moon.
" hindi ! " sabi nila
" bakit ? " tanong niya
" kasi killer siya , tsaka mamaya kami pa ang patayin niya no. " sabi ni vaness
" para sa akin siguro oo ! " biglang sabi ko
" talaga ? " gulat na tanong nila
tumango ako .
" kasi , hindi niyo pa naman siya ganun kilala ehh , malay nyo tinutulungan niya lang yung mga taong nasasaktan ng mga masasama ! tsaka malay nyo ayaw niya din yung ginagawa niya , inuutusan lang siya ! " sabi ko
" sabagay , pero nakakatakot padin ! " sabi ni joshua
" pero teka nga moon , bakit moba naitanong yan ? " tanong ni trisha
" ah wala lang haha " sabi niya
tumango lang kami at nagkwentuhan na ulit.
ng matapos yung lunch bumalik na kami sa mga room namin.
nakita ko nanaman si april .
dumirediretso ako sa pagpasok pati sila troy at josh.
ng biglang hatakin ako ni april .
bigla niya akong hinalikan ng mariin , at hindi ako nakapag react , bigla ko siyang tinulak ng pagkalakas lakas.
" wala kang karapatan para halikan ako ! " sigaw ko sa kanya.
bigla kong pinunasan ang mga labi ko .
" si moon lang ang pwedeng gumawa nun ! " sigaw ko ulit sa kanya.
nakita kong tumulo ang luha niya .
bigla akong lumabas ng classroom at nag tungo sa c.r
hinilamusan ko ang mukha ko at kinuskos ang labi ko.
" patawad moon ! " bulong ko habang nakatingin sa salamin .
...
BINABASA MO ANG
Moon ( COMPLETE )
Fantasynagsimula lahat ng ito sa bakanteng lote , naging mag kaibigan , hanggang sa palagi na silang mag kasama . na inlove sa isat isa , at nakalimutang bawal pala sa isang legendary anghel killer ang humalik sa taga lupa. kaya naman nagkaroon ng parusa...