Ikaanim na Kabanata

208 6 0
                                    

I feel free but empty. There's something in me change.

Gone.

What? I don't know.

But I'll get over with it soon. I hope.

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng school. Iniiwasan kong mapatingin sa building kung saan naroon ang mga Fine Arts students kabilang si Chris.

Magkatabi ang building namin kaya wala akong choice kundi dito dumaan. Hindi ako umiiwas, ayaw ko lang makita siya. Kalmado ang bawat hakbang ng mga paa ko at nasa harap lang nakafocus ang mga mata ko.

Bahagya akong tumigil sa paglalakad nang naramdaman kong may sumasabay sakin at ilang sandali lang ay inakbayan ako. Napahinto ako ng tuluyan at tumingala sa taong nasa tabi ko. Si Kyle. Naka ngisi habang nasa harap lang ang tingin na tila nagbabanta. Tumigil ako nang tuluyan at siniko siya ng mahina.

"Kyle!Ano ba? Mabigat. Ibaba mo yan."

Utos ko. Ngunit hindi siya nakinig.

"I won't."

Iniwasan ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakatitig saamin. Kinuha ko ang kamay niya sa balikat ko at inalis iyon. Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

Nawala ang ngisi sa mukha niya at biglang sumeryoso. Nakita ko kung paano niya sinuri ang mukha ko. Agad kong iniwas ang mga mata ko dahil hindi ako sanay at naglakad ulit. Sumabay naman siya.

"Are you okay?"

Tanong niya habang nasa harap lang ang tingin. Tumango ako.

"I'm okay Kyle. You don't have to worry."

Bahagya siyang napatigil at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkagat niya sa ibabang labi.

"I'm not worrying, Okay?"

Defensive niyang sabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sabi mo eh.

"Okay.."

Yun lang ang sinabi ko bago ako lumiko para pumunta ng comfort room. Pero bago ako tuluyang umalis doon ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako. May pagtataka sa mga mata niya.

"Saan ka pupunta?"

Matigas niyang sabi. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Sa C.R. Sasama ka?"

Nakita ko kung paano pumula ang tenga niya. Pinigilan ko ang sariling matawa sa reaksiyon niya.

"W-What? No!"

Tuluyan niyang binitawan ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. Natawa ako ng tuluyan. Nagpaalam ako bago pumunta ng C.R.

Sinuri ko ang repleksyon ko sa salamin. Namumugto ang mga mata ko ngunit hindi naman gaanong halata. Kumuha ako ng powder sa bag at nilagyan ng kaunti ang mukha ko. Naglagay din ako ng konting lipstick sa mga labi. Ayaw kong magmukhang namatayan.

Nang sa tingin ko ay okay na, inayos ko ang aking mga gamit at lumabas. Nagulat ako nang biglang bumungad sakin ang nakapamulsang si Kyle habang nakasandal sa pader. Umayos siya ng tayo nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka sasama?"

Nagtatakang tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay malamig na tingin ang binigay niya.

"Tapos ka na?"

Tanong niya. Tumango lang ako at hindi na kumibo. Sumasakit ang ulo ko sa lalaking to.

"Sa classroom ka ngayon?"

Umiling ako.

"Mamaya pa ang klase ko. Sa Library ako pupunta."

BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon