vam p.o.v
habang kumakain kami , hindi ko maiwasang tumingin kay moon . kasi nga lalo siyang gumanda ngayon !!
" matunaw naman ako vam !" biglang sabi niya .
nagtawanan kaming lahat , nakakaloka parang nung isang araw lang sobrang daming problema pero ngayon parang wala lang.
" ah crazy ! super ganda mo today! "
nagsitinginan silang lahat sa akin ng sabihin ko yun.
si moon naman ang sama ng tingin niya sa akin .
" anong sabi mo ? " nakataas na kilay na tanong niya sa akin
" tawagan natin yun moon . haha "
pagkasabi ko nun nag tawanan ang buong tropa at si moon naman ang sama padin ng tingin niya sa akin .
ngumiti ako sa kanya at pinag patuloy ang pagkain ko. nakakatakot kasi siya tumingin eh.
pinag patuloy niya nadin ang pagkain niya . woohoo grabe nakaka kaba talaga siya tumingin.
Moon p.o.v
ng matapos akong tumingin ng masama kay vam este kumain pala ehh naglakad lakad muna ako sa tabing dagat ang ganda kasi ehh papalubog na yung araw .
medyo malayo layo na ako sa tropa andito ako sa pinaka dulo , walang katao katao dito ako lang mag isa. umupo ako at nag sulat sa buhangin.
-I LOVE YOU VAMVAM DAVE GISPIN-
sana ganito nalang eh no ? para happy ending na. kaya lang sobrang daming pagsubok na pag dadaanan .
may biglang tumabi sa akin.
inakbayan niya ako.
akala ko si vam , pero nag kamali ako .
" anong ginagawa mo dito ? " gulat na tanong ko.
" hindi kaba natutuwa dahil andito ako princess moon ? " tanong din niya
bigla akong umalis sa tabi niya , dahil baka heto na ang katapusan ng buhay ko.
" alam mo napag tanto ko na baka nga hindi ikaw ang pumatay sa asawa ko , PERO! " panandalian siyang huminto at lumapit sa akin at hinaplos ang mukha ko , na ikinatayo naman ng mga balahibo ko .
" dapat may kapalit ang asawa ko moon. " sabi nito
bigla akong umatras.
" iisa isahin ko ang mga mortal mong nakakasama , at ihuhuli ko ang pinaka mamahal mo , pagkatapos gigilitan ko ang leeg niya sa harap mo ng dahan dahan ! wahahahahahaha "
" wala kang puso " sigaw ko sa kanya
" WALA TALAGA MOON ! sa susunod na makita ko ang isa sa mga kaibigan mo , papatayin ko na sila " pagka sabing pagkasi niya nun bigla na siyang naglaho .
tumingin ako sa buhanginan kung saan ako nag sulat kanina , wala na yung sinulat ko .
bigla akong napaluhod , dahil nanghina ako sa aking mga narinig .
anong gagawin ko ? hindi ko pwedeng sabihin ang katotohanan sa kanila , baka hindi nila ako matanggap . lalo na si vam , baka mas lalo siyang magalit sa akin .
maya maya may tumapik sa balikat ko
" ahhhhhhhhhhhhhh " sigaw ko
" hey , hey . ako to ! "
lumingon ako at nakita ko si vam .
tumayo ako at niyakap siya.
bigla nalang akong naiyak . hindi ko na alam ang gagawin ko, sana hindi nalang ako nag mahal , masakit pala talaga ang mag mahal ..
sana hindi nalang kita minahal vam , sana hindi mona lang din ako minahal para hindi na kayo madadamay pa.
" hey whats happen ? " tanong niya
niyakap ko siya ng mahigpit
" vam , mahal na mahal kita , kahit anong mangyare mahal na mahal kita ! " humihikbing sambit ko .
" mahal din kita moon. " pagkasabi niya nun , niyakap niya ako ng napakahigpit .
Vam p.o. v
ano kayang nangyare kay moon ? hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil umiiyak siya.
ayokong nakikita siyang umiiyak .
umupo kami sa tabing dagat , at nakasandal siya sa akin at naka akbay naman ako sa kanya.
" moon , anong nangyare kanina ? " tanong ko
" hmm wala naman , naalala ko lang yung mga ginagawa sa akin ni april ! " sabi niya
" dibale , hinding hindi kana niya masasaktan pang muli dahil nandito ako palagi sa tabi mo. " sabi ko
" hindi sa lahat ng oras nasa tabi kita vam , may mga bagay na hindi mo kayang pigilan . " sabi niya ng nakatingin sa malayo
" ano bang sinasabi mo ? " tanong ko
" hmm basta malalaman mo din yan sa tamang panahon , kasi ngayon masyado pang maaga para malaman mo ang lahat . " sabi nya
" ano bayan crazy ang lalim ng hugot mo ! " natatawang sabi ko
" haha sorna agad , tsaka bakit ba crazy ang naisip mong tawagan natin ? " tanong niya
" kasi para kang baliw kung kumilos , sa pagkain , at lalong lalo na sa akin ! " sabi ko sabay pogi sign
bigla niya akong hinampas sa braso .
" ang sama mo ha ! " sabi niya sabay pout
haha bigla ko siyang hinalikan sabay takbo smack lang naman eh .
hinabol niya ako hanggang makarating kami sa kubo .
tawa kami ng tawang dalawa.
" hoy crazy couple san kayo galing ? " tanong nila
bigla kaming nagkatinginan ni moon at sabay tawa
hahaha laughtrip talaga .
" mga baliw talaga to. " sabi ni peter .
nagtawanan lang kami at uminom ng buko .
ang sarap , hati nga kami ni moon ehh , wag kayo dalawang straw yun , masyado na hahaha.
" bhabe punta lang akong c.r ha ? " sabi ni veronica
sabay tayo niya. bigla ding tumayo si moon .
" sama din ako. " sabi niya .
umalis na sila at kami naman ay nag kwentuhan lang.
after 5 minutes bumalik na sila , at nag sipasukan na kami sa bahay .
super hangin sarap mamuhay dito.
gusto ko pag kasal na kami ni moon sa ganito ang gusto kong lugar.
pumasok na kami at natulog . hayst ano kaya yung sinabi ni moon kanina ??
...
BINABASA MO ANG
Moon ( COMPLETE )
Fantasynagsimula lahat ng ito sa bakanteng lote , naging mag kaibigan , hanggang sa palagi na silang mag kasama . na inlove sa isat isa , at nakalimutang bawal pala sa isang legendary anghel killer ang humalik sa taga lupa. kaya naman nagkaroon ng parusa...